Jonax's POV
Nandito ako sa tapat ng bahay nila Kimberly at nakatanaw sa labas ng bahay nila.
Ilang taon nang naisilang ang anak naming dalawa pero ni-isa ay hindi ko parin nakikita ang anak ko. Kamusta kaya sila?
Nag-doorbell ako sa bahay nila. Maya-maya lang ay binuksan ni Kimberly ang pinto.
Pagkabukas ng pinto ay natulala sya sakin "Jonax? Anong ginagawa mo dito!?" nakikita ko sa mata nya ngayon ang matinding galit.
"G-gusto ko lang makita yung anak ko" nilaksan ko yung loob ko.
"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw nya sakin habang tumutulo yung luha nya.
"Mommy, what's happening?" may batang lumapit sa kanya. Siguro 8 years old na yung bata.
Ang anak ko.......
"Mommy, who is he?" tanong nito. Napatulala lang ako sa anak ko, hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.
"Anak!" lumuhod ako sa kanya at niyakap sya. Humagulgol ako sa batang iyon habang yakap sya ng mahigpit.
"Your not my Daddy!" sigaw nung bata at tinaboy ako papalayo sakin. "Si Daddy Josh ang Daddy ko! Hindi ikaw!"
Napatulala lang ako at tumingin kay Kimberly na lumuluha parin.
"Anak umakyat ka muna sa kwarto mo" utos sa kanya ni Kimberly. "Magplay ka muna sa kwarto mo. Please....."
Aalis na sana yung anak ko ngunit yumakap ulit ako dito at humagulgol "Sorry! Sorry! Sorry...." yun lang ang nasabi ko sa batang ito. Habang takang-taka naman ang mukha nito.
"Tumigil ka na nga Jonax!!! Aliss!" pinalayo na ako sa bata. Tumakbo naman ang batang ito paakyat ng kwarto nya.
"Ano ba Kimberly!? Bigyan mo naman ako ng oras sa anak ko!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Ang kapal din ng mukha mo eh noh? Pagtapos mo akong pagtabuyan noon ng anak ko tapos ngayon babalik-balik ka samin!? Diba ang sabi mo dati, hindi mo mahal ang dinadala ko!? Tapos ngayon ano!?!? Ni-hindi ka nga nagbigay ng pera para samin eh! Alam mo ba yung paghihirap namin noon?" humahagulgol na sabi nya "Ang sama mo Jonax!"
"Please.... Bigyan mo ako ng chance para maka-bonding sya. Kahit saglit lang! Gusto kong makasama ang anak ko kahit saglit lang, kahit papano anak ko parin naman sya. Pagkatapos non lalayo na ako, hindi na ulit ako magpapakita sa inyo! Sa inyong lahat!" lumuluhang sabi ko.
Umalis sya sa harap ko. At pag-balik nya ay dala na nya yung anak namin na nakatingin sakin ng masama.
"Siguraduhin mong ibabalik mo sya. Isang oras lang" sabi nya sakin at pinalapit nya yung anak namin papunta sakin.
"Sige na anak. Ang Tito Jonax mo yan" pagsisinungaling ni Kim kahit ang totoo ay ako ang tunay na ama nito.
Lumapit ang bata sakin at hinawakan ang kamay ko. "Igagala mo ako Tito?" ang kaninang masamang tingin nya ay napalitan ng masayang ngiti.