Chapter 30: Acquaintance Party

9.7K 210 5
                                    

Caryl's POV

Lumabas na kami nila BJ, Mitch, Angela at Rex dahil kakatapos lang ng Acquiantance Party.

"Ikaw talaga Rex ah, madalas ka nang sumama samin kesa sa mga kaibigan mong gangster ah" si Mitch .

"Hahahah" tumawa lang sya

"Syempre nandito si Caryl eh! Malamang sasama talaga yan satin. Imbyerna ka" banat ni BJ "Inferness ahh! Ang galing sumayaw ni Rex!! Nakakain love"

"Tss." singhal ko

"Ay grabe! Selos? Hahahah" si Angela

Marami na ring nagsisilabasan na mga estudyante ngayon. 10:00 na ng gabi kaya naman madilim na dito papalabas ng school. Tawanan ng tawanan ang mga kaibigan ko at ako naman ay nakikinig lang.

Papunta na sana kami sa Parking Lot nang may humintong puting van sa harap namin at may lumabas duong limang lalaki na itim lahat ng suot nila at halos di na makita ang mukha nila. May hawak silang mga baseball bat at ang isa sa kanila ay may hawak ng baril.

Sa sobrang gulat namin ay napaatras kami. Ang mga estudyante ay nagtilian at nagtatakbuhan na papaalis duon sa school. Napahagulgol na si Mitch dahil sa takot. Si BJ at Angela naman ay napayakap kay Mitch at si Rex naman ay napahawak sa balikat ko at halatang takot din.

"Sino yan? Natatakot ako! Huhuu" hagulgol ni Mitch.

"Sino kayo at anong kaylangan nyo samin?!" lakas loob na tanong ko. At nagulat nalang ako nang kami ni Rex ang itinuro nila. Nagkatinginan kami ni Rex. "Bakit?" tanong ko ngunit hindi sila sumagot.

Humakbang sila papalapit samin kaya naman napahagulgol na din si Angela. Napalunok nalang ako, di ko alam kung anong susunod na mangyayari.

At nagulat nalang ako nang biglang tumakbo papalapit samin ang dalawang nakaitim at paghahampasin sina BJ, Mitch at Angela ng baseball bat. Nawalan agad sila ng malay dahil sa malakas na palo nito.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Nagkalat ang mga dugo ng mga kaibigan ko sa sahig

Agad kong inilagay sa likuran ko si Rex dahil alam kong sya na ang sunod na susugudin nito. At tama nga ang hinala ko! Biglang tumakbo ang dalawang yun papalapit samin.....

*Pak*

*Blaggg*

Sinuntok ko ito at agad naman silang napahiga. Pinagsisipa ko sila hanggang sa mawalan sila ng malay ngunit hindi ako nakuntento don. Hinila ko ang kwelyo nila at pilit na itinayo at pinagsusuntok ito para siguradong walang malay na talaga ito.

"Magaling kang babae ka ah" nagsalita ang lalaking nasa likod ko kaya naman humarap ako sa kanya at nagulat ako nang hampasin nya ako sa braso.

"Arrghh" sigaw ko sa sakit.

"Caryl!" tawag sakin ni Rex. Nilingon ko ito at nagulat ako ng papaluin sana ng isang lalaki si Rex ng baseball bat nang bigla akong sumugod sa lalaking yun at agad na sinipa sa tyan. Nabitawan nya ang baseball bat nya kaya naman nakuha ko ito sa kanya at hinampas sya sa ulo.

Humarap ulit ako sa nakaitim na nagsalita kanina at pinagsusuntok ito sa mukha, hahampasin na sana nya ako ng baseball bat ng bigla akong yumuko para maka iwas. Agad ko syang sinipa sa mukha at yun ang dahilan para mapatumba ko sya.

Isa nalang ang natitira, may hawak syang baril at nakatutok iyon kay Rex. Dahan dahan nyang kinalabit ang baril at......




