Chapter 30 - Kamandag ni Candice

685 23 3
                                    

BINALIKAN ni Stephen sa loob ng bar, pagkahatid niya sa kaniyang ama, ang nadaanan niyang lasing na lalaki. Tama nga siya dahil isa nga ito sa mga matatalik niyang kaibigan.

"Harold?" bati niya. Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit mag-isa lang itong umiinom. Pagkaupo niya ay inayos niya ang ilang bote ng beer na nagkalat sa mesa. "What's going on?"

Napatingin si Harold. "Ikaw pala, P're. W-wala naman. I'm just happy to be alive!" Tumungga ito sa hawak na bote ng beer. Namumula na ang mukha nito at lugmok na ang katawan sa mesa. "Let's celebrate life, P're!" Ngumiti ito ng pilit, ngunit napahagulhol na ito. "P're..."

Tinapik niya ito sa may balikat. "What's wrong? Tell me." Kilala niya si Harold na palikero at ni minsan ay hindi pa umiyak ng labis dahil lang sa isang babae.

"I'm...I'm...broke," sagot nito habang nagpupunas ng mukha gamit ang manggas ng polo. "Nalustay ko na lahat ng mga naipon ko." Mali pala siya, pera pala ang iniiyakan nito. Mahilig kasi itong bumili ng mga kung anu-ano at mamahalin pa.

Nagulat si Stephen. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita ng kaibigan. "What do you mean you're broke?" Naalala rin niya na mahilig ito sa sugal kaya siguro nalubog ito sa utang. "Sabi ko na sa'yo na tigilan mo na 'yang kasusugal mo."

"Please, not today. H'wag mo na akong sumbatan." Nanahimik siya dahil hindi nga makakatulong ang panunumbat niya dito.

Nagpatuloy si Harold. "Two months ago, I met this lady. She's pretty, intelligent, rich, and so hot, Pare!" Masigla at namumungay ang mga mata nito habang inilalarawan ang babae. "She's the woman men will desire. lalo na pagdating sa kama, Pare, the best siya!"

"You slept with her?" takang tanong niya.

"Yup! That's why I went crazy about her. Akala ko one night stand lang, pero she contacted me again. To make the story short, naging kami, Bro! Ang bilis nga. Ang hindi ko akalain, gagawin lang pala niya akong miserable." Tumungga ulit ito ng beer.

Kinabahan kaagad siya na maaring si Candice ang tinutukoy nito. Hinayaan niya muna itong magpatuloy.

"Noong una wala siyang hinihingi sa akin, in fact, siya pa nga itong bigay ng bigay ng regalo. Look at this." Ipinakita nito ang suot nitong relo. "Regalo ni Charice sa akin. Rolex watch 'to! Kaming dalawa ang pumili nito. I checked this out also, it's genuine. 'Yong bigay niyang sapatos, genuine leather. And a lot of things."

"Charice ba ang pangalan niya?" tanong niya.

"Oo. Charice delos Reyes. Nagkakilala kami sa isang art museum. She's an artist and also an art collector, kararating lang niya from New York." Mas lalo siyang kinabahan dahil isa ngang artist si Candice bagama't sa London ito galing.

"And then what?"

"She was really generous. Siyempre, pakitang gilas din ako, shopping galore kami. I doubled and even tripled what ever she gave me. Signature bags, clothes, shoes, jewelries, anything she likes, I'll buy it. I was really happy at the start of our relationship, parang hindi ako mauubusan ng pera sa kakabili namin. One time, yinaya niya akong mag-casino. I already stopped, Bro, but I couldn't say no to her. Noong una, lagi kaming panalo. Then, I begun losing money, hanggang sa sunud-sunod na ang kamalasan ko. I started borrowing money from her, pinautang naman niya ako. Hindi ko akalain na umabot na sa mahigit limang milyon ang utang ko sa kaniya. Then she became cold to me, and she started dating other men. She denied it, but I can sense that she was lying. Tapos kahapon, bigla na lang siyang nakikipaghiwalay at sinisingil na niya ako. And I don't have that kind of money right now. May mga utang pa nga ako sa credit card ko na almost a million, Bro." Nagpunas ulit si Harold ng mukha. Awang-awa naman siya dito. "I'm planning to sell my car pati 'yong unit ko." Napasinghot pa ito.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon