Chapter 20 - Candice Da Who?

906 25 2
                                    

NAPAYUKO na lang si Candice sa hiya. Dahan-dahan na itong nagsalita. "Yes, Stephen, I am that girl. I'm Clarissa Martinez, the girl they raped."

"Oh my god," sabi niya ng walang tinig sa pagkagulat. Hindi niya malaman kung paano niya ito kakausapin. Ngayon lang siya nakaranas makarinig ng isang trahediya at sa babaeng nabiktima pa ng panggagahasa.

"Hindi mo na kailangan pang sabihin ito. This might hurt you more."

Humarap ito sa kaniya. "No, I want to be honest with you. It's the only thing I can get real friends. Ewan ko ba, ang gaan kasi ng loob ko sa'yo. Maybe because you're a nice person. Para kasing ang inosente mong tingnan."

"Akala mo lang 'yon." Napatikhim pa siya.

Muling nangusap si Candice at napatingin na naman sa may bintana, malayo sa kaniya ang isip. "Suzzie and I were on our way home from school. We were second year med student that time. Biglang dumating si Polo. Yinaya niya kami ni Suzzie kasi birthday niya. Nagpa-iwan si Suzzie dahili Mid-term namin kinabukasan. Buti na lang din kung hindi pati siya nadamay. And I can never forgive myself for that."

Si Suzzie, ang panganay nila Sophie. Naikuwento nga ito noon sa kaniya ni Sophie nang nakikipagkaibigan pa lang siya dito.

Nagpatuloy ito. "He brought me to his friend's beach resort sa Batangas, tapos kasama namin 'yong apat niyang friends. They were drinking and at the same time smoking pots. Pati nga ako gusto nilang tumira noon, pero hindi ako pumayag. Napahiya si Polo kasi paminsan-minsan I smoke pots with him. Napipipilitan lang naman ako. Feeling niya napahiya siya lalo na nang pinagtawanan siya ng mga barkada niya. Mas lalo siyang nagalit nang niyaya ko na siyang umuwi kasi magrereview pa ako. Hinila niya ako papuntang kuwarto. Then he hit me so many times, tapos doon niya na ako ni-rape. I was almost unconscious out of exhaustion, but then I saw his friends coming to me and started..." Napahinto ito. "Mga hayop sila!" Nanginginig na sabi ni Candice. Nakakumo ang mga kamay nito sa ibabaw ng kaniyang mga hita at naninigas ang mga panga. "What else can I do? Wala na akong lakas at wala akong laban sa apat na 'yon. Ni boses ko wala na rin." Napapiyok pa ito.

"The next day, hinatid pa ako ni Polo sa bahay namin. Pinagbantaan niya ako na huwag magsusumbong. But I called Suzzie right away. Sinamahan niya akong magpa-medico-legal at magpa-blotter. Naglakas-loob na rin akong sabihin kay Papa, pero ako pa ang sinisi niya. Ang landi ko raw kasi, katulad din daw ako ng nanay ko." Napabuntong-hininga ito.

"I can't blame him. My mom got pregnant by another man, but she died during her labor. Namatay din 'yong baby. Kaya galit na galit din 'yong Papa ko sa akin. He used to love me, but after what happened to my mom, he begun hating me. When he married again, he had two children, a boy and a girl. From then on, I was begging for his love and attention."

"I took up Medicine to please him and I exceeded in my grades, Pero lahat ng iyon binalewala niya. During those times, Polo was there. He was a good man at the beginning of our relationship. Masaya kami noon. Nang maging senador na ang lolo niya unti-unti siyang nagbago. Sumali na siya sa fraternity and begun his own gang. He started smuggling small things like computers, appliances, cellphones. Ngayon, big-time na siya. Mga vehicles na, luxury and sports cars pa nga. What do you expect, may protection siya from the higher-ups. He's such a spoiled brat by his parents. Nag-iisang lalaki 'yon at bunso pa."

"Ayaw naman niya akong bitiwan kahit na gusto ko nang makipaghiwalay sa kaniya. But after that incident, iniwasan na niya ako. Pinandirihan na niya ako dahil sa kababuyang ginawa niya. Walang hiya siya!" pasigaw nitong sabi. Hindi na rin nito napigilan ang pagtulo ng luha nito sa pisngi. Agad naman itong nag-punas.

"Wala akong mapuntahan, kahit mga kamag-anak ko, ayaw nilang masangkot sa iskandalo. I felt so alone, but Suzzie and her family took me. They were all supportive of me. Doon ako tumuloy, pati kuwarto ni Sophie pinahiram pa sa akin." Napakurap ng mata si Stephen nang mabanggit ito ni Candice.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon