Chapter 19: Beverage store

12.6K 286 8
                                    

Please Comment po!


KINABUKASAN.

Araw ng Sabado/Saturday

Nagising ako dahil sa napakainit na liwanag ng araw na dumadapo sa mukha ko. Bahagya ko pang tinakpan ng kamay ko ang buong mukha ko dahil sa nakakapasong init na iyon habang nakapikit parin ang aking mga mata. At nang napag isipan kong maligo na ay bumangon na ako at nag unat unat. Sinuot ko ang salamin ko at unti unti kong tinignan ang alarm clock ko.

"What the--?? 11:00am na!?" gulat na gulat na sigaw ko at nagtatakbo papuntang C.R para magtoothbrush at maligo.

Bat tanghali na ako nagising? Ganon ba ako kapagod para gantong oras na magising? Arrgghhh, sabagay wala namang pasok ngayon dahil Sabado naman.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba at hinanap sila Tita sa Living Room, nang hindi ko sila nakita doon ay sa kusina naman ako pumunta at di ako nagkakamali dahil nakita ko sila doon na kumakain na ng tanghalian.

"Oh hija, tanghali ka na nagising ah. Di na kita ginising dahil alam kong araw-araw kang puyat dahil maaga kang pumapasok sa school" nakangiti nyang paliwanag "Oh sya kumain ka na nang tanghalian " dagdag pa nito.

Umupo na ako sa dinning table at nag umpisang kumuha ng kanin at ulam. Di ako sanay sa mga gantong niluluto ni tita dahil puro pritong ulam na lang ang kinakain namin ni Frank Leen simula nang umalis si mommy't daddy sa Maynila, kaya naman di na kami nalulutuan ni mommy ng ulam na may sabaw dahil prito lang ang alam namin ni Frank.

"Tita?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin

"Oh? Bakit?" takang tanong nito

"Pwede nyo po ba akong samahan sa plantation namin mamaya? Isasama ko rin po sila Tita Elma at Tito Benji" sagot ko habang ngumunguya

"Bakit mo naman naisipang bumisita sa inyong plantation?" tanong nito

"Ahhh, sabi po kasi sakin ni Mommy na ako nalang daw po ang mag asikaso ng plantation namin" nakangiting tanong ko. Kumuha ako ng tubig at saka lumagok dun. "Sabagay dito narin naman daw po ako titira" dagdag ko

"Ahh ganon ba? Oh sya Ronald anak, bilisan mo ang pagkain at pupuntahan natin ang plantation" ni Tita kay Ronald "Teka tawagan ko muna sila Elma at sasabihin kong pumunta rin sila"

"Sige po"

Pagtapos naming kumain ay agad naming iniligpit ang mga pinagkainan.

"Caryl at Ronald! Pumasok na kayo sa kwarto nyo at magbihis na kayo pa makaalis na tayo. Tatawagan ko lang ang Tita Elma mo at magbibihis na rin ako"

"Opo" sagot namin ni Ronald

Dumeretso na kami ni Ronald sa sarili naming kwarto para magbihis. Pumunta na ako sa banyo at saka naligo.

Kamusta na kaya sila don sa Manila? Ok lang kaya sila?

Bigla akong nalungkot nang dahil sa iniisip kong yon, namimiss ko na talaga sila. Wala na rin akong balita tungkol kay Jonax, Kimberly at Frank kasi di ko naman tinitignan ung cellphone ko kung may tawag o text man lang tungkol sa balita. Habang ako ay naliligo ay bigla akong naalala....

Oo nga pala! Ung cellphone ko!!

Nakalimutan ko ung cellphone ko na ni shut down ko para di makatanggap ng text at tawag. Kaya naman nagmadali akong maligo, mag toothbrush at magbihis para lang matingnan ang cellphone ko.

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon