Ang boses na yun......
Napatigil ako sa pagbaba ng stage nang marinig ko ang boses na yun. Si Caryl lang ang tumatawag sakin ng 'my Rexy' dahil ang tawag sakin ni Mommy ay 'Baby Rexy'
*Tug*Dug*
*Tug*Dug*
Hindi ko alam kung bakit dumagundong ang puso ko. Kinabahan ako bigla. Hindi ako nagkakamali! Sya yun....si Caryl yun. Alam ko ang boses nya.
Nagpalinga linga ako kung saan nanggaling ang boses na yun, ngunit wala akong nakita.
Hindi ako nagkakamalee!! Narinig ko ang boses ni Caryl! Alam kong nandito sya.
Nagpalinga linga ulit ako ngunit wala akong nakita. Dun na pumatak ang luha ko, guni-guni ko lang siguro yun.
Lumapit sakin si Scarlet na kanina'y nanonood lang sa graduation ko. Pinaupo nya ako sa isang gilid. "Rex anong nangyayari sayo?" niyakap ako ni Scarlet ngunit lalo lang akong naluha.
"Baby Rexy! Anong nangyari sayo anak!?" tanong ni Mommy
Nang kumalas ang pagkakayakap sakin ni Scarlet ay nakita kong papalapit na samin sila BJ
"Rex anong nangyari?" tanong ni Angela
"Si Caryl" umiiyak na sabi ko
"Anong 'si Caryl'?" tanong Mitch
"Narinig ko yung boses nya! Hindi ako nagkakamali! Narinig ko sya! Binati nya ako ng Congrats!" sigaw ko sa kanila kaya naitigil ng emcee sa pagtawag sa mga estudyanteng bibigyan ng diploma.
Maya maya pa ay nagpatuloy na ulit ang emcee.
"Baka guni-guni mo lang yun?" tanong ni BJ
"Narinig ko sya! Hindi ako nagkakamali!" mahinang sigaw ko sa kanila.
"Hayss! Pagkatapos na pagkatapos ng graduation uuwi na tayo!" mataas boses na ani Mommy.
"Hala! May Congratulations Party po kami mamayang gabi!" si Mitch at ngumuso kay Mommy
"Sorry. Magpapahinga muna sya" si Mommy kaya nanlumo silang lahat.
Akala ko talaga nandito na sya! Akala lang pala.......
Caryl's POV
Nandito ako at nagtatago sa poste habang umiiyak. Ayokong nakikitang umiiyak si Rex, dapat magpapakita na ako sa kanya ngunit may nakita akong babae na yumakap sa kanya.
Nakatago kasi ako sa isang poste habang sinasabi ang pangcocongrats sa kanya. Pero nung nagumpisa na syang umiyak ay lalabas na sana ako sa posteng yun para yakapin sya pero may nauna.....may babaeng yumakap sa kanya. Wala talaga akong balak magpakita sa kanya pero nung nakita ko yung emosyon nya nung nag special mention sya ay parang nalungkot ako. Nainis lang talaga ako sa babae kanina!
Girlfriend nya kaya yun?
Sabagay ilang taon na kaming hindi nagkikita, syempre may iba na syang magugustuhan.
~Flashback~
"Ladies and Gentlemen, we're now land approching Ilocos Norte, Philippines where the local time is 2:00 in the afternoon. At this stage you should be in your seat with your seatbelt firmly fastened"
Naexcite ako sa sinabi ng pilot. At nang maka-landing ang eroplano ay agad-agad kinuha ang maleta ko at bumaba na ng eroplano.
Buti talaga pinayagan ako nila Mommy na umuwi sa Pilipinas.