"SUSPENDIDO ang klase ngayon sa lahat ng antas ng eskuwelahan dito sa buong Metro Manila dahil sa malakas na ulan dulot ng bagyong si Elsa. Ayon sa latest forecast ng PAGASA ay signal number one pa lang tayo at maaaring---"
"Ngayon pa talaga bumagyo kung kailan paparating na si lalabs ko," inis na sambit ni Stephen. Kabababa lang niya mula sa kuwarto.
"H'wag ka ngang maingay diyan at nanonood ako," saway ng inang si Kakay. Naupo naman siya sa sofa upang manood na rin. Dahil sa masamang panahon ay napilitan na lang din ang mag-inang kanselahin ang kani-kanilang mga lakad. "May flight pa naman ako bukas papuntang Catanduanes kasama sila Mareng Viola sa beach ng manugang niya. Gusto ko pa namang makapunta do'n. Might cancel it as well." Napatango lang si Stephen sa sinabi nito.
Napansin nitong nakasimangot siya. "Bakit ba aburido ka na naman? Wala ka namang importanteng lakad. At sinong 'yong sinasabi mong paparating? Sinong lalabs?" Pinatay na lang nito ang tv gamit ang remote.
"Ma, have you forgotten what Kuya Philippe just said before he left, my Bebang is coming and not that Elsa!" dismayado niyang sabi. Kakahatid lang niya kay Philippe sa airport papuntang Canada, tatlong araw na ang nakalipas. Tuwang-tuwa nga siya sa ibinalita ni Philippe. Ang akala pa niya ay binibiro lang siya nito.
"I see." Pigil sa pagtawa ang ina dahil sa hitsura niya na parang batang inagawan ng kendi. "Pinagdidiskitahan mo talaga ang panahon. Kailan nga pala ang dating ni Beverly?"
"This week na nga sana, e kaso baka ma-post pone 'yon."
"Well, it's the call of nature. Kung nakapaghintay ka nga ng dalawang taon, ano ba naman 'yong ilang araw na paghihintay?"
"'Mas nakakasabik kayang maghintay ng araw kesa sa taon. Parang taon kasi ang isang araw!" Kung alam lang ng ina na ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maigi simula nang mabalitaan niya ito.
Napakibit na lang ng balikat si Kakay. "Is there anything you can do about it?" Wala siyang naisagot. Para hindi tuluyang masira ang araw niya ay iniba na lang nito ang usapan. "Mami-miss ko na naman 'yang Kuya Philippe mong 'yan. Such a good man." Tiningnan siya nito habang pinagmamasdan niya ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ng glass wall nila. Lumulipad sa labas kasi ang kaniyang isipan. "He deserves someone. Bakit kasi hindi pa mag-asawa 'yang pinsan mo ulit para naman may nag-aalaga na sa kaniya?"
Muling nabaling ang tingin niya sa ina. "Hindi na raw siya mag-aasawa ulit. He's happy naman daw. Sapat na raw sa kaniya ang kapatawaran ni Beverly. Ilang taon din kasing naghirap ang kalooban niya sa nangyari sa kanila. Saka...He trust me raw." Napangisi siya. Napataas naman ng kilay si Kakay. "Pero kapag sinaktan ko raw ulit si Beverly, he'll take her away from me." Natatawa niyang sabi.
"Aba! At talagang may usapan kayong ganiyan na magpinsan!" nakangiting sabi nito. "Para ka atang nakakasiguro na magkakabalikan kayo? Pa'no naman kung hindi?"
"By hook or by crook, I'll win her back!" maangas niyang sabi.
"You better hurry! Alalahanin mo, Beverly is not getting any younger. She has to catch up."
May punto ang kaniyang ina kaya napahugot siya ng malalim na hininga. "Sayang nga, e. Siguro kung hindi siya nagmatigas, may anak na sana kami. On the other hand, blessing in disguise na rin po ang nangyari kasi I had so many realizations."
Tatango-tango lang si Kakay. "Yeah. And you all need some space that time." Napabuntong hinga rin ito. "Kung alam lang niya ang mga pinagdaanan mo? At kung paano ka nagpaka-hero para sa mga kaibigan mo. But I think, she will be proud of you."
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...