Chapter 33: Park

10.4K 203 11
                                    

Caryl's POV

Araw ng Sabado ngayon. Ngayong hapon ay nandito lang ako sa kwarto ko at nagiisip-isip, nakahiga ako habang nakatingin sa kisame.

Wala na akong balita kay Rex, hindi ko alam kung nakalabas na ba sya ng Hospital o hindi pa. Hindi rin sya nagtetext sakin. Sabagay, hindi naman nya ako girlfriend o ano. Wala akong ginagawa araw-araw kundi tulog, kain at pagbabasa lang. Sobrang nakaka borin------g. Gising na nga sya pero--

"Caryl?" kumatok si Tita Lea sa pinto ng kwarto ko.

"Po?"

"May bisita ka. Rex daw? Sino yun? Yun ba yung sinasabi mong nanliligaw sayo? Ay nako! Napaka gwapo pala nya" kwento ni Tita Lea sa labas ng pinto.

Agad akong napabalikwas sa kama. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang kabuuan ko. Buti nalang nakaligo at naka toothbrush na ako. Inayos ko ang pagkaka kabit ng eye glasses ko sa mata ko at saka bumaba.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Rex na naka upo sa Sofa. Nanonood sya ng TV at takapan-dekwatro ng upo. Napakapogi nya! . May hawak sya ng bouquet ng bulaklak at may hawak din syang box.

Nang makalapit ako sa kanya ay napatayo sya.

Awkward.....

"Caryl" sambit nya.

"Rex" sambit ko

"Flowers for you" binigay nya sakin ang bouquet ng bulaklak. Namula ako ng iabot nya sakin yon. Kinikilig ako!!

"Thank you" yun lang ang nasabi ko. Binigay nya rin sakin ang box na puno ng chocolate kaya naman lalo akong namula.

Umupo kaming dalawa sa Sofa.

"Pwede ka bang yayain?" tanong nya.

"Saan?"

"Sa restaurant sana hehe"

"O sige magbibihis lang ako sa kwarto ko" paalam ko

"Huh? Kahit di ka naman magbihis, maganda ka parin naman" biro nya. Namula naman ako.

"Tsh! Sige na, magbibihis lang ako"

"Pwede sumama?"

"Ano!?!" sigaw ko sa kanya

Ano sya adik!? Sasama sya sakin sa pag bibihis! Wow!

"Hahahaha!!! Pasama ako sa kwarto mo, hindi sa banyo. Bakit? Gusto mo pa bang samahan kita sa pagbibihis? Pwede naman." biro nya at saka ngumisi.

"Bastos! Tita Le-----" hindi ko natuloy ang pagsigaw ko dahil tinakpan nya ang bibig ko.

"Shhhh!!"

"Para kang tangiks!"

"Pasama na kasi sa kwarto mo!" pagmamatigas nya.

"Ayaw!"

"Hindi naman kita aanuhin dun eh, ano bang iniisip mo? Na gagahasain kita?" ngisi nya. Nanlaki ang mata ko.

"Sige na nga! Sumama ka na, basta promise mo na wala kang gagawin sakin ah"

"Tch. Kala mo naman aanuhin sya" bulong nya

"Ano!?"

"Wala, sabi ko bilisan na natin, gagawa pa tayo ng---" tinakpan ko ang bibig nya.

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon