Rex's POV
Nandito ako sa kama ko at kakagising lang. Bumangon na ako at isinuot ang eye glasses ko.
Kaylangan kong puntahan si Caryl... May sakit sya ngayon kaya kaylangan ko syang alagaan.
Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko sila Mommy, Daddy at Johanne na kumakain ng almusal.
"Goodmorning Everyone" bati ko sa kanila.
Isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi at saka naupo na sa tabi ni Johanne at nagsimula ng kumain.
"Anak?" tinig ni Mommy
"Yes mom?" tanong ko. Binigyan lang nila ako ng mapanuksong tingin kaya naman nagtaka akong tumingin sa kanila
"Ikaw kuya ah! Hindi mo sinabi samin na may nililigawan ka na pala, kung hindi pa sinabi ni Ate Caryl, hindi pa namin malalaman" nguso ni Johanne
"Heheheheeh" nameke ako ng tawa.
"Pag girlfriend mo na sya, ipakilala mo na sya samin ah, your first girlfriend yiieeee" mapanuksong sabi ni mommy.
"Ah sige po mommy. Baka po sa susunod nalang kasi may sakit po sya ngayon eh" paliwanag ko
"Bakit?" tanong ni Daddy
"Ah hehe, naulanan po kasi kami. Pumunta po kasi kami sa park kahapon, tapos biglang bumuhos ang ulan kaya naulanan kami" kwento ko
"Ahh ganon ba" sagot nila
"Pupuntahan ko po sya mamaya" ngiting sabi ko.
Nagtuloy tuloy na kami sa pagkain nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Ate Aciel Miles at si......
Jonax!? What!! Bat nandito sya arrggghhhh. Wag nya sabihing boyfriend nya yan?
"Good morning Mom, Dad, Rex at Johanne ito nga pala si Jonax, bagong Boyfriend ko po" bati ni Ate Aciel
"What? Boyfriend mo yan!? Eh yan yung umano----" naputol ang sasabihin ko dahil sumingit nya.
"Ano ka ba Rex! Mabait si Jonax noh" taray ni Ate, napasinghal naman ako.
"Akala mo lang!!!" napatayong sigaw ko sa kanya. Ngunit nagulat ako kay Jonax ng bigla syang ngumisi sakin.
"Rex!" bulong sakin ni Mommy
Naiinis ako kay Jonax! Tapos sasaktan nya lang si Ate tulad ng pananakit nya kay Caryl? Hindi ako papayag. Napakasamang tao ni Jonax, hindi kasi alam ng pamilya ko na si Jonax pala ang may ganang bumugbog sakin.
"Ahhmmm Jonax, ito nga pala ang pamilya ko. Ito si Rex" turo nya sakin "Sya ung pangalawang kapatid ko. At ayun naman si Johanne" turo nya kay Johanne "Sya ung bunsong kapatid namin ni Rex, tapos sila si Mommy at Daddy" turo naman nya kay Mom and Dad.
Tumayo naman si Mommy at Daddy para makipagkamay kay Jonax.
"Magandang umaga po. Tita at Tito" bati ni Jonax sa magulang ko
Tsh!
Ako naman ang sumunod na tumayo at lumapit sa kanya para makipag kamay. Inilahad nya ang kamay nya at tinanggap ko yun, pero nagulat ako ng higpitan nya ang pagkakahawak ng kamay ko. Napabitaw ako sa kamay nya, sinamaan ko sya ng tingin. Ngumisi lang sya ng palihim
"Ah sige akyat muna ako sa kwarto ko. Pupuntahan ko pa kasi si Caryl sa bahay ng Tita nya" nagparinig ako kay Jonax
"Ok anak" si Daddy