Chapter 27: Her true color

11.9K 280 9
                                    

Please Vote and Comment po ;-) thank you


Rex's POV

Kinabukasan. :-*

Araw ng Biyernes/Friday


Tsshh, our last practice.

Last practice na namin ngayon sa sayaw para sa Acquaintance Party namin kaya naman todo practice kami. Kompleto na ang steps namin para sa tatlong kantang sasayawin namin.

"Guys! Eto ung costume na susuotin natin sa sayaw ah! Galingan nyo sa Monday!!" si Ate Althea

Nakaupo kami sa sahig at si Ate Althea naman ay nakatayo sa harap namin at pinapakita ang costume na susuotin namin.

Tshh, ang OA ng costume! Ang dami talagang kaartehan ng mga babae.

"Baby Rex galingan mo ah" impit na sabi ni Ate Althea

"Tsh" rinig kong singhal ni Caryl.

Nagseselos?? Nahhh! Di naman nya ako gusto, ako lang ang nagkakagusto sa kanya.

"Bat kaya ang sungit ng mga Nerd noh?" irap ni Ate Althea, nagkatinginan naman kami ni Caryl. Nainsulto kaming dalawa dun ah.

Sa kanila lang naman ako masungit, pero pagdating kay Caryl.... makulit ako.

"Owwsss, huyy Ate Althea!! Wag naman! Hahahah, natatamaan sila Caryl at Rex eh haha" biro ng Dance mate namin. Di nalang kami kumibo ni Caryl.

"Ok tama na yan!! Back to explanation hahahaha, explanation talaga?" maarteng paliwanag ni Ate Althea "So at gaya nga ng sinasabi ko, eto ang costume nyo pag nag umpisa na ang sayaw" turo nya sa Costume "Pero pag tapos na ang sayaw natin, syempre pwede na kayong magpalit ng Dress or Suit na isusuot nyo para sa Acquaintance Party. Syempre pwede narin kayong pumili ng ka-date nyo pag tapos ng sayaw natin" mahabang paliwanag pa nito.


"Yessss!!!" sigawan ng mga ka Dance mate namin.

Nag umpisa nang magtanungan ang mga ka Dance mate ko.

"May ka-date ka na?"

"Oo meron na!! Yiieee at guess who?"

"Who?"

"Si Mark!! Yiiee isa sa mga apat na gangsters"

"Landi mo talaga"

"Ugh"

Bulungan yan ng mga ka-Dance mate ko. Wag nyo isipin na tsismoso ako, naririnig ko sila dahil katabi ko lang naman ung dalawang babae na yun.

Lahat sila may mga ka-Date na....pero ako wala pa! Hayyss. Sino kayang pwede?? Pwede kaya si....... C-caryl. Argh impossible, syempre hindi yun papayag sakin.

Hanggang sa makalabas kami ng Dance Room ay di parin ako mapakali. Di ko alam kung papayag si Caryl or not.

Nang makarating kami sa Parking Lot ay nauna nang umalis si Mitch samin, kaya naman this is my chance to ask her.

"Sige Rex una na ako.... B-bye" paalam nya. Tatalikod na sana sya nang bigla kong hawakan ang kamay nya. "W-what?" utal na tanong nya.

"A-ahhh hehe, m-may...may
...m-may ano k---" utal utal na sabi ko.

"Hahahah, Para kang sirang plaka" biro nya. "Ano ba kasi yun? Haha"

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon