Pagkaalis ni Rex ay pumasok na ako sa bahay nila Tita Lea. Kumuha ako ng pagkain sa Dining table at tumabi sa nanonood na si Ronald. Hapon palang kaya naman nagpaka busy muna ako sa panonood ng TV.
After an Hour....
Kakatapos lang naming kumain ng Hapunan, gabi na kaya naman umakyat na ako papasok sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng side table, at nang makuha ko na yun ay umupo ako sa gilid ng kama ko at nginig kamay na dinial ang number si Mommy.
Pano pag magalit sya sakin? Baka ipatapon nya ako sa ibang bansa pag nalaman nya na may binugbog nanaman ako o kaya naman pag nalaman nya na naglilihim ako na may boyfriend na pala ako..... Huhuhuhuh ayokong mahiwalay kay Rex.
"Hello anak?" tinig ni Mommy
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"M-mom" nanginginig boses na ani ko
"Anak! Oh, bat napatawag ka? Kamusta jan sa Ilocos? Natutulog ang Daddy mo dahil pagod sya galing sa work kaya hindi ko sya pwedeng abalahin" ani Mommy
"H-hehehehe o-okay lang naman po Mom, may gusto lang po sana akong s-sabihin" nauutal na sabi ko habang kinakalikot ang bedsheet.
"Ano yun?"
"Pwede po ba kayong umuwi ni Daddy dito sa Pilipinas bukas? Dito kayo tumuloy sa Ilocos" ani ko "Tas paguwi nyo po bukas ay dumeretso po kayo sa guidance office ng Sinait National Highschool" paliwanag ko, natanggal ko na ang bedsheet ng kama dahil sa kaba.
"At bakit mo naman kami pinapauwi? At sa guidance office pa kami tutuloy? May ginawa ka nanaman bang kalokohan kaya sa guidance mo kami pinapatuloy!?" mataas na boses na ani Mommy.
Napapikit ako sa sobrang kaba "O....O-po!" pag amin ko "N-nangbugbog nanaman po ako"
"Caryl naman! Bakit mo ginawa yun?! Ang sabi mo sakin noon magpapakatino ka na!? Tapos ngayon---" pinutol ko ang sasabihin nya
"Sorry na Mommy!! Sorry! Kasi naman ano ehhh.... Basta! Bukas nalang po ako magpapaliwanag" mabilis na sabi ko at pinatay ang linya.
-Toot Toot Toot-
Tumayo ako at nagpalakad lakad sa loob ng kwarto ko habang hawak parin ang cellphone. Kinakabahan ako sa gagawin sakin ni Mommy bukas, mabait naman si mommy pero nagiging monster sya pag nakagawa ako ng mali. Nagpaikot ikot ako sa loob ng kwarto ko na animong hindi mapakali ngunit napatigil ako nang....
"Aha!" sigaw ko bigla.
May naisip ako, kaylangan kong puntahan si Tita Lea para makiusap.
Napagdesisyunan ko na pumasok sa kwarto ni Tita Lea. Pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko si Tita Lea na nakaupo sa kama nya at nagpupunas sa basa nyang buhok, kakaligo nya lang.
"Tita Lea?" tawag ko dito
"Oh Caryl? Bakit ka nandito? Halika at umupo" aniya
Dahan dahan akong lumakad at umupo sa kama katabi ni Tita Lea.
"Tita, may kaylangan po akong sabihin sa inyo" kinakabahang ani ko
"Oh, ano yun?"
"P-pwede po bang..... wag nyo po munang sabihin kila Mommy at Daddy na may boyfriend na po ako" kinakabahang ani ko