Chapter 65: Hannah?

9K 160 8
                                    

"Aciel ano ka??? Pwede mo bang sabihin sakin yung f-ull name mo" kinakabahang sabi ko

"Ang full name ko ay Aciel Ann Gonza" nakangiting sagot nya kaya nakahinga ako ng maluwag

"K-kilala mo ba ako?" naniniguradong tanong ko

"Hay nako Kuya!! Hindi ah! Kaka-hi ko pa nga lang sayo eh. Attractive ka kasi kaya nilapitan kita" nakangiti paring sabi nya lalo naman akong nakahinga ng maluwag

hayysss......akala ko naman sya si Aciel Miles. Ano ba naman ako.... matagal nang patay si Aciel Miles noh!!

"Sige, alis na ako" sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako pero nagsalita ulit sya

"Kuya Wait lang!!" sigaw nito kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Bakit?" lumapit ulit ako sa kanya

"Bakit nga pala kabado ka kanina nung nalaman mong Aciel yung pangalan ko" nagtatakang tanong nito

"Meron kasi a-akong ex girlfriend na kapangalan mo. Pero ilang taon na syang patay"

Ex girlfriend na pinagtripan ko lang at niloko. Haha, Sorry Aciel Miles..... Gagu kasi akoooo.

"Ahhh. So iniisip mo po na buhay pa sya, ganon!? Haha! Ang dami-daming Aciel sa mundo noh. Isa na ako dun" tumatawang sabi nya kaya kumunot ang noo ko

"Bahala ka na nga dyan" umirap ako at tinalukuran sya.

"Kuya! Hindi ka pa po nagpapakilala sakin!!" sigaw nito ngunit nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang Makapunta ako sa NationalBooks Store.

Hindi libro ang bibilihin ko sa NationalBook Store, kundi yung mga gagamitin ko para sa lesson plan na gagawin ko para sa mga estudyante ko.

Oo, teacher na ako ngayon.... Hard to believe right? Haha

3 years na nga pala akong teacher....

Pagkadating ko sa NationalBook Store ay nanlaki ang mata ko nang makita ko sila Caryl, Rex, at ang mga anak nila na masayang namimili ng mga libro.

Nakaramdam naman ako ng lungkot.

Sana makahanap ako ng babaeng mamahalin ko higit pa sa pagmamahal ko kay Caryl......

Nakita kong pipilay-pilay si Caryl. Meron din syang benda sa ulo nya at may sugat din sya ng konti sa katawan. Yan siguro yung nabalitaan ko sa TV. Yup! Binalita sya sa TV, nag-alala din ako nung araw na yun pero alam kong si Rex at ang mga Doctor na ang bahala sa kanya.

Nalaman ko din sa balita na, pagtapos pala naming mag-usap ni Caryl nung oras nayon ay saka nangyari yon sa kanya. Akala ko, yun na yung huling pag-uusap namim pero hindi pa pala.

Nagdahilan lang ako kay Caryl na may ide-date ako pero ang totoo ay dumating bigla si Rex kaya nagdahilan nalang ako para makaalis. Yun pala.....yun na yung oras na mabubunggo sya. Kung hindi sana ako umalis kaagad, edi sana na-awat ko pa sya sa pagtakbo sa kalasada. Edi dapat hindi sya maaakisidente.

(Remember Chapter 61?)
Napabuntong hininga nalang ako at umalis sa Bookstore na yun.

Sa iba nalang ako bibili.... Ayokong makitang masaya na si Caryl sa iba. Masaya na sya sa asawa nya at masaya narin sya sa mga anak nila.

Masaya silang namimili ng mga libro. Sabagay, nerd si Caryl at Rex.

Si Rex lang pala yung nerd sa kanila...... Nagbago na nga pala si Caryl. Siguro magiging nerd din yung mga anak nila kasi sinasanay na nila Rex at Caryl na magbasa ng libro ang mga anak nila

Ewan ko...  Ilang taon na kaming wala ni Caryl pero ang sakit parin na makita syang masaya. Kahit pa magkaibigan na kami....nasasaktan parin ako.

Teenagers pa kami ni Caryl nung maghiwalay kami. 30+ years old na kami ngayon. Hayys ang bilis ng panahon.

Bumuntong hininga muna ako bago pumunta sa ibang Store para bumili ng mga gagamitin ko para sa Visual Aids na gagamitin ko para sa mga bata.




Christian's POV

Nandito ako sa ibang bansa para mag-trabaho. 1month palang ako dito sa Texas pero feeling ko gustong-gusto ko na ulit umuwi sa Pilipinas. Mahirap lang kami kaya kaylangan kong mag-ipon para kila Mama at Papa.

Miss ko na sila, pati si Frank.

Nagtatrabaho ako dito bilang Doctor. Malaki kasi ang sweldo pag dito ka sa ibang bansa mag Doctor.

Break namin ngayon kaya nandito ako sa office namin ng mga katrabaho ko at kumakain. Nasanay narin ako mag english dahil mga Amerikano ang mga katrabaho ko.

Malamang......

Meron din namang mga Pilipino na nagtatrabaho dito pero konti lang.

Susubo na sana ako ng kanin nang biglang.....

"Christian?" may tumawag sakin. Tumingala ako para makita sya.

"Hannah?" Umupo sya sa tabi ko at ngumiti sakin "B-bakit ka nandito?" nahihiyang tanong ko.

Tumingin ako sa damit nya.

:o! Doctor din pala sya dito.

"Doctor din ako dito" nakangiting sabi nya

"Ahh" yun lang yung nasagot ko. "I-ikaw yung nanliligaw sakin nung highschool tayo diba?"

(Remember Chapter 4? Kinwento ni Christian kila Caryl, Kim, Frank at Jonax yung pangliligaw ni Hannah sa kanya)

"Oo hahahaha!! Sobrang natatawa ako nung araw na yun. Narealize ko na ang sagwa pala tignan kung babae yung mangliligaw" natatawang sabi nya habang inaalala ang nakaraan.

Tinitigan ko yung mukha ni Hannah. Lalo syang gumanda, nung highschool kasi kami ay medyo jeje pa sya. Pero ngayon..... Mapapa-Wow ka balang sa ganda nya.

"A-ah? B-baka matunaw ako sa titig mo" nauutal na sabi nya kaya natawa ako.

"Pero ngayon ko lang narealize na gusto parin kita"

"G-gusto mo rin a-ako?" nanlaki yung mata nya sa sinabi ko.

"Hahahaha! Gusto na kita nung highschool pa tayo. Na-torpe lang talaga ako nun hahahaha! Sa kakalapit mo kasi sakin non ay nagugustuhan narin kita ng paunti-unti" sabi ko habang inaalala yung nakaraan

"Sana matagal ko nang alam yun" malungkot na sabi nya, tumayo sya at humarap sakin "Sige alis na ako. May pasyente pa akong---" di ko sya pinatapos. Hinila ko yung kamay nya kaya napa-upo ulit sya.

"Hannah...pwede ba tayong mag simula ulit? Pwede bang l-ligawan kita?" kinakabahan kong tanong.

Napatitig lang sya sa kung saan "Ah" nakatitig parin sya sa ibang direksyon "Sige alis na ako. May pasyente pa akong pupuntahan" nagtatakbo sya palabas ng pinto.

Napatungo nalang ako...... Iniligpit ko na yung kinakain ko. Tinamad ako bigla.

Hayyss......








**
Vote and Comment poooo. Hi silent readers. Lahat kayoo hahahaha









Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon