Chapter 29: Acquaintance Party

11.1K 251 3
                                    

Caryl's POV

Di parin talaga ako makapaniwala na nabuntis si Kim. Ano kayang kalagayan nya ngayon? Nagalit ako kay Kim pero naaawa ako sa kanya ngayon, siguradong nahihirapan sya sa kalagayan nya ngayon.

Ngayon na ang araw ng Acquaintance Party namin. Nasa backstage na kami at naka costume na.

"Kinakabahan ka Caryl?" nagulat ako nang biglang lumapit sakin si Rex

"Huh? Hindi ah." sagot ko.

Natigilan kami dahil nagsalita na ang emcee sa labas ng backstage "Hello students!! Excited na ba kayo para sa Acquaintance Party? Talagang magiging masaya to! Paghandaan nyo na ang inyong kagandahan para maging Face of the Night!! Yiieeeee. Ok! Para sa opening, lets all welcome..... Tug tug Tug dug.." binitin ng emcee ang iaanunsyo "The Dance Troupeeee!!!!!" sigaw nito.

"Whhhooooooo!!!!" sigawan ng mga naggagandahan at nagpopogiang studyante.

Nagsilabasan na kami sa stage at nagformation na. Panay parin ang hiyawan ng mga students.

Nag umpisa na ang tugtog kaya naman nagumpisa na kaming sumayaw. Ang daming nagsisigawan ng pangalan ni Rex ngunit di ko nalang yun pinansin dahil baka magkamali ako sa steps.

Sway, sway, and jump to the right and jump to the left. Turn around and jump jump.

Nang matapos ang ika unang sayaw ay pumunta ulit kami sa backstage at nagpalit ng costume.

"Hohoy!! Gusto nyo pa ba ng Dance show? Ang galing talaga ng mga Dance Troupes noh! Panglaban ng SNHS! So ano? Gusto nyo pa ba? " tanong ng emcee sa stage.

"Yeessss!!!!!" sigawan ng mga students.

"Ok! Lets all welcome ulit ang Dance Trouppeeee!!!!"

"Whoooooo"

Nagsilabasan ulit na kami at pumwesto sa kanya kanyang formation. Ako ang nasa gitna. Nang magumpisa ang tugtog ay nag umpisa kaming sumayaw, umindak at kumembot. Nakakahiya man na nasa gitna ka pero kaylangan mong kayanin. Panay ang 'whhoooo' ng mga estudyante kapag kumekembot kami. Ang galing talaga magturo ni Ate Althea.

Hinihiling ko nalang na sana ay matapos na kaagad ang kanta dahil nakakahiya na nasa gitna ka tapos kekembot kembot ka! Juskoo. First time ko lang kasi sumali sa mga ganto.

Kembot, kembot. Sway to the right and sway to the left.

Natampos ang kanta na hingal na hingal ako dahil talon ng talon ung step. Nahihilo na rin ako sa kaka ikot.

"More!! Moreee!!!! Moree!!!!" sigawan ng mga students. Natawa naman kami, nasa stage parin kasi kami.

Inagaw ni Ate Althea ung mike sa sa emcee at nagsalita. "Sorry students pero mamaya ulit ha, pagtapos nating kumain ay sasayaw ulit ang mga Dance Troupe"

Nanlumo naman ang mga studyante. Pumasok na kami sa Backstage para magbihis. Pumasok ako sa CR para mag bihis na, ngunit isasara ko na sana ang pinto nang may paang humarang dito. Nagtaas ako nang ng tingin at nakita ko si Rex na ngiting ngiti dun. Pumasok sya sa CR na iginagulat ko, isinara nya ang pinto at ini-lock yun.

Anong gagawin namin?

Napalunok ako ng isandal nya ako sa pader at ni-corner duon, inilagay nya ang dalawang kamay nya sa gilid ko kaya naman nakorner ako lalo. Masikip lang ang CR kaya naman halos magdikit ang katawan namin.

"A-anong gagawin m-mo?" kinakabahan na tanong ko.

Ewan ko kung bakit ganto ako pagdating kay Rex. Nagiging mabait ako pag kaharap sya, nauutal at kinakabahan, ang puso ko ay lumulundag, namumula rin ako paminsan minsan pag may nagustuhan ako sa sinabi nya or kapag natititigan ko ang gwapo nyang mukha. Ewan ko rin kung bakit pwede ko naman sya itulak ngayon at pagsasampalin sa ginagawa nya pero di ko alam kung bakit di ko magawa, nagugustuhan ito ng puso ko!

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon