Chapter 11 - Hot Chicks

1.1K 25 0
                                    

LUMABAS na lang ng kotse ang babae nang mapansin na tinalikuran agad ito ni Stephen. Hinabol siya nito, at tinawag. "Hey, wait!" Pag harap  niya. "So it's you? The man who doesn't seem to be bothered by those two jerks," sarkastikong sabi nito sa kaniya.

"Excuse me?" Nakakunot ang noo niya.

"Oh, I'm sorry. I didn't mean to be rude. Nakakainis lang kasi..." anito.

Nilapitan na ito ni Stephen, saka lang siya ngumiti. "Oh no, it's ok. Pasensiya na rin. I thought you don't want to be disturb so I decided to leave you."

"Can you imagine those guys fighting for a trophy or for whatever price they got? How pathetic, right?" tanong nito nang nakangiti rin.

Hindi na umimik si Stephen sa sinabi ng babae. Para sa kaniya, kung sakali siya ang nasa sitwasyon, ang habol lang niya doon ay hindi ang premyo kung hindi ang karangalan para sa probinsiyang nirerepresenta niya. "I think you dropped this?" Kaagad nitong inabot ang journal sa babae.

Nagtaka ito sa inabot na journal ni Stephen. "Gosh! Yeah, this is mine." Nang makuha na ng babae ang journal, "I'm really having a bad hair day! Una, hindi ako nakasama sa fun run kaya nag-jogging na lang ako. Tapos, may dalawang lalaking magpapatayan sa harapan ko. Gusto pa ata nila akong isama sa hukay? Ngayon naman hindi ko alam na nalaglag na pala 'tong journal ko. Clumsy me!" Natawa ito. "You know how important this is for me? Kung anu-ano pa naman ang sinulat ko dito. Buti na lang naibalik mo kaagad sa akin. How can I repay you?"

"It's ok. Don't bother!"

"Are you sure?" Tumango lang si Stephen. "Well, thank you so much. Candice, I'm Candice Peralta." Inabot nito ang kamay kay Stephen habang naghihintay ng sagot.

"Stephen, Stephen Aquino," sabi niya habang nakikipagkamay.

"Nice meeting you, Stephen." Madiin ang pagkakapisil nito sa kaniyang kamay. Ganoon din naman siya.

Mukhang malakas ang mga muscle nito, palibhasa may pagka-athletic ito, sabi pa niya sa sarili. Maganda kasi ang hurma ng mga muscles nito sa mga braso. "Hello po Miss Candice." Saka sila nagbitawan ng kamay.

"You ha? Kung maka-po ka para bang sobrang tanda ko na sa'yo. How old are you na ba?"

"Twen-ty six na," alanganin niyang sagot.

"A, a, a, don't you po me. Gosh, why do we have this po thing here? It makes me old. Ganoon na ba ako katanda?" biro nito. Natawa na lang si Stephen. "Anyway, five years lang naman pala ang tanda ko sa'yo. And thank you so much for returning my journal. I owe you one. I just hope you haven't read anything. Naku, nakakahiya kung nabasa mo 'yong mga secrets ko dito."

"Your secrets are safe. I haven't read a thing so don't worry," sagot ni Stephen.

"I believe you naman."

"Sayang pala, you weren't there at the fun run," aniya.

"Ah? So you were also there? Teka, don't tell me sa'yo 'yong yellow Lambo?" Napalingon si Candice sa sasakyan ni Stephen. "Is that a Gallardo?" Tumango si Stephen. "Nice car, huh? My husband, ex-husband rather, has Aventador. When I passed your car, I couldn't help but miss his car. Take note, his car!" Sabay na napangisi ang dalawa.

Alam ni Stephen na mas mahal na klase ng Lamborghini na iyon kaysa sa kaniyang sasakyan. Higit pa sa doble ang presyo noon. Naisip niya tuloy na baka multi-millionaire ang dating asawa nito. Kahit na naiintriga siya ay hindi na niya ito tinanong pa. Ganoon pa man ay napahanga pa rin siya. "Wow, that's cool!"

Bigla humampas sa hangin si Candice. "Ano ka ba? Pare-parehas lang ang kotse. Nasa nagmamaneho lang din 'yan. Kahit anong gara ng kotse mo kung hindi mo naman kayang paandarin, the way it's meant to be, it's useless. Saka hindi bagay yon dito, ang liit ng kalsada at maraming sasakyan kahit na nga sa national highway." Saka lang niya naisip na hindi talaga taga dito ito. Pati ang pananalita nito, may katigasan ang tono bagamat ayos naman ang pananagalog. Siguro bakasyonista ito o balikbayan.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon