Chapter 25

9.9K 264 1
                                    

A/N: Dito napo maguumpisa ang Conflict! Maghanda na po kayo hahaha! Joke!



Caryl's POV

Iniwan ko nalang mag isa si Jonax duon at nagtatakbo ako papunta sa kotse ko habang humahagulgol na. Dali dali akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho na. Dumadaloy parin ang mga luha ko habang nagmamaneho papuntang bahay nila Tita Lea.

At nang makarating ako sa labas ng bahay ay pinahid ko muna ang mga luha ko bago pumasok. Pagkapasok ko ay pilit na ngiti lang ang ipinarating ko kila Tita Lea at Ronald.

"Ate Caryl?"

"Oh?"

"Bat mugto ung mata mo? Umiyak ka?"

"Huh? Hindi ah" pinilit kong hindi humikbi sa sinabi kong yan.

"Eh bakit namumugto ung mata mo?"

"Wala lang toh Ronald, sore eyes lang ata to" pagsisinungaling ko

"Wehh??'

"Oo nga, kulit"

"Bakit gabi ka na nakauwi Ate Caryl?" tanong nanaman nya, nakakairita bwisit "Nakakain na kami ng hapunan, ikaw nalang yung hindi"

"Ah hindi na, wala akong gana eh. Sige akyat na ako"

Hindi ko na sya pinagsalita at umakyat na akong kwarto ko. Nagbihis na ako at sumampa sa kama at duon nagmukmok.

"Ha! Ang galing ahh, may paghawak hawak ka pa sa kamay nya para lang makatakas sakin!?"  "Pagtapos mo akong pahirapan? Pagtapos mo akong iwan? Pagtapos mo akong paghintayin?! Depress na depress na ako namg dahil sayo! Pinilit kong lumaban pero hindi ko kaya dahil wala ka g*go!! Tapos di mo pa ako nirereplyan sa mga text ko!!  "Pasalamat ka nga nakaya ko pang mabuhay eh, balak ko sanang pagpakamatay ng dahil sayo"

Nagpaulit ulit ung mga sinabi sakin ni Jonax kanina. Nasaktan sya kasi di ko sya nirereplyan??

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang mga text nila Jonax, Kimberly at Frank.

~You Receive a Message~
From: My Loves Jonax

Hello My loves, bat di mo sinasagot yung tawag ko? Miss na miss na kita kahit isang linggo ka palang na nawala.

~You Receive a Message~
From: My Loves Jonax

My Loves, miss na miss na kita. Hindi ako makatulog sa kakaisip sayo, hindi na rin ako nakakapag aral nang mabuti

~You Receive a Mesaage~
From: My Loves Jonax

Loves, miss na miss na kita. Pwede naman akong mag explain sayo eh. Promise lasing lang ako kaya ko yun nagawa.

Di ko na nagawang basahin pa ang mga texts ni Jonax dahil lalo akong naiiyak, pati yung screen ng cellphone ko ay may patak na ng luha. Ang sunod ko namang binuksan ay yung kay Kimberly.

~You Receive a Message~
From Kimberly

Huy Caryl sagutin mo naman ung mga tawag ko sayo oh

~You Receive a Message~
From Kimberly

Caryl, tulungan mo naman ako, di ko na alam ung gagawin ko.

Bakit naman kaya sya nagpapatulong sakin? Anong nangyari??

~You Receive a Message~
From Kimberly

Caryl, sagutin mo naman ung tawag ko oh, di na kami pumapasok sa school ni Jonax dahil sa nangyari.

~You Receive a Message~
From Kimberly

Sorry talaga, di namin sinasadya.

Gusto ko nang itapon ang cellphone ko sa inis.


~You Receive a Message~
From Frank

Ate bat di mo sinasagot ung tawag ko?

Aarrgghhh naiinis ako sa mga text nila, sa tingin ba nila maaawa ako sa kanilang dalawa? Pagtapos ng ginawa nila? Poteksss, ayoko nang magtimpi. Gusto ko nang bumalik sa dati kong pagkatao na nangbubugbog. Kung hindi lang talaga ako nagtitimpi kila Jonax at Kimberly.... Napatay ko na dapat sila.

Pinagbubura ko ang mga texts nila sakin. At nangmabura ko yon ay kinuha ko ang librong binili ko sa mall at binasa yun, para kasi sakin ay pangpawala stress pag nagbabasa ka ng libro.

Ngunit, bigla akong napakamot sa ulo nang biglang nagvibrate ang Cellphone ko. May text. Akala ko si Jonax o kaya si Kimberly ang text na yun pero nagkakamali ako.

~You Receive a Message~
From Unknown Number:

Hello Caryl! Ako to si Rex. Ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Sino yung lalaking yun kanina? Sinaktan ka ba nya?

Pano nya nalaman yng number ko??

At dahil nga sya si Rex, pinalitan ko ang pangalan na Unknown Number, at ginawa ko yung Rex.

~Composed Message~
To Rex:

Pano mo nalaman ung number ko?

~You Receive a Message~
From Rex

Secret.

Arrggghhh. Lalo naman akong nainis.

~You Receive a Message~
From Rex

Hey! Ok ka lang ba?

~Composed Message~
To Rex:

Oo.

~You Receive a Message~
From Rex

Tsk, sino ba kasi yung lalaking yun?  Nagsinungaling pa tuloy ako sa mga magulang ko dahil sa suntok ng lalaking yun.


~You Receive a Message~
From Rex

Ano gawa mo po?



~Composed Message~
To Rex

Nagbabasa ng libro, tas kausap ka.


~You Receive a Message~
From Rex

Ahh parehas pala tayo, nagbabasa din ako ng libro dito kasama ang 2 mga kapatid ko, dalawang babae sila. So sino nga ung lalaki kanina?


~You Receive a Message~
From Rex

Caryl?? Sagutin moko, sino ung lalaki kanina? Boyfriend mo?


~You Receive a Message~
From Rex

Caryl?? Huhuuh

Aiiisshhhh ang kulit! Di ko nalang sya nireplyan at nagpatuloy na sa pagbabasa ng libro. At ng dalawin ako ng antok ay itinabi ko na ang libro ko at natulog na.









Please Vote po ◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon