Chapter 22: Aciel

10.3K 222 12
                                    

A/N: Hello po. Please do Votes and Comments po, mahalaga po yun para saming mga Authors eh haha, Muahh mwahhh chup chup ❤❤ I love youu!! Kasi feeling ko, walang magbabasa eh hahaha

Jonax's POV

Nandito ako ngayong umaga sa Coffee Shop ng Ilocos. Oo tama ang narinig nyo, sinundan ko si Caryl dito sa Ilocos. Alam ko kung saan nakatira at nag aaral si Caryl dahil sinabi sakin ni Frank. Nakaupo lang ako dito sa coffee shop, nakatulala sa kung saan at malapit nang maiyak.

Gusto na kitang makita Caryl, nagkulang na ang mundo ko nang wala ka. Kahit pagtabuyan moko, susuyuin parin kita



~FlashBack~

Nang malaman kong buntis si Kimberly ay agad ko syang kinaladkad palabas ng gate, iniwan ko sya sa labas ng umiiyak.

"Jonax Pleaassee!" makaawa pa nya ngunit nagdabog ako papasok ng bahay.

"Jonax what happen? Sino yun?" tanong ni Mommy ngunit hindi ko sya sinagot, nagtuloy tuloy ako papasok ng kwarto ko.

Pagkapaok ko ng kwarto ko ay nasapo ko ang noo ko sa inis at galit! Tinapon ko lahat ng gamit ko sa buong kwarto ko. Napakuyumos ang palad ko at pinagsusuntok ang pader hanggang sa dumugo na ang mga kamay ko.

"Arrrggghh----" sigaw ko sa inis.

"Jonax! Ano bang nangyayari sayo!? May problema ka ba? Sino yung babaeng yun? Si Caryl ba yon?" sunod sunod na tanong ni Mommy habang hawak ang balikat ko kaya lalo akong nainis

"Shut up mom!" sigaw ko sa kanya, nagulat naman sya at napaatras. Napahawak din sya sa kanyang bibig na animong di makapaniwala. "Please mom, wag ka ng dumagdag sa problema ko" nanghihinang dagdag ko

"Anak anong nangyayari sayo?" di makapaniwalang tanong ni Mommy, unti unting pumatak ang mga luha nya kaya naman humakbang ako papalapit sa kanya ngunit umatras sya papalayo "No, you're not Jonax this time, ano bang nangyayari sayo!?" nagtatakbo si Mommy papasok sa kwarto nila ni Daddy, agad naman akong sumunod sa kanya.

Agad kong binuksan ng dahan-dahan ang pinto at nakita ko si Mommy na humihikbi at nakaupo sa kama nila ni Daddy. Nanakit naman ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon.

Ngayon ko lang nasigawan si Mommy kahit na pinapagalitan nya ako dahil sa pangbubully ko.

Sorry Mom.

Agad ko syang nilapitan at niyakap.

"Sorry" yun lang nasabi ko habang nakayakap sa kanya

"Ano bang nangyayari Jonax? Tell me please! Pwede kang magsabi ng problema sakin dahil ako ang Mommy mo" humihikbing ani Mommy

"M-mom, wag ka sanang m-magagalit" uutal utal na sabi ko "Ano k-kasi...." kinakabahan na sagot ko.

"Ano Jonax? Tell me, I will listen to you.." humupa na sya sa pag iyak

"Nakabuntis po kasi ako" deretsong pag amin ko.

Agad na nanlaki ang mata ni Mommy, halatang di sya makapaniwala "W-what di you s-say?" tanong ni Momny

"Mom, sorry po" umiiyak na rin na tanong ko

"Sinong nabuntis mo?! Si Caryl ba? Pwede naman at mag pakasal na kayo" excited na tanong ni Mommy

Agad akong natigilan "Mom hindi po si Caryl ung nabuntis ko" napatungo na lang.

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon