A/N: Hello po. Please do Votes and Comments po, mahalaga po yun para saming mga Authors eh haha, Muahh mwahhh chup chup ❤❤ I love youu!!
Kimberly's POV
Nandito ako ngayon sa tabi ng Mommy ko at iyak ng iyak dahil nalaman namin na buntis ako, at si Jonax ang Ama nito. Sobrang nag sisisi ako sa ginawa namin, wala ako sa sarili non dahil lasing kaming pareho ni Jonax kaya sobrang nag sisisi ako. Balak akong palayasin ni Mommy at Daddy dahil sa ginawa ko.
Pero san ako tutuloy?
Di ko alam kung san ako tutuloy, nakailang beses na tawag at texts na ako kay Caryl ngunit di parin nya sinasagot ang mga ito. Pumunta ako sa bahay nila Jonax at ngunit hindi nya matanggap na buntis ako. Hindi narin ako pumapasok ng school.
~FLASHBACK ~
Nung araw na magalit si Caryl samin ay hindi na ako lumalabas ng bahay, lagi lang akong nakakulong sa kwarto at panay ang iyak ko.
Ilang araw na din akong nakakaramdam ng kakaiba sa katawan ko, lagi akong nasusuka at sumasakit ang tyan ko. Hindi ko alam pero pinapabayaan ko na lang ito.
Nang mapagod sa kakaiyak ay balak kong pumunta sa bahay ni Caryl para kausapin si Frank. At pagdating ko duon ay agad akong nag door bell sa bahay nila.
~Ding Dong Door Bell~
"Sino yan?" rinig kong tanong ni Frank sa loob ng bahay nila
"Ako to, si Kim!" sigaw ko para marinig nya ang boses ko. At nang buksan ni Frank ang gate ay dun na ulit pumatak ang luha at humagulgol ko, tila nag mamakaawa.
"Bakit Kim?" tanong ni Frank "Tara pasok muna tayo sa bahay"
At pumasok nga kami sa bahay nila. Pagkapasok ko sa bahay nila ay ang tanging nakita ko lang doon ay ang kaibigan nyang si Christian na naglalaro ng video games sa Sala.
Dumeretso kami si Frank sa Dining Table para dun mag usap."Bakit ka nag punta dito Kim, at bat ka umiiyak?" inosenteng tanong nya. Siguro hindi na kwento ni Caryl ang tungkol sa nangyari samin.
"K-kasi *huk*" hikbi ko "Pwede mo bang *huk* tawagan si Caryl? *huk* Hindi ko kasi sya *huk* matawagan eh" patuloy na pag hikbi ko
"Sige Kim?" nag aalinlangang sagot nya, nagtataka sya sa mga inaasta ko.
Agad naman nyang tinawagan si Caryl ngunit nanlumo ako nang hindi nito sagutin. Sinubukan ulit ni Frank na tawagan ito ngunit bumagsak ang balikat ko nang hindi ulit nito sagutin. Naka limang beses na tinawagan ni Frank si Caryl ngunit hindi ito sumasagot.
"Naka off ung cellphone nya eh" nanlulumo ding sagot nya
"Try mo itext bili! *huk*" hikbi ko nanaman
"Wait lang kaya! Tandaan mong nakikigamit ka lang ng cellphone?" masungit na aniya
"Bilis na kasi! Kaya nga ako pumunta sayo kasi di nya rin sinasagot ung text at tawag ko eh" paliwanag ko
Hindi na nya ako sinagot at nag simula nang magpipindot sa cellphone nya.
"Anong sabi mo?" tanong ko
"Tinanong ko sya kung bakit di nya sinasagot ung tawag ko" sagot nya
Lalo naman akong nanglumo at lalong umiyak ng umiyak at humikbi ng humikbi.