Chapter 28: Untitled

10.4K 301 71
                                    

Caryl's POV

"Kainis! " sigaw ko sa loob ng kotse.

Di ako makapaniwala na ang taong mahal ko pa ang magpapalabas ng katauhan ko. Kitang kita sa mga mata nya kanina na nagulat sya sa ikinilos ko.

Nagulat din ako sa ginawa ko, hindi ko talaga ma-handle ang sarili ko kapag sinasabihan nila ako ng masama at nakakainsulto. At di lang ako makapaniwala nang sinabihan ako ni Jonax ng malandi.

Ang landi mo.

Ang landi mo.

Ang landi mo

Arrgghhh!! Putek, lumabas na talaga ang totoong pagkatao ko! At ang lahat ng ito ay kagagawan ni Jonax.

Ang bait-bait ko kanina nang kausap ko si Rex pero nung dumating at sinabihan ako ni Jonax ng malandi ay nawala iyon ng isang iglap lang, hindi ko na alam kung paano ko ulit tatakpan ang pagkatao ko, di ako pwedeng manakit ng kapwa studyante ko dahil pag nalaman iyon nila Mommy ay malalagot ako sa kanila.

Nakarating ako sa bahay nang di namamalayan.

"Caryl hija? Bat ngayon ka lang?-" di ako sumagot at padabog na umakyat at pumasok sa kwarto ko.

Bwisit.

Agad naman akong tumawag sa cellphone ko at sinabi na ihatid ang kotse ni Rex sa kanila. Tatamad tamad akong pumasok sa banyo at naligo, at pagtapos kong maglagay ng kung ano ano sa mukha ko ay...

*Boggshhh*

Sumampa ako sa kama. Wala akong ganang kumain.

ZzzZZZZzzzzzz.......






~~~~

Araw ng Linggo/Sunday ngayon. Tinawagan ako kahapon ni Jonax na magkita daw kami sa isang Cafeteria at mag usap. Syempre pumayag ako para sabihan sya ng masasakit na salita para naman tumigil sya sa kakakulit sakin.



Cafeteria.....

Nakita ko na si Jonax sa loob ng Cafeteria. Transparent glass kasi ang nagsilbing dingding nito. Agad akong pumasok don at umupo sa harap nya.

"What do you wanna say?" bagot na ani ko.




Jonax's POV

"What do you wanna say?" halatang bagot na bagot syang kausap ako.

"Us." sagot ko, natigilan naman sya.

"What about 'us'?? There's no 'Us' anymore" singhal nya.

"Mahal mo pa ba ako?" deretsahan na toh.

"Seriously" maangas na kunwaring nag isip pa sya "Diba sabi ko sayo nung isang araw.... may konti pa akong pagmamahal sya pero nasimot lahat yun ng dahil sa ginawa mo kahapon" tiim bagang nyang sagot.

"Caryl...." malungkot na sabi ko.

Wala na syang pagmamahal sakin? Nooo!!!

"Sorry Jonax" nginisian nya ako

"Ibang iba ka na Caryl! Ibang iba na. Di ko alam na ang dating mahinhin na Nerd ay naging ganto kalakas at kawalang awa" mahinang sigaw ko.

"Dati pa Jonax, dati pa" nakangising sagot nya "Bago ka pa dumating sa school namin noon sa Manila, ako ang naunang binansagang gangster dun sa school natin dati"

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon