Caryl's POV
Wahh!!! Hindi ko na talaga kayang nagkakaganon si Rex. Kaylangan ko syang mahuli. Ahhh! Kaylangan ko ng tulong kay Kimberly.
Nagbihis na ako ng pang-alis para pumunta sa bahay nila Kim. Si Carlyn at Lex naman ay pinabantayan ko muna sa dalawang yaya nila. Kaylangang dalawa yung yaya nila kasi sobrang likot na nila. Hayysss.
Si Rex naman ay nasa trabaho na. Hanggang ngayon hindi nya ako pinapansin! Hays. Nakahanap na siguro ng bagong babae yun.
Sobrang sakit!Sumakay na ako sa kotse ko at pumuntang Makati kung saan nandon ang bahay nila Kim at Josh.
Pagdating ko sa bahay nila ay nag doorbell ako ng nagdoor bell.
"Ano ba yan!? Sino yan!? Ngayon ka lang ba nakapindot ng doorbell? Enjoy na enjoy ka sa pagpindot-pindot eh" narinig ko si Kim sa loob ng bahay nila.
Pagbukas ng pinto ay nanlaki ang mata nya "Oh Caryl? Bat napadalawa ka--" di nya tinuloy ang sinasabi nya "Wait? Bat ganyan yung mukha mo? May problema ba?" tanong nya sakin at pinapsok ako sa loob ng bahay nila. Nakita ko naman si Shim-nim na mahimbing na natutulog sa crib.
"Hi Caryl!" biglang singit ni Josh habang nanonood ng TV
"Oh! Hi Josh!" bati ko rin sa kanya
"Anong pinag-uusapan nyo?" biglang tanong nya.
"Tumahimik ka nga sweetheart! Usapang babae to noh!" irap ni Kim sa asawa nyang si Josh haha.
Nagsalita ulit si Kim"So ano nga pala ang pinunta mo? May problema ba?" bulong nya sakin
"Oo! Sobrang laki ng problema ko!" pagkasabing pagkasabi ko nun ay agad nya akong hinila papunta sa kwarto nilang dalawa ni Josh.
"Tell me anong problema mo?!" galit na tanong nya sakin.
Dumamba ako sa kama nila at nagsalita "Si Rex....."
"Oh? Anong problema kay Rex?"
"Ilang araw na kasi syang cold sakin. Tapos minsan nakikita ko syang may kausap sa labas ng bahay namin. Minsan nakikita ko rin na may tumatawag sa kanyang babae" matamlay na sagot ko at kumuha ng unan at pinagsusuntok yun. Aahhhg!!!!
"Hala ka! Baka......."
"Baka nambabae" umirap ako "Tapos minsan late na sya umuwi" malungkot na sabi ko. Hindi ko na mapigilang umiyak. "Sabi nya sakin hindi nya ako iiwan pero bakit ganon??"
"Shhhh. Normal lang yan sa mag-asawa. Madalas rin kaming mag-away ni Josh" sabi nya "Pero iba yung sa inyo. Ang sabi mo lagi syang may kausap na babae"
"Kaya nga eh! Pano na yan?? Huhuhu. Pagnakita ko yung babae na nanglalandi sakanya puputulan ko talaga yun ng dila!"
"Grabe ka naman! Masyado ka kasing nag-iisip! Hindi mo pa nga naririnig yung side nya eh. Malay mo para pala yun sa business? Hay nako Caryl. Hay nako.....ayusin nyo yang problema nyo! Pumunta ka sa trabaho ni Rex para may ibedensya ka talaga na may babae sya!" pang-eencourage nya sakin at niyakap ako ng mahigpit
"Thank you Kim!" sabi ko at niyakap sya pabalik "Eto na yung oras para malaman ko na ang katotoohanan! Pupunta ako sa office nya" sabi ko at tumayo.
"Go Caryl! FIGHTING!!!" sigaw nya.
Lumabas na ako ng bahay nila at nag-drive papunta sa Hotel naming dalawa ni Rex kung saan sya nagtatrabaho.
Pagpasok ko sa office nya ay wala sya don kaya nagtaka ako. Lumabas ako ng office nya at nagtanong sa dumadaang babae.
"Ah, Miss nasan po si Rex?" tanong ko sa empleyadong babae
"Bakit po? Ikaw po ba yung asawa ni Sir Rex?" tanong nya.
"Ugh! Kaylangan pa bang itanong yun?! Sagutin mo nalang yung tanong ko!" syempre hindi ko sinabi yan. Ayoko namang maging rude dito noh.
"Ah oo ako nga yung asawa nya" sabi ko. "Nasan sya?"
"Ay wala po sya sa office nya. Lumabas po sya at may kasama syang babae. Sabi nya ay may pagme-meetingan lang daw sila. Sa coffee shop po sila nagmemeeting kung hindi ako nagkakamali" sagot ng employee, kaya nadurong ang puso ko nang may kasama nanaman palang babae si Rex.
Malamang yung babae nya nanaman yung kasama nya.
"Ah salamat ah! Sige alis na ako!"
"Your welcome Ma'am"
Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng Hotel na yun at pumunta sa pinakamalapit na Coffee shop. At pagpasok ko sa coffee shop ay nilibot ang paningin ko para hanapin si Rex.
Ngunit bigla nalang nadurog ang puso ako nang makita sya. Hindi nga nagkakamali yung babae. Nandon nga si Rex at nakikipagtawanan sa isang babae sa loob ng Coffee shop.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko bigla nalang akong napaiyak dahil sa nakikita ko.
At nang madapuan ako ng tingin ni Rex ay nanlaki ang mata nya.
Gulat ka no!? Sabi na nga ba eh...... May babae ka.
"Caryl" sabi nya at lumapit sakin pero lumayo ako at pinigilan sya sa paglapit sakin
"Ngayon alam ko na....." sabi ko at napahawak sa dibdib ko.
Sobrang sakit.......
"Caryl mali ang iniisip mo. Hindi ko babae----"
"Your too late Rex. Dapat sinabi mo sakin para maaga akong nakipag-divocee sayo"
"No Caryl! Pano yung mga anak natin? Tsaka hindi ko nga kasi sya babae. May---"
"I'm sorry" sabi ko at tinignan yung babaeng katawanan nya at ngumisi "Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Hindi mo tinupad yung promise natin sa isa't isa. Akala ko mahal mo ako?" humahagulgol na ako dito habang nakahawak sa dibdib ko "Hindi mo alam kung gaano kasakit na makitang may babaeng nagpapasaya sayo, diba dapat ako yung gumagawa non? Siguro hindi kita napapasaya kaya naghanap ka ng ibang babae na nagpapasaya sayo..... Nag sawa ka na sakin Rex" pinunnasan ko ang luha ko pero hindi parin ako matigil sa pag-iyak "Kaya pala naging Cold ka na sakin. Pati anak natin dinadamay mo!"
"Caryl pakinggang mo naman yung side ko oh!" sabi nya sakin ngunit dali-dali lang akong lumabas ng Coffee Shop nayun at nagtatakbo sa kung saan.
Panay ang patak ng luha ko habang tumatakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Tumakbo lang ako ng tumakbo nang may maapakan akong paa.
Tumingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko nang makita ko sya........
***
A/N: hala sino kaya yung nakita ni Caryl? OMG! Wait for the next update pooooo.
Please Vote.