Chapter 37: Laban sa Canteen

10.5K 200 3
                                    

Kinabukasan.

Hayss may pasok nanaman

Nandito ako sa Kusina at aalis palang papunta sa school.

"Tita Lea pasok na po ako sa school" paalam ko

"O sige, ingat ka"

Pagkatapos kong magpaalam ay lumabas na ako ng bahay. At ng makalabas ako ay nagulat ako dahil nakita ko ung kotse ni Rex na nakaparada sa tapat ng bahay ni Tita Lea. Maya maya lang ay lumabas si Rex sa kotse.

"Oh Rex? Bat ka nandito?" nagtatakang tanong ko

"Susunduin ka" sagot nya

"Bakit? May sarili naman akong kotse eh"

"Aiyst! Parte kaya ng pangliligaw ang paghatid sundo sa magiging girlfriend nya" nakangusong sabi nya "Oh Chocolates, ninakaw ko lang yan sa bahay namin. Hahahah Joke!! Syempre binili ko yan" inabot nya sakin ang napakaraming chocolates!! Lalo ata akong naiinlove kay Rex ah.

"Thank you" namumula kong sabi

"Hahahahah namumula nanaman sya! Kinikilig ka noh?" asar nya

"Baliw, hindi ah! Mainit kasi kaya namumula ako" pagsisinungaling ko nanaman

"Tsh! Yan naman lagi mong dahilan eh! Umamin ka na kase, hahalikan kita, gusto mo??"

"Dahil nga kasi sa init to---" naitigil ko ang sasabihin ko dahil biglaan akong hinalikan ni Rex sa labi! At hindi yon dampi, lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi parin nya binibitawan ang labi ko sa halip ay iginagalaw nya pa ang labi nya sa labi ko.

Ewan ko kung bakit hindi ko sya kayang itulak, nagugustuhan ito ng labi ko. Ang lambot ng labi, ang sarap sa pakiramdam!! At sa sarap ng pakiramdam ay gumanti din ako ng halik sa kanya. Iginagalaw ko rin ang labi ko tulad ng sa kanya, tumatagilid pa kanan at pakaliwa ang ulo namin para hindi magkabanggaan ang mga ilong namin hahah. Ako ang unang bumitaw dahil baka lumalim ng lumalim ang paghahalikan namin at baka may magawa pa kaming kababalaghan sa loob ng kotse nya hahaha.

Nang bumitaw ako ay nakita kong nakapikit parin sya. At ng magmulat sya ng mata ay bigla syang ngumuso"Hahahah, wag ka ngang ngumuso! Nagmumukha kang bakla eh" asar ko sa kanya, lalo syang ngumuso kaya naman lalo syang nagmukhang bakla "Hay nako Rex! Tara na nga" yaya ko.

Pinagbuksan muna nya ako ng pinto bago ako pumasok sa kotse nya, sya naman ay sumakay na sa drivers seat at nagsimula ng magmaneho.

"Nagustuhan mo ung halikan natin?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"H-huh? Ahh ehh, Hindi ah!!" nanlalaking matang sagot ko

"Umamin ka na kasing nagustuhan mo Miss Nerd, kung hindi mo nagustuhan ehhh.... Bakit ka pa gumanti? Ang lambot ng labi mo! Gusto kitang halikan ng halikan hanggang sa----" naputol nya ang sasabihin nya dahil sumingit ako.

"Tumigil ka nga! Kabastusan mo nanaman eh" taray ko

"Umamin ka na kasi na nagustuhan mo ang masarap na halikan natin kanina. Sinisiil mo pa nga ung ibabang labi ko e---" di nanaman nya natuloy ang sasabihin nya.

"Oo na oo na!! Nagustuhan ko na ung halikan natin! Kaya nga gumanti ako kasi ang lambot ng labi mo tapos ang sarap ng pagkakahalik mo!! Ano okay ka na!?" sigaw ko sa kanya.

Sa totoo lang ay nahihiya talaga ako sa kanya dahil sa pagsiil ko sa labi nya. Bakit sya rin naman ah! Halos sinakop na nga nya ung buong labi ko sa sobrang sabik nya eh!

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon