Caryl's POVPanay ang patak ng luha ko habang tumatakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Takbo lang ako ng takbo nang may maapakan akong paa.
Tumingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko nang makita ko sya......
B-bakit ngayon p-pa!?
"Caryl???" gulat na gulat na tanong nito.
"Jonax!?" mas nagulat ako nang makita sya. "T-this can't be. Diba nakakulong k-ka?"
"Dati yun Caryl. DATI. Nakalaya na ako nung nakaraang taon pa. Lahat naman ng tao nagbabago diba? Pati yung feelings ko nagbago narin" napangiti sya ng peke "Pero Caryl, you will always be in my heart." tinuro nya yung puso nya "Kahit sino mang babae ang dumating sa buhay ko, ikaw parin ang kaisa-isahang babae na nagpabagsak sa isang gangster. Ang kaisa-isahang babae na minahal ko ng tunay. Ikaw ang nagparamdam sakin kung gaano kasaya ang buhay. Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita Caryl" ngumiti na talaga sya, hindi peke "Salamat sa lahat ng ipinaranas mong kasiyahan sa buhay ko. At ngayon, dito na nagtatapos ang revenge ko sayo, sainyo. Mahal na mahal kita, salamat dahil dumating ka sa buhay ko" lumakad sya papalapit sakin at niyakap ako. Panay nanaman ang tulo ng luha ko dahil sa mga sinabi nya.
"Thank you rin Jonax. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Salamat dahil pinaranas mo kung paano masaktan at mag-move on ulit. Nang hindi dahil sayo, hindi ako magiging matatag ng ganto" ginantihan ko sya ng yakap.
Kumalas kami sa pagkakayakap ng isa't isa "Pwede bang maging Friends nalang ulit tayo tulad ng unang pagkakakilala natin sa isa't isa noon?" tanong nya
"Syempre naman! Friends." nilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Friends." tinanggap nya ang kamay ko at nagulat ako ng yakapin ulit nya ako. "Namiss ko yung yakap nating dalawa Caryl" bulong nya sakin habang yakap parin ako.
Nanatili kami sa ganoong posisyon nang.......
"Caryl, Jonax?" biglang sumulpot si
REX.
Napakalas agad kami ng yakap ni Jonax at humarap kay Rex. Hindi na nya kasama yung babae nya.
"Kung saan-saan kita hinanap Caryl. Nandito ka lang pala, kasama ang Ex mo" diniinan nya talaga yung EX!
Bigla namang sumingit si Jonax"Oh Hi Rex! Mag-kaibigan na kaming dalawa ni Caryl ngayon, friendly hug lang yung nakita mo. Ah! Una na ako sa inyo ah, may date pa kasi ako eh. Bye Caryl, see you again" sabi sakin ni Jonax at kumaway. Kumaway rin ako sa kanya at maya-maya lang ay naglakad na sya papalayo.
Rex's POV
Namutawi ang katahimikan at maya-maya lang ay binasag ko ang katahimikan "Caryl......"
"Not now" sabi nya at tumalikod sya sakin at maglalakad na sana sya nang pigilan ko sya
"Let me explain pleas---"
"Not now Rex. Binabalaan kita" bumuntong hininga sya at halatang nagpipigil ng inis
"Caryl. Pwede namang--" di ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang tumakbo papalayo sa akin pero parang nagslow motion ang lahat......
"Cccaaarryyyyylllllllll!!!!!!" sobrang lakas na sigaw ko dahil mabubunggo na sya ng isang bus.
Pero huli na mag lahat. Pagkatingin nya sakin ay parang nagslow motion ang lahat sa paningin ko.
Huli na ang lahat......
Nabunggo sya.....
At kasalanan ko yun......
Kung hindi ko sya pinilit, hindi dapat sya mabubunggo....
Ang sama ko.....
Dapat ako nalang.......
Napaluhod nalang ako sa kinakatayuan ko. Nagtuloy-tuloy na ang pagpatak ng luha ko sa nakikita ko ngayon. "Caryl..... Bakit!?!?" hagulgol ko. Parang winarak ang buong puso ko sa nakikita ko.
Nakita kong nagpagulong-gulong sya sa kalsada, at duguan na nakahiga sa kalsada. "Carryyll!! Carrylll!!" patuloy ako sa pagsigaw ng pangalan nya.
Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ang pisngi nya. "Caryl!? Caryl!" sigaw ko kay Caryl na duguan na. Halos maubusan na sya ng dugo.
Patuloy lang ang patak ng luha ko sa mukha nya
Nagmulat sya ng konti at may lumabas na luha sa mata nya"Rex....." nahihirapan syang magsalita "I-ikaw na ang bahala s...s-sa mga a-anak natin. H-huwag mo silang papabayaan.S-salamat sa l-lahat. Mahal na mahal k....k-kitaaa. Salamat k....kasi nakilala k...kita. S-salamat k...kasi pinadam..a mo s.... sakin yung p....pagmamahal mo... Hanggang dito nalang.... Pagod na ako" pagtapos nyang sabihin ang huling salita ay pumikit na sya. Dun na ako sumigaw at umiyak ng umiyak
"Caryl! No! No! Wag kang mamamatay!!! Caryl!!! Nooooo!!!! I can't! Pano na yung anak natin?? Caryl!" alam kong sobrang sakit sa pakiramdam pero kaylangan kong tanggapin ang realida na...
Wala na....
Wala na sya.....
Mawawala nga ba sya??
Alam kong kakayanin ni Caryl to...
"Mahal na mahal rin kita Caryl" bulong ko at sa huling pagkakataon ay hinalikan ko ang labi nya na may dugo rin.