*Banngggg*

Parang nag slow motion ang pagputok ng baril at tamaan niyon si Rex, pati ang pagbagsak ni Rex sa sahig ay nag slow motion rin sakin. Agad akong naluha sa mga nakikita ko ngayon. Tinignan ko ang paligid at lalo akong naiyak ng makita ang mga kaibigan kong sina BJ, Mitch at Angela na wala na ring malay.

Tumingin ako sa taong bumaril kay Rex ngunit nakita ko nalang ang puti nyang van na tumatakbo na.

Nakatakas sya........

Humagulgol ako at tumakbo kay Rex. Umupo ako sa sahig at niyugyog sya.

"Rex!!!! Gumising ka!! Rexxx???" hagulgol ko. "Mitch! Angela! BJ!!..... Kagagawan ko to eh!! Dapat ako nalang!! Bat dinamay nyo pa yung mahalaga sa bukay ko!?" malakas na hagulgol ko.

*Wanggg!! Wanggg!! Wang!!*

Agad akong natauhan nang biglang dumating ang mga police car at ang kasunod naman niyon ay ang ambulance.

Agad na bumaba ang mga doctor at binuhat nila si Rex at ang tatlo kong kaibigan at inilagay isa-isa sa stretcher at ipinasok sa ambulansya. Pati narin ang apat na nakaitim na lalaking nakahandusay rito ay isinakay din sa ambulansya. Maya maya lang ay umalis na ang ambulansya at nagtungo na sa hospital.

Lumabas ang mga police sa police car at sinalubong ako.

"Miss ipaliwanag nyo nga po sakin kung anong nangyari rito" striktong ani police

Agad na tumulo ang luha ko "Pauwi na dapat po kami kaso bigla pong may humarang na puting van samin at bigla nalang paghahampasin ng baseball bat ang mga kaibigan ko" humihikbing paliwanag ko. "Ang totoo po ay lima po talaga silang mga lalaki kaso po nakatakas ung isang lalaking may hawak ng baril na syang bumaril sa isa pang kaibigan ko"

"Nakita mo ba ang plaka nito?" tanong ng isa pang police

"Hindi po eh" sagot ko, nanlumo naman sila.

"Oh sige, iimbistigahan muna namin iyon at huhulihin ang lalaking iyon" ani police "At kapag gumaling na ang apat na lalaking dinala sa ambulansya ay agad namin itong kukuhaan ng impormasyon at ikukulong."

"Maraming salamat po talaga!" pagpapasalamat ko.

Tumango lang mga police at nagtungo sa mga nagkalat na baseball bat na puno ng dugo. Agad nilang pinalibutan yun at kumuha ng ibedensya, ang ibang police naman ay nag lalagay na ng yellow na sign na may nakalagay na caution dito.

Agad akong sumakay sa kotse ko at agad iyong pinaandar papunta sa hospital kung saan dinala ang mga kaibigan ko. At pagdating ko roon ay nandon na sila sa emergency room. Umupo ako sa bench na nakalagay sa hallway para hintaying lumabas ang mga nurse at makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito.

"Ah Miss, relative po ba kayo nila...." tinignan nya ang hawak nyang papel na parang tinitignan kung anong mga apelyido nun "Nila Chavez, Iwagami, Perez at Suarez?"

"Ahh ako po ung kaibigan nila"kinakabahang sagot ko

"Ah, pwede po muna kayong umuwi at dumalaw nalang sa susunod na araw dahil ang tatlo po sa kanila ay nakaconfine na at di parin nagigising at ang isa nan po ay inooperahanññ
F

"Ah s-sige po salamat" pasalamat ko at agad na lumabas sa hospital na yun at umuwi sa bahay.

11:00 na ako nakauwi sa bahay at nakita kong patay na ang mga ilaw, tulog na sila. Pumasok ako sa bahay nila Tita Lea at binuksan ang mga ilaw. Tama nga ang hinala ko, tulog na sila.

Worst day ever!! Haist! Kung kailan naman nanliligaw na si Rex sakin....

Agad kong pumasok sa kwarto ko at humilata sa kama ko. Pumikit ako at di namalayan na nakatulog na pala ako..... Hinihiling na sana di nalang ako magising.....

#sohurt

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon