Chapter 1 - Oh My Mama

2.7K 51 0
                                    

"STEPHEN! It's Monday and it's past seven. Papasok ka ba?" bulyaw ni Kakay sa kaniyang anak. Kinatok niya ulit ang pinto nang malakas. "Iho, please open this door! Ano bang nangyayari diyan?" tanong nang may pag-aalala nito.

Bumukas ang pinto ng bahagya, "Sorry Ma, I over slept. Di kasi ako nakatulog kagabi." Inaayos-ayos nito ang mga nakatayong buhok gamit ang kaniyang kanang kamay. Halatang kagigising lang. "Ma, I forgot to tell you. I just resigned from work."

Nanlaki ang mga mata ng senyora at bumagsak ang panga nito. "What? Why did you resign? Ngayon ka pa nag-resign kung kailan kahihiwalay niyo lang ni Sophie at kaaalis lang ni Beverly. You have to be busy, Iho. Huwag ka ditong magmukmok."

Tama nga ang ina. Isang buwan pa lang ang nakakaraan magmula nang umalis si Beverly papuntang America. Alam niyang hindi makakatulong ang pagmumukmok ni Stephen sa kanilang bahay.

Itinulak na ng senyora ang pinto at humakbang ito ng dalawa papasok ng kuwarto. Napatabi si Stephen na naka short at sando lang. Sumisinghot-singhot ito dahil sa sipon. Tiningnan ng senyora si Stephen habang nakatayo pa rin ito sa harapan niya.

"I can't think straight on my work, Ma. The people there are so demanding. Feeling ko pinag-iinitan pa nila ako. I need a break. I hope you understand. Ayaw mo naman ako sa call center, right?"

"Hay naku Sephen. Ngayon magmumukmok ka dito sa bahay? For what? You'll be thinking of those two ladies again. You'll be desperate here." Nakataas na ang dalawang kilay ng senyora.

Kakamot-kamot lang ng ulo si Stephen."Ma, I'll be fine."

"Hala! That's what you want! Just don't do silly things like committing suicide." Napaikot ang mata ni Aling Kakay.

Nagulat naman si Stephen. Hindi niya akalain ganoon ang iniisip ng ina. "What? Of course not! I'm not that stupid!" Sa unang pagkakataon ngumiti ang binata.

"Is that a promise, Iho?" Nakadilat ang nga mata nito.

"I promise." Lumapit pa ito sa ina.

Napalitan ng lungkot ang mukha ni Senyora Kakay. "Iho, I couldn't afford to lose you. You're the only one left for me. At ang promise mo sa akin noon?"

Napaisip si Stephen. Sa dinami-dami nang pinangako nito sa ina ay di na niya ito maalaala. "alin doon?"

"See? Nakalimutan mo na? Na bibigyan mo ako ng maraming apo."

Bigla ulit itong natawa. "Of course, Ma! Bibigyan kita nang maraming apo!"

Naglakad pa ang senyora papasok at naupo sa kanto ng kama. "How are you going to fulfill that? Wala kang ngang girlfriend ngayon," aniya habang nakatingala kay Stephen.

"I'll find one." Kinindatan niya ang ina.

Napabuntong-hininga ang senyora. Alam niyang hindi seryoso sa sinabi niya si Stephen, at hindi pa ito handang pumasok sa panibagong relasyon.

Tumayo na ang senyora."Ok. Prepare yourself and we will have our dinner. I'll wait for you downstair. Tidy up now. Hurry! Masarap ang ulam natin." Naglakad na ito papalabas ng kuwarto.

"Ok Ma." matamlay na sagot ni Stephen. Wala kasi siyang ganang kumain.

Naiwan na si Stephen sa kaniyang kuwarto. Nagpunta ito sa banyo para mag-shower. Habang nakaingala sa tumutulong shower ay ramdam nito ang pagtulo rin ng kaniyang mga luha.

Sariwa pa rin ang sugat sa puso ng binata. "What have I done? I lost Beverly and now I couldn't go back to Sophie either. I hurt both of them." Napagbalingan na lang nitong hampasin ang dingding ng banyo. Wala siyang magawa kung hindi sisihin nang sisihin ang sarili kung bakit siya nag-durusa. "Isa akong duwag! Puwede naman akong mamili, pero hindi ko magawa. Tama si Beverly, Sophie left me and now I'm running to her. Damn! I hate myself. This is my punishment. I deserve this." Napayuko na lang ito habang malakas na pumapatak ang tubig ng shower. Sa ganito na lamang niya muna maitatago ang kaniyang pagtangis.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon