Umaga na at naligo muna ako at saka nagbihis, nagbihis ako ng Leggings, Tshirt at flat shoes, binitbit ko na rin ang sling bag at jacket ko.
Pumunta na ako sa sala upang magpaalam.
"Tita Lea aalis na po ako para mag enroll" sabi ko
"Kain ka muna ng almusal Caryl para may gana ka" sagot nya
"Ahhmm wag na po kasi baka malate po ako sa enrollment eh, dun nalang po ako bibili sa school mamaya, nasan po si Ronald?" tanong ko
"Tulog pa eh, sige bye" aniya
"Alis na po ako, bye po Tita Lea" paalam ko
Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng jeep na masasakyan. Maganda kaya sa Sinait National Highschool ?
Pag kababa ko ng jeep ay namangha ako sa laki ng school na toh, siguradong pagpasok ko rito ay mas maganda pa.
Pumasok na ako sa School at pumunta sa Enrollment Room, tunay ngang maraming nag eenroll rito at ang iba naman ay nagtetest na.
Inabot ko na ang Card ko upang maipakita ito. Nagregister na ako at saka naupo upang mag test.
**
Pagkatapos kong mag test ay inabot ko na ang test paper ko sa isang babae na nagbabantay sa amin."Miss Caryl pwede ka muna pong lumabas para hintayin ang resulta ng inyong test" sabi nito
Ngumiti nalang ako at Tumango sa babae, lumabas na ako at pumuntang Canteen para bumili ng Sandwich na Almusal ko.
Pagkatapos kong bumili ng makakain ko ay naghanap na ako ng mauupuan at kumain na.
Habang kumakain ay may nakita nanaman akong limang mga lalaki na nasa tapat ng lamesa ko.
Inaninag ko ang mga ito dahil pamilyar sila sakin, Ahh natatandaan kona!! Sila ung mga lalaking nagtatawanan kahapon sa restaurant na pinuntahan ko. Minamalas nga naman oh.
"Bat ka tumitingin samin? Ikaw ung babae sa restaurant kahapon ah... Hahahahah bawal nerd dito" sabi ng lalaki
Nagsitawanan silang lahat, napaatras ako nang lumapit sila sakin. At maya-maya lang ay tinapon nila ang lahat ng juice na iniinom nila.
Pero bakit yung isang lalaki ay nakatunganga lang? Bat hindi nya ako binuhusan ng juice? Hayysss
Sobrang lagkit ko na tuloy, ang ganda nga ng school dito pero may mga bully naman. Paiyak na ako dahil nagtatawanan sila sa mukha ko, ano bang meron sa isang nerd!!!
"Hoy anong ginagawa nyo!?"
┬─┬ノ( º _ ºノ)
Gulat akong napatingin sa likuran ko nung ay magsalita roon.
Nakita ko ang dalawang lalaki at isang babae.
"Pake nyo ba? E gusto naming gawin yan eh! Ahahaja" nakangising sabi nung isa at saka lumabas
Nakakahiya, ang dami pa naman ng mga estudyante rito.
Bat ba kasi dito pa ako nag enroll? Ang tanga-tanga ko naman oh.
Pumunta ako sa isang cr at pinunasan ko ang buhok ko. Nagpalit na rin ako ng damit ko.
Pagkatapos kong magbihis, agad akong pumunta sa isang bench at dun umiyak ng umiyak. Buti nalang walang estudyante dito.
**
Habang ako'y nakaupo at umiiyak sa bench ay may biglang may nag abot sakin ng panyo, tumingala ako upang tignan kung sino iyon.-------------------------------
Sino kaya yung nag abot ng panyo kay Caryl??
Ano kayang naramdaman nya??
Pleaseeee Vote pooooo haha
Twitter: @kissseeess