NADATNAN ni Stephen sa kanilang bahay ay ina at may kausap itong mga bisita. Mga kumare ito ni Kakay. Nang makita siya ay lumapit ito sa kaniya.
"Kakaalis lang ng Papa mo, nakasalubong mo ba?" bungad ng senyora.
Kahit na aburido si Stephen ay pilit ikinubli ang kabigatan ng kaniyang dala-dala. "Hindi po, Ma." Ngumiti rin siya ng pilit.
"May hihingiing pabor daw siya sa'yo, kung puwede?" Napaisip siya. "Kung may time ka raw bukas, puntahan mo siya sa kaniyang clinic. Nagpapatulong kasi nag-emergency leave 'yong nurse niya. Wala ka naman daw gagawin, titingin-tingin ka lang naman. Kahit isa o dalawang araw lang daw."
"Ma, I can't..." alma ni Stephen.
Agad naman sumingit ang senyora. "Iho, pagbigyan mo na ang Papa mo. He's still your father and besides gusto ka lang niyang makasama. Saka, hindi na ako galit sa Pap mo. Nagka-ayos na kami. Magpaalam ka na lang muna kay Candice." Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, ngunit natuwa naman siya.
"Ipagpapaalam na lang kita kay Candice. Nang marinig niya ang pangalan ni Candice ay biglang nag-iba ang hitsura ni Stephen.
"No need na Ma. I'm not going back there!"
Naalma ang senyora. "Why? Did you have a fight with her?" Nang biglang lumapit ang isa sa mga kumare nito.
"Mare, si Kumareng Gina. Gusto kang makausap." Inabot nito ang cellphone na gamit ni Kakay.
"Hello Kumare? Ikaw na lang ang wala....Okay, see you later""Itinago na nito ang cellphone sa bag. "That's Mareng Mina. Pupunta kami sa isang art exhibit. You better rest, mukhang pagod ka." Tinapi nito ang balikat ni Stephen.
"Ok po, Ma'. Enjoy your night." Humalik na si Stephen sa pisngi at niyakap pa nito ang ina. "Regards to Ninang."
Pagka-alis ng ina ay dumiretso na ito sa kuwarto niya. Mabigat ang katawan at walang kaganaganang umakyat sa hagdanan. Dumiretso na rin ito sa banyo at sandaling nag-shower. Pagkabihis nito ay naupo ito sa kama.
Naalaala niya ulit ang nangyari sa kanila ni Candice. Naaawa siya na naiinis sa ginawa nito sa kaniya. Kahit na gaoon pa rin ay naaawa siya dahil alam niya na nasaktan niya ang dalaga sa pagtanggi nito na ibigin din si Candice. Nanghihinayang rin siya dahil naging maganda naman ang kanilang pagiging mag-kaibigan.
Naiinis naman siya dahil sa tanan ng buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng panghahamak sa kaniyang.pagkatao. Hindi rin niya matanggap na tawagin siyang isang basurang basta itinapon na lang sa lansangan.
Paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Candice. Hanggang sa naririnig niya sa kamiyang isip na pinagtatawanan na siya nito.
"Hindi! Hindi tutuo yan! Hindi ako basura! Mahal nila ako! At minahal ko rin sila!" Sa sobrang sama ng loob bi Stephen ay nagsisisigaw ito.
"Sinungaling ka Candice! You just want to destroy me! Hindi ako papayag na sirain mo ako tulad ng mga ginawa mo sa iba! Hindi nila ako tinapon! Hindi!" Pagkasigaw niya ay pinagsusuntok nito ang kaniyang kama.
Mayamaya ay nanahimik si Stephen. Narinig din niya ang cellphone na nag-ring at galing ito sa senyora.
"Hello Mama?" Napalakas ang boses nito.
"Are you ok, Stephen? You sound mad."
"I'm ok. Pagod lang po ako."
"You have to confirm to your father if you can go to his clinic, if not, hahanap na lang daw siya ng tutulong sa kaniya." Hindi makasagot si Stephen dahil ayaw nitong pumunta. "Tulungan mo na muna, kahit ngayon lang. Gusto ka lang namang makasama ng Papa mo."
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...