A/N: Hello po. Please do Votes and Comments po, mahalaga po yun para saming mga Authors eh haha, Muahh mwahhh chup chup ❤❤ I love youu!!
KINABUKASAN.
Araw ng Linggo/Sunday
Rex's POV
"Anak gising na" tinig ni mommy "Nak, baby ko. Gising na anak"
"hmmm?" ungol ko pero nakapikit parin
"Gising na, tanghali na oh. Tanghalian na tulog ka pa. Nagpupuyat ka kasi sa kakabasa mo ng libro eh" malambing na tinig ni Mommy
"Opo mama, bababa na ako mamaya" nakahigang nag uunat na ani ko
"Ok baby"
"Mom?" naiinis na sabi ko, bumangon na ako at naupo sa kama
"What baby?"
"Wag nyo na akong tawaging 'baby'! Ang laki laki ko na eh" kunot noong sagot ko
"Ok Rexy" nang aasar na sabi ni mommy at lumabas na nang pinto
"Tch"
Bumangon na ako at sinuot ang salamin ko. Tinignan ko ang alarm clock ko.
10:00 pa naman eh, tanghali na ba yun? Tch
Pumasok na ako sa banyo para maligo, nilagay ko muna sa gilid ng sink ang eye glass ko at nagsimulang maligo. Habang naliligo ay di ko parin makalimutan ung sinabi ni Caryl sakin kahapon.
Ang gwapo mo
Ang gwapo mo
Ang gwapo mo
Ang hwapo mo
Nagpa ulit ulit sa tenga ko ang sinabi sakin ni Caryl.
Akala nya hindi ko narinig yun ah bwahahaha
Tsh. Gwapo naman talaga ako. Kung dati ay binubully lang nila ako sa school dahil nerd ako, ngayon ay hindi na. Pinagkakaguluham na ako nang mga babae dahil sa katalinuhan at kagwapuhan ko.
Pagtapos kong maligo ay agad akong nagbihis at sinuot na ang eye glasses ko at bumaba na. Pagkababa ay agad kong nakita sila Mommy, Daddy, Manang, Ate Aciel Miles at si Johanne na kumakain na sa dinning table.
"Oh Rex kumain ka na, nakahanda na ang pagkain mo" si Manang
"Opo Manang, Salamat po" sagot ko
Umupo na ako sa gitna nila Ate Aciel at Johanne para kumain.
"Ano ba Rex!?" si Ate Aciel
"Ano!?" iritang sagot ko nang makaupo ako nang tuluyan.
"Uupo na nga lang nang sasagi pa" bulong ni Ate
"Anong nangsasagi? Ang hina hina lang eh" tinabig ko sya "Napakaarte, ang aga-aga nang babadtrip" bulong ko ngunit di nya narinig kahit pa magkatabi kami.
Pasensya na. Ganyan talaga kami ng Ate ko dati pa!
"Ano ba Ate at Kuya!? Lagi nalang kayong nag aaway! Nakakairita kaya" si Johanne at tinarayan kami
"Hahahaha" tawa naman ni Manang
"Kumain na lang kayo, ayan nanaman ung away nyo ah!" nagsimula nang magalit si Daddy. Tinapik naman ni Mommy si Daddy.