Prologue

3.8K 63 2
                                    

NAGKASALUBUNGAN ang mag-ina sa may pintuan nang papalabas si Stephen. "Saan na naman ba ang punta mo, Iho? Magba-bar na naman ba kayo ng mga barkada mo tapos uuwi ka na naman dito nang lasing?" sabi ni Senyora Kakay ng may bahid na hinanakit.

Sa mga nakalipas na araw ay panay ang pakikipag-inuman ni Stephen kasama ng kaniyang mga barkada. Minsan nga ay nabigyan pa siya ng memorandum ng kaniyang boss sa pinapasukang Call Center dahil nalaman nitong pumasok siyang nakainom at may nakaaway pang ilang kalalakihan sa trabaho.

"Good evening po, Ma!" Hinalikan niya muna ang ina sa pisngi bilang pagbati. "I just want to relax and have some fun. I'm quite bored here. Besides, it's Saturday," aniya na naka-simangot.

"Iho, nakakasama na ata yan sa katawan mo? Nasaan na ang Stephen na halos hindi madapuan ng alikabok? Look at you now?" Malungkot itong nakatitig sa anak dahil sa madilim na hitsura ni Stephen. Nakaitim pa ito ng t-shirt na bihirang mag-suot ng ganitong kulay.

Sa loob lang ng dalawang linggo ay malaki na ang pinagbago ni Stephen matapos ang komprontasyon nila ni Beverly sa park kung saan tuluyan na silang nagkahiwalay. Sinubukan niya sanang makipagbalikan, ngunit tinanggihan lamang siya niyon. Simula noon walang nagpaparamdam alin man sa kanilang dalawa na naging dahilan ng pagiging bugnutin at walang sigla ni Stephen.

Maging kay Sophie ay hindi rin siya nagpaparamdam simula nang makipaghiwalay iyon sa kaniya habang nakaratay siya sa ospital. Gustuhin man niyang makipag-ayos kay Sophie ay hindi pa niya ito kaya dahil wala siyang lakas ng loob na harapin ang dating nobya. Batid rin niya kung gaano niya iyon nasaktan kaya hindi niya muna itong nais na gambalain.

"Ma, I'll be fine. I can handle myself. I'm not a child anymore." Humalik ulit siya sa pisngi ng ina bilang pamamaalam. "I have to go. I'm late!"

Lalabas na ito ng pintuan nang, "Nine o'clock ngayong gabi ang flight ni Baby, in case you didn't know."

Kahit na alam ni Stephen na paalis na si Beverly  papuntang Americaay nagulat pa rin ito. Bigla na lang bumigat ang kaniyang pakiramdam, ngunit hindi nagpahalata. Sinubukan din naman niyang pigilan si Beverly ngunit nabigo siya. Hindi niya nakuhang himukin ang nagmamatigas na damdamin ng dalaga.

Napatigil si Stephen, nilingon ang ina. "What the heck? Let her leave. I've done all that I could, but she is too stubborn. Sinuyo ko na nga siya, ayaw pa rin niya. Hindi ko siya maintindihan." Kumunot tuloy ang noo nito. "Sige po, Ma." Lumabas na si Stephen ng bahay at tuluyan nang pinaandar ang kaniyang sasakyan.

Napailing na lang ang ina habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan. "I hope you won't regret this, my son." Napabuntong-hininga pa ito. Bakas ng ina ang hinanakit na nararamdaman ng anak.

SAMANTALA, habang nagmamaneho si Stephen ay nagtatalo ang kaniyang isipan kung makikipagkita nga siya sa mga kaibigan o dadaanan niya si Beverly. Gusto naman niya sanang makita si Beverly kaya lang ay nag-aalangan naman ito baka mag-away ulit sila at ipamukha na naman sa kaniya ang kaniyang mga pagkakamali. Ayaw na rin niya na magkasagutan pa silang dalawa na ikinasasama lamang ng kaniyang loob.

