Chapter 48: Car Accident

9.8K 202 9
                                    

Rex's POV

Nandito ako ngayong gabi sa bar at nag iinom.

A/N: Syempre kung umaga kila Caryl sa New York, syempre sa Pilipinas ay gabi. Haha

First time ko lang makapunta sa bar, tuwing niyayaya kasi ako ng mga gangster kong kaibigan ay hindi ako sumasama sa kanila.

Naka dalawang bote palang ako wine. Inaalala ko ang nangyari kahapon.


~Flashback~

Nang makarating ako sa Airport ay dali-dali akong bumaba ng kotse ko, nilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang bakas ni Caryl kaya naman nagtatakbo ako kung saan-saan para hanapin lang si Caryl.

Sinubukan kong pumasok sa loob ng airport ngunit....

"Sorry Sir pero hindi po kayo pwedeng pumasok dito, lalo na po't wala naman kayong flight" sabi ng guard sakin

"Sige na po! May hahanapin lang ako" makaawa ko

"Sorry Sir pero hindi pwede e--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil bigla ko syang tinulak, at yun ang dahilan para makapasok ako sa loob ng Airport.

Nang tuluyan na akong makapasok sa Airport ay nilibot ko ang paningin ko sa napakaraming tao. Tumakbo rin ako kung saan-saan para hanapin si Caryl ngunit huli na ang lahat. Hindi ko na sya nakita kung saan-saan kaya naman lumabas na ako sa loob ng Airport.

Bumalik ulit ako sa loob ng kotse ko at napasabunot sa buhok ko. Tumulo na ng sunod-sunod ang luha ko, pinaghahampas ko ang manibela hanggang sa mamula ang kamay ko.

Naniniwala akong babalik ka balang araw Caryl..... Hindi ako susuko para sayo. Magpapatuloy ako sa buhay ko kahit wala ka..... Masakit man pero kailangan, kakayanin ko to!

~End of Flashback~




"Atleast sinabi nya na pupunta sya sa ibang bansa......pero ang sakit parin maiwan" bulong ko sa sarili ko


"Sir eto na po yung bagong bote ng wine nyo" natinag lang ako nang biglang magsalita ang bartender sa harap ko.

"Salamat" pasalamat ko

Nagumpisa nanaman akong inumin ang wine ko, nilaklak ko ito hanggang sa maubos ko ang isang bote ng wine. At nang maubos ko ito ay tumayo ako at umakyat sa stage na may mga instrumento. Wala pa naman ang tutugtog ng banda.

Umupo ako sa harap ng piano at inumpisahang tipahin ito, tinugtog ko muna yung intro bago ko kantahin ang kantang kakantahin ko.

Inumpisahan ko nang kantahin ang pamagat na "Magkabilang Mundo" dahil tamang-tama ang kantang iyan sa sitwasyon ko ngayon

♪☆Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo ♪☆

♪☆ Ang awit na to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo  ♪☆

♪☆Kahit nasan ka man
Hindi ka papalitan
Nag iisa ka lang 
Kahit na langit ka at lupa ako  ♪☆

♪☆Ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong
Nagniningning   ♪

[CHORUS:]

♪☆Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan  ♪☆

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon