Rex's POV
Umalis na kami ni Scarlet sa lugar kung saan nandon si Caryl at mga kaibigan nya.
Sa totoo lang ay gustong gusto ko nang yakapin si Caryl kanina pero pinigilan ko ang sarili ko.
Sobrang ganda nya! Lalo syang gumanda! Tapos ang laki na ng pinagbago nya! Swerte ko talaga sa kanya.
"Sino yun?" biglang tanong ni Scarlet
"Crush ko. Ang ganda noh? Grabe!"
"Tsh!"
"Nagseselos ka naman bwahaha" tawa ko at binelatan sya.
"Grabe ka talaga sakin!!"
Nagulat talaga ako kanina nang makita ko si Caryl. Muntik na ako maiyak dahil nakita ko na ulit sya sa wakas. Gusto ko na talaga syang yakapin at matikman ulit ang matamis na halikan namin. Pero hindi na pwede, baka kasi hindi na nya ako tinuturing na Boyfriend.
-The Next Day-
~Ding dong Doorbell~
Naitigil ko ang pagbabasa ko ng libro nang biglang may magdoorbell sa bahay namin. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa at binuksan ang pinto.
At pagbukas ko nang pinto ay si Caryl!? Bat sya nandito? At may dala pa syang mga paper bags!
"Bat ka nandito!?" galit na tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo ba akong makita?" malungkot na sabi nya
"Pano kung ayoko!? Aish! Pumasok ka na nga!"
Nagalit ako sa kanya dahil ang tagal nyang bumalik tapos hindi pa sya nagpakita nung graduation! Hindi nya alam na may naghihintay sa kanya. Hindi nya alam kung gano kasakit yon!
"Caryl!?" gulat na gulat na tanong ni Mommy nang makapasok na si Caryl.
"Hello po!" masayang sabi ni Caryl. Umirap lang ako at umupo na ulit sa sofa para magbasa ng libro.
Caryl's POV
"Ay naku! Namiss kita" masayang sabi ng Mommy nya at niyakap ako ng mahigpit.
"Ate Caryll!!!" nakita kong nagtatakbo si Johanne pababa ng hagdan nila at yumakap sakin.
"Hello Johanne! Ang laki mo na ah" masayang sabi ko at kumalas sa pagkakayakap nya.
Nasan si Aciel? Bat parang wala sya? Aisshh! Siguro may trabaho na sya.
"Kamusta ka naman Caryl? Wala ang Daddy ni Rex dahil nasa trabaho eh"
"Ok naman po ako haha, masaya po akong makita kayong muli" sabi ko at tumingin kay Rex, kaso nagbabasa lang sya ng libro at parang walang pakielam sa presensya ko!!
Bakit!? Whaaaa!! Why oh why!?
"Ay sya nga pala! Eto po yung pasalubong ko sa inyong lahat" masayang sabi ko at inabot sa Mommy nila yung paper bag.
"Salamat! Galing to sa ibang bansa?" tanong nito at tumango lang ako. "Rex, hindi ka ba masaya na nandito si Caryl? Matagal mo na tong hinintay!!" masayang sabi ng Mommy nya ngunit binalewala lang ni Rex iyon, nagbabasa lang sya ng libro.
"Galit po yata sakin?" nahihiyang bulong ko sa Mommy nya.
"Aysus! Mag usap kayong dalawa para magkaayos na kayo!"