Iniwan ko nalang don sila Mommy at Daddy at dumeretso na sa room ko.
Pagpasok ko ng Room ay nagulat ako ng sumalubong sakin ang mga kaibigan ko.
"Hay naku teh! Lunch Break na kaya, nagpakapagod ka pa umakyat dito hahaha" tawa ni BJ
"Naimbag a bigat Caryl!!" sigaw naman ni Mitch na gamit ang ilocano language nila
"Anong ibig sabihin non?" inosenteng tanong ko
"Hayysss!! Ang ibig sabihin non ay 'good morning' " paliwanag nya
"Ahhh yun pala yunnn" ani ko "Naimbag a bigat Angela!!" bati ko kay Angela
"Naimbag a bigat din" bati ni Angela
Bumaba na kami ng hagdan at pumasok sa loob ng Canteen.
"Hala tignan mo oh si Caryl! Ang sabi sakin ay napa guidance daw si Caryl?"
"Oo nga daw eh, ang sabi sakin ay napa guidance sya dahil sa pangbubugbog nya"
"Ay grabe! Akala ko pa naman mabait sya"
"Oo nga eh, at ang tali-talino pa"
"Buti nga 1 week punishment lang yung binigay sa kanya eh"
"Balita ko ang binugbog nya daw eh sila Kaye, Ayen at Dianne?"
"Yup grabe nga eh, napatumba nya yung pinakamalandi sa school natin hahaha"
"Nerd na nerd tapos ganyan ang ugali?"
Bulungan ng mga estudyante sa canteen kaya naman lumapit ako sa mga nagbubulungang iyon. Tataray akong lumapit sa kanila.
"Tigilan nyo na nga yang pangchichismis saken, kung ayaw nyong kayo naman ang sunod na bugbugin ko!?" sigaw ko sa kanila, napatungo lang ang mga babaeng ito.
Bumalik ulit ako sa mga kaibibigan ko at naupo sa tabi nila.
"Hay nako Caryl, bat mo pa pinatulan?" si Mitch "Baka mapa guidance ka nanaman"
"Hi Guys, Hi Caryl" biglang sumulpot si Rex at umupo sa tabi ko. "Ano nang balita Misis Caryl?" dagdag pa nya
"Ang sabi sakin ng guidance counselor ay suspended daw ako ng 1 week" kwento ko
"Ano!?" sabay-sabay nilang tanong, tumango lang ako
"Oo nga! Ayaw maniwala!?" biro ko sa kanila
"Hala lagot!! Wala nang makakasagot sa tanong ni Lolayt the Great!! Huhuhuhu" biro ni BJ kaya naman nagtawanan kami
"Tsk! Mabilis lang naman yung 1 week" ani ko
"Para sakin hindi" nguso ni Rex
"Awww kawawa naman si Rex, hindi makikita si Caryl ng isang linggo lalo na't nandyan yung magulang nya." biro nanaman ni BJ
"Pero sa totoo lang, mamimiss ka talaga namin Caryl" si Angela
"Wag kayong mag alala, babalik pa naman ako eh" masayang sabi ko.
Nagumpisa na kaming kumain, at pagtapos ay umakyat na ulit kami sa floor namin at pumasok na sa room.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Dismissal.
-----