Chapter 26: Kim's Conflict

10.7K 268 8
                                    

Please Vote and Comment po ;-)

Kinabukasan. \(-ㅂ-)/ ♥ ♥ ♥


Kimberly's POV

Nang palayasin na ako ng tuluyan ni Mommy ay dito na ako sa nakituloy sa bahay nila Frank. Buti nalang may side si Frank na mabait kaya naman pinatuloy nya ako sa bahay nila.




~FLASHBACK~

Ngayon na ang araw ng pag alis ko sa bahay na ito. Pero di ko parin alam kung saan ako pupunta.

Nandito ako sa kwarto ko at nagbibihis na sa pag alis ko. Pagtapos nun ay binitbit ko na ang dalawang bag ko at ang maleta ko naman ay hinila ko na pababa. Nakasasama sa baby ang pagbubuhat ng mabibigat, ngunit wala na akong choice kung hindi ang buhatin ito.

Nang tuluyan na akong makababa ay nandon na sila Mommy at Daddy sa Sala at naka upo sa sofa. Unti unti nang dumaloy ang mga luha ko papunta sa pisngi ko, sila Mom naman ay walang karea-reaction na tumingin sakin. Gusto na talaga nila akong umalis.

"Bye, Mom Dad" humihikbi na paalam ko.

Hinalikan ko sila sa pisngi ngunit wala paring nagbabago sa mukha nila. Nakatingin lang sila ng deretso, na animong di nila ako nakikita. Tumitig pa muna ako sa kanila kahit hindi sila nakatingin sakin.

"Get out" mataas na utos ni Mommy

"Mom, Dad--"

"Please" mahinahon na ani Daddy.

"Get out!! Di ka namin matatanggap kahit bumalik ka pa dito, sinira mo ang pangarap namin para sayo! Di namin matatanggap ang anak mo" tiim bagang na sigaw ni Mommy kaya naman napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Hinawakan naman ni Daddy ang braso nito para sabihing kumalma. Naghahabol hininga si Mommy dahil sa galit.

"Please Kimberly" utos ni Dad.

Nagtuloy tuloy ang daloy ng mga luha ko sa pisngi ko, pati sa leeg ko ay umabot ito sa sobrang iyak ko.

"Sorry Mom, Dad" yun lang ang nasabi ko, papalabas na sana ako ng bahay ng tawagin ako ni Dad.

"Anak" tawag sakin ni Dad.

"Dad?" sumenyas syang lumapit kaya naman lumapit ako sa kanya.

Ano to? Nagbigay sya sakin ng sobre. Nagtataka naman akong tumingin kay dad bago ko tignan ang laman nito.

:O!! 20 thousand pesos!? 20k!!

"Baunin mo yan" naaawang ani Dad.

Agad naman akong tumingin kay Mom na wala paring Reaksyon, tumingin ulit ako kay dad at sinenyasan na nya ako na lumabas na kaya naman lumabas na ako sa pinto.

Pagkalabas ko ng gate namin ay dun na ako humagulgol. Sa ikahuling beses ay tumingin ako sa kabuuan ng bahay namin.

Mamimiss ko toh!! Bye our house! See you again

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ng daan para mag isip kung saan ako tutuloy.

Umupo ako sa may tabi-tabi at nagmukmok. Ilang oras din akong umupo don hanggang sa mag gabi na, di ko talaga alam kung saan ako pupunta.

Ilang oras pa muli ang lumipas nang bigla akong nagkaroon ng idea.

Tsk! Dapat kanina ko pa naisip yun eh! Pwede naman akong tumuloy kila Frank diba? Tsk, dapat talaga kanina ko pa naisip yun eh. Tsh, nakiki sleep over nga ako sa kanila tapos di ko naisip na dun ako pwedeng pumunta? Hayss. Utak.

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon