Christian's POV
Naglalakad ako sa Hallway ng pinapasukan kong Hospital. May kaylangan kasi akong asikasuhin na papeles. May hawak akong mga papel dahil nandon yung mga information ng mga pasyente ko.
Hindi parin ako makamove on sa nakaraang pagkikita namin ni Hannah. Akalain nyo yun, binusted nya ako!? Arrghhh!! Ngayon lang ako nakaranas ng mabusted. Ang sakit pala noh? Siguro nasaktan din si Hannah dati nung tinatanggihan ko sya lagi.
*Bogshhhh
Natauhan lang ako nang mabunggo ko ang isang foreigner na lalaki. Nahulog yung mga papel na hawak ko. Grabe ang puti tapos ang tangkad! Tinalo ang mga Pinoy!
"What the hell man?" sigaw sakin nung lalaki
"Ahm... Im really sorry" tumungo ako pero inirapan lang nya ako
"Ahh" napatikom sya, tinignan nya yung damit ko. Bakit? "Sorry, I didn't know your a Doctor. Sorry for being rude" sya naman yung tumungo ngayon. Bwahahahaa!! Bwisit ka ah!
Tapos bigla syang umalis. WTH!? Hindi lang man nya ako tinulungang pumulot nung mga papel k---
"Tulungan na kita" napatigil ako sa pagpupulot ng mga nahulog na papel at napatingin kay Hannah na ngayon ay pinupulot din yung papel ko.
"Salamat" sabi ko nung mapulot na ang lahat ng papel
"Welcome" nakangiting sabi ko"Yung nakaraan......"
Inunahan nya ako sa pagsasalita "Sorry......nung nakaraan. Hindi ko lang inakala na nililigawan mo ako. Dati kasi, sobrang sakit nung ginawa mong pagtanggi sakin, tapos ngayon bigla ka nalang susulpot na para bang walang nangyari" pekeng ngiti nya.
Hinila ko yung kamay nya papunta sa garden ng Hospital "Pero ngayon..... Pwede mo na ba kitang ligawan?"
"Pero..... may boyfriend na ako, Doctor din sya sa Hospital na ito. Per---" di ko sya pinatapos sa pagsasalita dahil sa gulat
"May Boyfriend ka na pala?" malungkot na sabi ko. Napatungo nalang ako.
Pero bigla syang humalakhak kaya napataas ulit ako ng tingin sa kanya "Bat ka tumatawa jan? Hindi mo sinabi na may boyfriend ka na pala!"
"Sorry Christian. Sana matagal ko nang alam na gusto mo pala ako. Yan tuloy......naunahan ka ng bofriend ko, pero hindi naman ako nagsisising boyfriend ko sya kasi mahal ko rin naman sya" nakangiting sabi nya kaya lalo akong nalungkot "Minsan kasi wag kang torpe. Sa sobrang takot mong sabihin yung nararamdaman mo sa isang tao, yun pala naunahan ka na ng iba. Pero alam kong makakahanap ka din ng babaeng magmamahal sayo balang araw. Sige alis na ako....bye Christian" hinalikan nya ako sa pisngi tapos umalis na sya.
Ang sakit!
Sana nga makahanap ako ng babae na mahmamahal talaga sakin.
Hayss.....focus muna ako sa pagtatrabaho.
Tama na muna yung sakit na nararamdaman ko.....
Balang araw makakahanap din ako ng babae na magmamahal sakin....
Caryl's POV
Nandito kami ni Rexy sa Sala at nanonood ng TV, habang sila Carlyn at Lex naman ay kumakain sa Kusina.
Kahapon naman ay bumisita kami kila Mommy at Daddy, ang mga magulang ni Rex. Ang tatanda na nila. Hahaha. Tapos si Johanne ay dalaga na pero mahiyain, gustong-gusto nga syang kulitin nila Lex at Carlyn eh, collage na sya ngayon. Tapos nag-skype kami para tawagan sila Mommy at Daddy, yung magulang ko. Tuwang-tuwa ang mga magulang dahil ang bibo ng mga anak ko. Ang saya nung araw na yun....