Nang malapit na siya sa bar na kaniyang pupuntahan ay mabilis nitong pinabalik ang sasakyan at tinahak ang daan papunta kina Beverly. Naging balisa tuloy ito sa kaniyang pagmamaneho lalo pa at napapatigil ito sa mga red lights na nadadaanan, ngunit umaasang maaabutan pa niya ang dalaga.

Ilang sandali pa ay narating rin niya ang apartment nila Beverly. Baba na sana siya ng kotse nang makita niya ang taxi nila Alice na nakaparada sa harapan ng gate ng mga Llamado. Mayamaya pa ay lumabas na si Alvin bitbit ang isang malaking bagahe at inilalagay sa trangkahe ng taxi. Sumunod naman si Beverly sa labas at ang iba pa nitong mga kasamahan sa bahay. Nagpupunasan ng mga mata ang mga ito sa sobrang lungkot habang hinahalikan sila isa-isa ni Beverly. Pagkatapos ay nagmadali na itong sumakay sa taxi. Sa kung anong dahilan ay hindi na si Stephen nakababa.

Nakita niyang umaandar na ang taxi habang panay ang kaway ni Beverly. Nang makalayo na si Beverly, saka niya ito sinundan.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa NAIA. Nag-park si Stephen sa di kalayuan at doon natatanaw niyang bumababa si Beverly habang siya naman ay nanatiling nakaupo at nakahawak nang mariin sa manibela. Marami ring mga taong dumaraan, kaya't pagkaminsan ay natatakpan si Beverly. Hindi na nito napansin ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga pisngi.

Patuloy niyang pinagmamasdan si Beverly habang nakatayo lang iyon at naghihintay iabot ng driver ang kaniyang bagahe. Pagka-abot ng driver ng bagahe ay nagpa-alam na iyon kay Beverly. Nang makaalis na ang taxi ay nanatili pa rin itong nakatayo ng ilang segundo. Si Stephen naman ay parang hindi maikilos ang katawan dahil nagtatalo pa rin ang isipan kung lalabasin niya o hindi si Beverly.

Mayamaya pa ay naglakad na si Beverly papasok ng terminal. Sa huling sandali ay lumingun-lingon pa ito, para bang may hinihintay bago tuluyan nang pumasok sa main door ng NAIA. Nanatiling hindi makagalaw si Stephen. Sa huling paglingon ni Beverly, nakita pa ni Stephen ang pagpunas ng mata ng dalaga hanggang sa pumasok na iyon nang tuluyan sa loob ng terminal.

Unti-unti na ring nawala sa paningin ni Stephen si Beverly. Tanging mga taong naglalakad na lang ang mga nakikikita niya sabay sa mga nagsa-salisihang sasakyan.

Napatingala siya at napahawak sa kaniyang mukha, at pagkatapos hinampas-hampas ng kaniyang dalawang kamay ang manibela sa galit sa kaniyang sarili. Sa tindi ng kalungkutang kaniyang nadarama ay hindi niya na rin napigilang humagulhol habang nakayuko sa manibela. Malakas din ang mga yugyog ng kaniyang mga balikat sabay sa kaniyang pag-iyak. Panay na rin ang agos ng kaniyang mga luha kaya basa na rin ang maong niyang suot.

Habang pinapakalma ang kaniyang sarili ay naisipan niyang hintayin ang pag take-off ng eroplanong sinasakyan ni Beverly. Bandang alas nueve nga ay nagbakasakali ito na isa sa mga eroplano na nasa himpapawid ang flight ni Beverly.

Nangusap ito sa kaniyang sarili habang nakatanaw sa madilim na kalangitan na puno ng mga nagnining-ningang mga bituin. "Malupit ka talaga, Beverly. Wala kang patawad, pero mahal na mahal kita kaya maghihintay ako sa'yo. Pangako, hinding-hindi ko na hahayaang iwanan mo pa ulit ako sa ganitong paraan. I will be a better man, not like this." Huminga ito nang malalim at ibunuga rin ang malakas na hangin naipon sa kaniyang dibdib saka siya nagpa-arangkada ng kaniyang sasakyan.

---


Bon voyage kay Ms. Beverly!!!

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon