KINABUKASAN
Rex's POV
Nandito ako ngayon sa room ko at aastang lalabas dahil Lunch break na, ngunit natigilan ako ng may humila sa kamay ko.
Pagpihit ko patalikod ay nakita ko ang tatlong babae na humarang saming dalawa ni Caryl. Napabuntong hinanga nalang ako at lumagpas na sa kanila, ngunit napatigil nanaman ako nang hilahin nanaman nila ang kamay ko. Duon na naginit ang ulo ko.
"Ano nanaman ba? Kayong tatlo nanaman!? Tigilan nyo nga ako! May girlfriend na ako!" sigaw ko sa kanila
"Ay grabe naman si Rex! Ang sungit! Balak ka sana naming isabay sa lunch break" malanding aniya ng isa at hinimas ang balikat ko, lumayo ako sa kanya at binato ang kamay nya
"Hinde! May kasabay ako" nagtitimping ani ko
"Si Caryl nanaman ba!? Hay nako! Ngayon lang naman Mr. Nerd eh, hindi naman magseselos ang girlfriend mo. Ang bait kaya ni Caryl" taray ng isang babae na nagngangalang Dianne, sya yung lumandi sakin kahapon kaya nagalit sakin si Caryl.
"Hinde nga sabi eh! Bat ba ang kukulit nyo?!" galit na talagang sigaw ko sa kanila
"Ay grabe naman! Tsk panigurado namang hindi magagalit si Caryl eh. Ngayon lang naman Rexxx Enebe!?" isa pa tong malandi na to
"Bakit ba----"
*Blagg*
*Pak*
*Blagggg*
Nagulat ako ng isa isang magsitumbahan ang malalanding babae na yun at duguan na nakahiga sa sahig. Nanlaki ang mata ko sa bilis ng pangyayaring yon, at pagtingin ko sa sumapak sa kanila ay si..... Caryl.
"Ilang beses ko ba sinabi sa inyong wala syang oras para sa mga ahas na tulad nyo!? Hindi ba talaga kayo nadala sa mga suntok na natatanggap nyo mula sakin? At para naman magdala kayo....eto ang gagawin ko sa inyo" sigaw ni Caryl sa mga ito at pinagsusuntok at pinagsasabunutan ang mga babae.
Walang laban ang tatlong babae sa ginawa ni Caryl. At dahil nga sanay sya sa pakikipagsapakan ay marunong pa syang mag martial Arts.
"Bwahahahahah!! Awww!! Selosa pala itong babaitang ito! Bwahahaha" sabi ng malanding babae na nasa sahig at duguan.
At talaga namang walang awa si Caryl dahil lalo pa nyan itong pinagsusuntok at painagsisipa.
"Caryl tama na yan!" sigaw ko sa kanya at hinila ang kamay nya pupuntang Canteen. Pagdating namin sa Canteen ay umupo kami malayo sa mga kaibigan namin.
"Caryl, ang sabi mo sakin ipapatapon ka ng magulang mo sa ibang bansa pagbumalik ka nanaman sa dating nanakit diba? So please wag mong gawin to. Ayoko kong mahiwalay ka sakin" seryosong dagdag ko
"Tapos ano? Masyado ka kasing mabait sa kanila eh!! Tapos hahayaan ko nalang na galaw galawin ka nila------" bigla nyang naputol ang sasabihin nya nang biglang may sumingit na teacher sa harap namin.
Caryl's POV
"Miss Santos! Go to guidance office! Now!!" sigaw ng teacher sakin at lumabas na ng Canteen.
"Aishh" singhal ko
"Tch! Ayan tuloy napa guidance ka pa sa ginawa mo sa tatlong babae na yun" singhal ni Rex "Tara na"
"Edi haharapin ko sila!" sigaw ko sa kanya at naguna sa paglalakad papuntang guidance.
Nang makarating kami sa labas ng guidance office ay nagulat ako ng iharap ako ni Rex sa kanya at hinawakan nya ang dalawang kamay ko.