(maging succesful kaya ang proposal ni Rex or hindi?"
Caryl's POV
-The Next Day-
Nandito ako sa Plantation namin at naglilibot libot para makita ang mga taniman dito. Hapon na ngayon kaya hindi na masyadong mainit, ako lang ang magisa dito.
Pumitas ako ng mga bulaklak para amuyin ito, ngunit natigilan ako sa paglalakad ng may biglang magtakip ng bibig at ilong ko!
Sinubukan kong makawala ngunit malalakas ang mga ito. Sapilitan nila akong isinakay sa kotse, malalakas sila kaya hindi ko ito kayang labanan. At maya maya lang ay nawalan na ako ng malay.
-After an hour-
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng kumidnap sakin dahil nakatakip ng panyo ang mga mata ko. Pero ang alam ko lang ay nasa loob parin kami ng kotse ngayon. Kinakabahan talaga ako sa mangyayari sakin.
"Buti nalang mag isa lang sya kanina" tinig ng isang lalaki
"Kaya nga eh. Kung hindi, baka hindi na natin natuloy ang plano" sabi ng isa pang lalaki.
Sino kaya tong mga to?
"Nasan ba tayo!? San nyo ako dinala!?" galit na sigaw ko sa kanila
"Secret" yun lang ang sabi ng lalaki.
Ngunit nagulat ako ng hawakan nila ako sa braso at sapilitang pababain ako ng kotse "Anong gagawin nyo sakin!?" natatakot na sabi ko ng tuluyan na akong makababa. "Nasan tayo!?" hindi ko talaga alam kung nasan kami dahil nakatakip yung mata ko!
"Wag kang mag alala Miss, wala kaming gagawin sayo" sabi ng lalaki
Kaya naman tumahimik nalang ako, nasan ba kasi kami? Mahangin ang lugar na pinuntahan namin, tapos pag lumakad ka ay mabato at puro buhangin lang. May naririnig din akong bulungan ng mga tao.
Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad, inaalalayan ako ng mga lalaking kumidnap sakin dahil hindi ko makita ang daan.
Ano kayang gagawin nila sakin? Hhuhuhu!!! Gang Rape? Sasaksakin ba nila ako? Babarilin? Kukuhaan ng pera? Ikukulong? Wahhhh
Maya maya lang ay bigla akong binitawan ng mga lalaking iyon. "Nasan ako!?" sigaw ko na talaga ng malakas.
"Sshhhh" sino to? Bat parang pamilyar yung boses nya?
Maya maya lang ay may nagtanggal na ng blind fold sa mata ko. At pagkatanggal na pagkatanggal ng panyo ay nakita ko agad sa aking harapan si......
"Rex?" naguguluhang tanong ko
At paglibot ko ng mata ko ay nakita ko ang tatlo kong kaibigan, Pamilya ni Rex. Nandon din si Scarlet the landi kaya tinaasan ko lang sya ng kilay at tinarayan. Ngunit nagulat ako nang pagbaling ko sa kaliwa ay nakita ko sina.....
"Mom? Dad?" labis akong naguluhan ng makita ko si Mommy at Daddy na nakangiti saming dalawa ni Rex.
Nakapalibot silang lahat samin ni Rex kaya lalo akong naguluhan. At duon ko lang narealize na nasa Ilocos Pagudpod, Windmill pala kami. Napakahangin dito at mabuhangin rin.
"Ano to?" bulong na tanong ko kay Rex. Ngunit hindi sya nagsalita, kundi..........
Lumuhod!!!
Nagulat ako sa biglaang pagluhod ni Rex sa harapan ko. Napatakip ako ng bibig at duon na umpisang tumulo ang luha ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.