Chapter 39 - Grounded Stephen

692 31 4
                                    

ILANG sandali pa ay nasa bukana na sila papalabas ng Eme Road. Ang hindi niya alam maraami ang nakaabang sa kanila. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga tao sa oras na ang sasakyan niya ang unang makita na mga ito? May mga umaasa pa naman sa pagkapanalo ni Apollo, ngunit mabibigo niya ang mga ito. Sana lang matanggap nila ang resulta ng kanilang laban.

Nang makita ng mga tao na papalabas na ang kaniyang sasakyan ay may ilan na  naghiyawan dahil sa wakas ay natapos na ang paghihintay ng mga ito. Napatulala pa ang iba nang makitang hila-hila nang patalikod ang sasakyan ni Apollo.

Wala namang kamalay-malay si Apollo na nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Gigisingin na sana niya ito  nang humito na sila, ngunit nagising na rin ito.

Pagkatingin nito sa kaniya. "We're here," sabi niya. Napatango na lang si Apollo.

Inihinto niya ang sasakyan malayo sa finish line para hindi siya madeklarang panalo at walang matatalo sa mga sumugal. Lumabas siya at pumunta sa kabilang pintuan para alalayan si Apollo, ngunit tumanggi ito at pinilit lumabas nang mag-isa. Tahimik lang ang mga tao sa panonood.

"This race is over. Umuwi na kayo!" matapang niyang paglalahad. Maging si Apollo ay kumumpas ng kamay para pauwiin ang nga tao. Unti-unti namang nagsisiuwian ang mga manonood.

Agad namang nagsilapitan sa kanila ang ilang kalalakihan na kagrupo ni Apollo. Inutusan nito ang dalawa na tanggalin na ang lubid at ibigay kay Stephen at asikasuhin ang sasakyan nito. Ilan sa mga tauhan nito ay nagpakita sa kaniya nang pagka-antipatiko at ang iba ay nanlilisik ang mga mata sa kaniya. Agad naman silang sinaway ni Apollo. Mayamaya pa ay may lumapit pa na isang lalaki kasama si Brenda.

"It's obvious that you've beaten me, so I'm setting her free." Hindi siya makapaniwala. "And you car, B, is that her name?" Napatango siya. "She's still yours," walang siglang sabi ni Apollo dahil na rin siguro sa pagkabigo nitong makuha ang kaniyang Lamborghini. Napakibit ng balikat ito. "This is it, sometimes you lose, sometimes you win, despite all the effort."

Kamuntik na siyang mapatalon at mapasigaw sa sobrang saya sa mga narinig niya, sa halip ay napatingala siya at napasalamat sa Diyos. Kinabahan din siya na baka gulangan na naman siya at yumabang ulit lalo pa at marami na itong kakampi sa paligid. Halos maluha siya dahil sa mga nangyari sa kaniya ng araw na iyon, ngunit nagpigil siya at baka kantiyawan pa siya ng mga kasamahan nito.

Tinapik siya ni Apollo sa balikat. "Masamang damo ako, but you know, marunong akong tumanaw ng utang na loob."

Sa kaniyang labis na kasiyahan ay hindi siya nakapagsalita dahil din sa pagtataka kung bakit biglang bumait ito sa kaniya, malayung-malayo sa garapal at masamang ipinakita nito noong laban nila. Animoy may isang anghel ang sumapi dito. Hindi kaya resulta ito nang pagkakabagok ng ulo nito sa kotse? Marahil, iyon na ang himalang ipinagkaloob ng Diyos na kaniyang hiniling.

"Ayaw mo ba?" galit-galitang sabi nito. "O gusto mo pang kunin ko ang Lambo mo?" Napangiti ito sa kaniya. "Alam mo kanina, napag-isip ko, I admire your guts, somehow! Fighting me beyond my advantage for the sake of your friends? That's so unusual!" sabay tapik nito nang malakas sa may balikat niya.

"Maraming salamat, Apollo." Iyon lamang ang nasabi niya sa mabubuting sinabi nito. Sa dinami-raming nangyari sa kaniya ng araw na iyon ay halos wala na siyang maisip sabihin. Nanghihina na rin ang kaniyang isip at katawan.

Tahimik na lumapit si Brenda sa tabi niya habang papalapit din si Sony. "Brenda!" sigaw ni Sony. Huminto si Brenda sa tabi ni Stephen at nang makalapit na si Sony ay yinakap nito si Brenda. "Thank God your safe now!" Napayakap naman si Brenda kay Sony.

"Are you not going to see a doctor?" tanong niya kay Apollo. Tinuro pa niya ang noo nito.

"Wala ito. Malayo ito sa bituka!" Natawa pa ito.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon