Rex's POV
Pagkarating na pagkarating namin sa Hospital ay nagulat kami nang nasa kwarto ni Caryl sila BJ, Mitch at Angela na kasama ang anak nyang si Angelica. Nagtatakbo sila Lex at Carlyn kay Angelica para makipaglaro.
"Rex....." tawag ni BJ sakin. Tumingin ako sa kanila
B-bakit sobrang lungkot nila!?
W-wag nila sabihing.....
Lumapit ako sa kama ni Caryl. Nakakaawa syang tignan.
"Bakit?" tanong ko kay BJ
"Si Caryl....." umiiyak na sabi nya
"Ano si Caryl?" pagtataka ko
"Si Caryl...... Patay na" humagulgol si Mitch habang sinasabi yon
Para akong mahihimatay sa sinabi nya. Unti-unting Sumakit yung puso ko sa narinig ko.
"No! No! Hindi pwede!!" sigaw ko at nagumisa nang lumuhod sa sahig. Yung luha ko, ayaw tumigil sa paglabas. Sana hindi ko nalang sya sinaktan ng ganto kung alam ko na mawawala na pala sya.
Nagsisisi ako.....
Nagtaka sila Lex at Carlyn. Hindi kasi nila alam ang ibig sabihin ng 'patay'.
"Sorry Rex. But it's too late" malungkot na sabi ni Angela.
"Hindi pwede!! Hindi pa ako nakakapag sorry kay Caryl! Tsaka may mga pangarap pa kami! Nagpromise pa nga kami sa isa't isa na walang iwanan diba? Pero bakit........nawala sya?" humahagulgol na sabi ko at niyakap si Caryl ng sobrang higpit.
Ayoko syang bitawan....
"Caryl, mah----waaaaahhhhhhhh" napahiwalay ako kay Caryl at muntik na akong atakihin sa puso nang biglang nagmulat si Caryl at.....
"Whhhhooooo!!!!!" sabi ni Caryl habang tatawa tawa na ikinagulat ko. Biglang umupo si Caryl sa kama nya at tumawa ng malakas.
Teka!? Buhay sya!?
"Ahahahaahahahahahahaha!!!!!" humagalpak sila sa tawa
"Magaling na ba kaming Actor at Actress? Ahahah!" tawa ni Mitch
habang nakahawak sa tyan nya sa kakatawaWait!? It's a joke!?
"Ahaha! We got you!" sigaw ni Angela
"How could you!?" turo ko kila BJ, Mitch at Angela
"Rex..." tawag nila
"Hindi nyo ba alam kung gano kasakit yung naramdaman ko kanina!? Ha! Tapos niloko nyo lang pala ako!? Lokohin nyo na ako sa lahat, wag nyo lang akong lokohin na patay na si Caryl! Alam nyo namang hindi ko kakayanin pag nawala sya diba!?" sigaw ko sa kanila at pinahid yung luha ko.
"Sorry Rex...." sabay-sabay nilang sabi.
Lumingon ako kay Caryl at dali-dali syang yinakap.
"Akala ko mawawala ka na sakin Wifey..." tumulo nanaman yung luha ko
"No, hindi ako mawawala Hubby. Diba nga may promise tayo sa isa't isa? Tsaka sorry kasi nag-joke kami nila BJ sayo. Hindi ko alam na ganon pala yung epekto sayo" sabi nya at hinimas ang buhok ko. Nakayakap parin kasi ako sa kanya.
"Syempre malaki ang epekto sakin non. Hindi namin kakayanin ng wala ka Caryl, hindi namin kakayanin ng mga anak natin" malungkot na sabi ko
"Syempre kakayanin nyo, sinasabi mo lang na hindi mo kaya pero sa totoo kaya mo naman pala. Sinasabi mo lang na hindi mo kaya kasi nakasanayan mo na...na ako yung kasama mo araw-araw. Pero pagtumagal na, kaya mo na" nakangiting sabi nya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap naming dalawa "I love you Wifey, and I miss you" sabi ko sa kanya at hinalikan yung labi nya.
"Ehem ehem! Wait lang ah labas muna kami! Hehe. Angelica! Lex and Carlyn! Labas muna tayo bilis!" sabi ni Angela at lumabas na silang lahat kaya napatawa kaming dalawa ni Caryl.
Kaming dalawa nalang ang nandito sa loob ngayon. "Mahal na mahal din kita Rex, I miss you too" sabi nya at hinalikan din ako sa labi "Wait!?"
"Bakit?" nagtataka kong tanong
"Akala mo makakatakas ka sakin? Ha!? Ha!?" natatawa nyang sabi pero bigla nalang syang nalungkot. "Akala ko hindi mo na ako mahal kasi nakita kita na may kasamang---" pinutol ko agad yung sasabihin nya.
"Wifey ano ka ba naman? Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Wag mong isipin na hindi na kita mahal Wifey dahil sa unang magkakakilala palang natin ay mahal na kita. Diba kakasabi ko lang sayo na hindi ko kaya pag wala ka?" paliwanag ko sa kanya pero nakataas parin yung kilay nya. "Wifey naman....."
"Eh bakit ka naging cold sakin? Tapos pagtinatanong kita sasabihin mo na 'pagod lang ako sa trabaho' anong klase yun?" natatawa nyang sabi pero alam kong sa loob-loob nun ay pinapatay na nya ako sa isip nya. Baka nga napatay na nya ako sa isip nya eh
"Haysss.... Ok. Sorry about that, sorry kasi naging cold ako sayo this past few months. Maniwala ka sakin, pagod lang talaga ako sa trabaho. At.... aaminin ko sayo, nahihirapan talaga ako sa trabaho ko. Lahat pinapatong nila sakin purkit boss nila ako at ipinamana sakin yung Hotel nayun. Masyado kasi akong naging mabait sa mga cliyente ko kaya nasanay silang ako ang gumagawa ng mga papers nila" paliwanag ko sa kanya. "Ayaw kong mapressure dahil sakin dahil alam kong ikaw ang nag-aalaga ng mga anak natin. Sorry Caryl" sabi ko at niyakap sya ng mahigpit "Sorry kung hindi ko sinabi sayo" ginantihan nya rin ako ng yakap.
"P-pero sino yung b-babae na nakita kong kasama mo? Mukhang masaya kayo ah" nagpeke sya ng ngiti. Hayyss. "Mistress mo?"
"What!? Mistress ha-ha-ha! Wifey, sira ka ba!?" natatawa kong sabi "Investor yun!"
"Investor?"
"Hay nako Wifey! Tsaka may asawa na kaya yun. Yung pinagtatawanan namin ay yung asawa nya! Hahahaha. Parang baliw kasi yung asawa nya napaka--" di ko natuloy ang kinukwento ko nang bigla nya akong yakapin. Nagulat naman ako sa ginawa nya "Wifeyy...."
"Hubby! Im so sorry! Akala ko babae mo yun! Kasalanan ko to! Kung pinagpaliwanag muna kita edi sana hindi pa aabot sa ganto. Sorry talaga, ang sama-sama ko, nadala lang talaga ako ng emosyon ko! Sory! Sorry! Sorry!" umiiyak na sabi nya habang nakayakap sakin kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap namin at hinawakan ang dalawang pisngi nya.
"Sorry din. Pinapatawad na kita, tsaka hindi ko magagawa sayo ang mambabae, ni hindi nga pumasok sa isip ko yun eh. It's okay Wifey" sabi ko sa kanya at hinalikan ng mabilis ang labi nya. "At wag na wag mong iisipin na hindi kita mahal ah!"
"Yes hubby" sabi nya at niyakap nanaman ako
**
Please Vote and Comment po! I-comment nyo po yung reactions nyo sa nababasa nyo sa story ko hahaPlease follow me on Twitter.
Twitter: @kissseeess