Kimberly's POV
Nandito ako ngayon sa Coffee shop at nagtatrabaho, ako cashier dito sa Coffee shop. Maraming nagtatanong sakin na mga students na ako ba daw ung nag aaral dati sa school namin pero tumatanggi lang ako.
Nakakahiya kasi. Tapos pag nalaman nila na maagang akong nabuntis, pagchichismisan na ako.
Maraming nakapila ngayon dito sa Coffee shop kaya naman pagod na ako sa kakatayo dito sa cashier.
"Next!" sabi ko nang matapos ang isang costomer
"Kimberly?" tawag ng customer sakin kaya napa angat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Josh na nakatayo sa harapan ko.
"J-josh?" nahihiyang ani ko
Unti unti nyang tinitigan ang mukha kong pawisan pababa sa tyan ko. At nakakahiya talaga ng manlaki ang mata nya ng makita nyang buntis ako.
"Let's talk" seryosong sabi nya at sa umalis sa pila at naupo sa isang mesa ng coffee shop.
Pinaubaya ko muna sa katrabaho ko ang pagca-cashier dahil sinabi kong may kakausapin lang ako, at agad namang pumayag ang katrabaho ko. Umupo ako sa harap ni Josh na naka uniform sa dati kong school.
"Kim, buntis ka!? Nabalitaan kong tumigil ka sa pag aaral tapos buntis ka pala?!" seryosong tanong nya
Nagumpisa ng tumulo ang luha ko. Hanggang ngayon ay may gusto parin ako sa kanya.
"Hindi ko naman sinasad*huk*ya eh" humihikbi nang ani ko "Lasing ako ng araw na yon *huk* at hindi ko alam ang ginagawa ko. Nagising nalang ako na may ka-anuhang lalaki" napatungo ako dahil sa hiya. Nagtuloy tuloy ang luha ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Sinong lalaki?" tanong nya kaya naman napaangat ulit ako ng tingin
"Si..... S-si J-jonax" nauutal na amin ko
"Ay pusang gala!! Si Jonax!?" sigaw nya. Napatango ako at humagulgol na sa sobrang iyak
Tumayo sya at umupo sa tabi ko, at pag upo nya ay bigla nya akong niyakap. Gumanti ako ng yakap sakanya.
"Tang inang Jonax yon!" bulong nya "Tapos ngayon pinabayaan ka nalang nya!?" tanong nya at tumango ako. Ngunit nagulat ako ng hilahin nya ang kamay ko papalabas ng Coffee shop.
"J-josh" mahinang tawag ko sa kanya.
Binitawan nya ang kamay ko at hinarap ako. Nasa parking lot kami ngayon
"Pupuntahan natin si Jonax! Gago yun ah, aba! Panindigan nya ung baby nyo, pagtapos ka nyang buntisin!! Mahal kita Kimberly pero si Jonax ang tunay na ama!" sigaw nya
"J-josh umalis na sa Manila si Jonax" paliwanag ko habang humihikbi.
"Ano!?" tanong nya
"Sinundan nya si Caryl"
Napasabunot sya sa buhok nya at muling niyakap ako. At ng kumalas sya sa pagkakayakap namin ay pinunasan nya ang luha ko gamit ang kamay nya.
"Gago yung Jonax na yun!! Wag kang mag alala, pag nakatapos ako sa pag aaral ay ako ang tatayong Daddy sa anak mo. Ikaw ang papakasalan ko at sabay nating papalakihin ang anak mo, titira tayo sa magandang bahay at magkakaroon tayo ng magandamg buhay. Wala akong pake kung hindi ko tunay na anak ang baby mo basta magkasama tayo" matamis na ngiting aniya.