Kinabukasan ay nagising nalang ako ng hindi parin nakakapag palit ng damit. Agad akong bumangon sa kama at pumasok sa banyo para maligo.
Kamusta na kaya ang tatlo kong kaibigan pati narin si Rex? Sana naman gising na sila.
Pagtapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para kumain ng almusal. Pagkababa ko ay nakita ko si Ronald na nanonood ng TV at si Tita Lea naman ay nagluluto sa Kusina.
"Ate Caryl!!" nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ronald.
Iniwan ni Tita Lea ang niluluto nya at agad din akong niyakap.
"Kamusta hija? Wala bang masakit sayo?" nag aalalang tanong ni Tita Lea
"Ah, wala po" sagot ko
"Ate! Nabalitaan ko yung tungkol kagabi! Buti hindi ka namatay!" nag aalalang ani Ronald.
"Ay grabe! Mamamatay agad hahaha" tawa ko
"Nabalitaan ko ring walang pasok ng isang linggo dahil sa nangyari kagabi" dagdag ni Ronald.
"Talaga? Buti at walang pasok" ani ko "Kaylangan ko pang bisitahin ang mga kaibigan ko sa hospital"
"Ano bang nagyari sa kanila hija?" Tita Lea
"Ung tatlo ko pong kaibigan ay nahampas ng baseball bat sa ulo tas ung isang nangliligaw----" pinutol nila ang sinasabi ko.
Wahhhh!! Bat ko nasabing nanliligaw!?
"May nanliligaw sayo!?" sabay nilang tanong, tumango lang ako. Nanlaki ang mata nila na animong di makapaniwala.
"Ah hehehe, opo may nanliligaw na sakin" napapalunok na ani ko "Tapos ayon nga! Ung nanliligaw sakin ay napaputukan ng baril sa tyan" patuloy ko.
"Diyos ko po" napahawak si Tita sa noo nya. "Buti hindi ka nahampas o kaya na baril? Tsk tsk tsk, lagot ako sa Mommy mo pag napahamak ka"
"Haha, ano pong almusal?" iniba ko yung topic
"Huh? Tanghalian na kaya Ate!" si Ronald. Nanlaki naman ang mata ko
"Tanghalian na!?" gulat na tanong ko. Kinuha ko ang kamay ni Ronald at tinignan ang wrist watch nya.
11:30 na!? Naku kaylangan ko nang bisitahin ang mga kaibigan ko!!
"Ahhh! Sige po punta po muna ako sa hospital kaylangan ko po kasing pumunta sa hospital. Tas pupunta din po akong Manila mamaya eh" aligagang ani ko.
"Bakit ka pupunta sa Manila Caryl?" tanong ni Tita Lea
"Ahh--" nag isip ako ng idadahilan "Wala! Gusto ko lang po kasing magbakasyon dun" pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay pupuntahan ko talaga si Kimberly. Naaawa ako sa kanya, sya kasi ung bestfriend kong parang sister ko na rin.
"Ahh ganon ba, sige kain ka muna" yaya ni Tita
"Ah hindi na po" ani ko "Sige po! Bye Tita and Ronald" paalam ko, kumaway lang sila sakin nang nakangiti.
Dali dali akong sumakay sa kotse ko at pumuntang hospital.
~Hospital~
Dali dali akong lumabas sa kotse ko at pumasok na sa hospital na ito. Pumunta ako sa 5th floor kung saan nandon ung room ng mga kaibigan ko. Nandito ako sa hallway ng 5th floor at naghahanap ng dumadaan na nurse.