NADATNAN ni Stephen sa may sala ang kaniyang ina na abalang nag-aayos ng mga bagong dating na alahas na nakalagay sa isang attache jewellery case. Para makaiwas sa pag-uusisa ng ina ay nagdahan-dahan itong naglakad papuntang hagdanan sa pagaakalang hindi siya mapapansin dahil nakatalikod ito sa kaniya.
"Where have you've been, Lord Randall, my son? Where have you've been my handsome young man?" tanong ng senyora. Linya ito mula sa isang tula.
Malapit na sana siya sa may hagdan kaya pumihit at lumapit na lang si Stephen. "Galing po ako kina Harold. They gave me a birthday bash, sort of a surprise," pangisi niyang sagot. Nang nasa tapat na siya ay humalik ito sa pisngi. Dumampot si Stephen ng isang singsing. "Wow! Bagong delivery po? Ang dami nito, a?" Umupo ito sa tabi ng ina.
"Oo, Iho." Tumingin naman ang senyora kay Stephen. "I've been calling you, but you were not answering?" nagtatampong tanong ng senyora.
Ibinalik ni Stephen ang singsing sa lalagyanan saka niya tiningnan ang kaniyang cellphone. Nakita nito ang tatlong missed calls galing sa ina. "Sorry po, I forgot to call you. Nagkainuman kami, e."
Tumingin ulit kay Stephen ang senyora at may nakita itong dalawang maliliit na kiss marks sa leeg "Hindi lang ata kayo nag-inuman. At mukha ngang nag-enjoy ka? Ayan o, nag-iwan pa siya sa'yo ng souvenir?"
Sinalat niya ang kaniyang leeg. Biglang namula si Stephen. Hindi niya ito napansin nang naliligo siya kina Harold. Nakatitig lang ang ina, hinihintay ang sagot.
"Ma, alam mo naman na mga barako 'yong mga friends ko..."
"And so..?"
"They gave me a girl," nahihiyang sagot niya. Para makaiwas sa pag-uusisa, ibinaling nito sa iba ang usapan. "Ma, how can you tell the fake from the real gold just by merely looking at it?"
"Hindi 'yon ganoon kadali kasi may mga mukha talagang ginto. It takes a lot of experience." Napatingin ito sa taas at nag-isip. "You know what, Gold has a soul unlike the fake ones. It has a certain glow." Kumuha siya ng isang singsing at itinapat niya ito sa liwanag habang ipinapakita niya kay Stephen. "Pag tinatamaan ng liwanag ang gold, hindi siya ganoon ka kintab, pero hindi naman siya ganoon ka-dull. Look?" Tinapat niya ito sa liwanag galing sa labas at ginalaw-galaw niya ito. "See? Kaso wala akong fake. Yong fake kasi masyadong makinang, tapos ilang araw lang kupas na."
"Just like the saying, not all that glitters is gold." Tumango ang ina. "E, paano kung hindi ka sure?"
"Gagamitan ko na ng iba't ibang methods para masiguro. Iyon talaga sigurado ka na doon."
Tatango-tango siya. "Aaa...?" May naalaala ito.
"Bakit Iho? May naalaala ka ba."
"Kaya ganoon na lang ang impression mo nang makita mo si Beverly?" Napangiti ito sa ina.
"Bakit naman napasok sa usapan natin si Beverly?"
"Mas gusto mo siya kaysa kay Sophie, di ba Ma"
"Tama ka. Pati sa pagkilatis ng tao, nagagawa ko na rin. I have nothing against Sophie. She's also a gem. Nakagaangan ko lang kaagad si Beverly ng loob." Tumango si Stephen. Alam niyang magkaiba ang dalawa. "True beauty is like a gem. It comes from within and it stays forever. While beauty that is skin deep is like a fancy jewellery. It can fool you easily, only to find out that it's just temporary." Nanatiling nakatitig si Stephen sa ina. Interesado sa mga sinasabi nito. "Alam mo ba kung paano nagiging pure ang gold?"
Umiling si Stephen. "Pa'no?"
"During the ancient time, noong hindi pa uso ang mga chemical procedures, they purify it by melting it in extreme heat. Papakuluin nila iyon ng papakuluin hanggang sa mawala ang mga nakahalong ibang chemicals. Di sila titigil hanggat hindi nila makita ang kinang na hinahanap nila. Kaya kasing tunawin ang mga impurities na nakahalo sa gold ng matinding apoy. Ganoon din sa ating mga tao kapag sinusubok tayo ng Diyos "
![](https://img.wattpad.com/cover/89724809-288-k891587.jpg)
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...