Chapter 5 - Happy Feet Nga Ba?

1.4K 37 0
                                    

TAKANG-TAKA si Stephen nang magising ito na may katabing isang babaeng nakahubad. Nakatalikod ito sa kaniya habang mahimbing pa itong natutulog. Lalo pa siyang nagulat ng pati siya ay wala ring saplot. Natatakpan lamang ang dalawa ng kumot na nakapilipit sa kanilang katawan.

Agad itong bumangon dahil sa malakas na sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha mula sa bintana. Dali-dali din niyang pinulot isa-isa ang kaniyang damit na nagkalat sa may sahig. Taranta itong nagbihis at nagmadaling lumabas, ni hindi man lang tiningnan kung sino ang babae kaniyang nakasiping. Bago ito makalabas ng kuwarto ay napahawak pa ito sa kaniyang sentido dahil bigla itong sumakit.

Paglabas niya sa sala ay nakita niya si Harold sa may sofa na natutulog. Nakita rin niya ang mga nagkalat na mga bote ng beer, plato at kubyertos na kanilang pinagkainan, at pati na rin upos ng sigarilyo sa paligid ng condo . Saka pa lang niya naalala na sa kaniya pala ang naganap na birthday party noong gabing iyon.

Umupo muna siya sa sofa habang pinagmamasdan si Harold. Natawa pa siya sa hitsura ng kaibigan. Nakadapa ito at nakalaylay ang isang kamay sa sahig. Nakahubad din ito ng pang-itaas.

Habang hinihintay niyang magising si Harold ay unti-unti niyang naalaala ang mga nangyari nang gabing iyon pati ang mga nangyari sa kanila ng babaeng nakasama niya sa kuwarto.

"I can't believe this just happened to me." bulong niya. Napailing din siya sa kaniyang kadismayahan sa sarili. Pakiramdam niya ay para siyang nagising sa isang bangungot.

Mayamaya ay nagising na si Harold. "Bro, gising ka na pala?" tanong ni Harold na dahan-dahan namang bumabangon para umupo. Maging ito ay napahawak sa ulo.

"Grabe talaga kayo! It was really unexpected, but thanks anyway." Nginitian niya si Harold. "But you should have not brought that girl. I don't want to get involve muna or even get near with girls." Kumunot ang noo nito at napakamot pa ng ulo.

"Can you stand without girls? E, alam na alam natin na habulin ka talaga. Nakakainggit ka nga kasi lagi ka noong may chicks, until Sophie came. Tapos nagulat na lang kami nang biglang sumingit yong si Beverly sa eksena."

Napangisi si Stephen sa kaniyang narinig. "That was me and I'm not going back to that kind of lifestyle. I'm trying to fix my life now. I want to be more responsible. I'm not getting any younger. Bro, hanggang ngayon wala pa akong napapatunayan." Napabuntong hininga siya.

"Hold it, Bro! Huwag mong maliitin ang sarili mo just because of some mistakes. And remember, we're here for you, at kahit ilang babae pa ang umiwan sa'yo. And Bro, it's been a while. Move on na!" Sandaling napahinto at sumiryoso ang mukha ni Harold. "We really can't believe you will fall for that lady Beverly of yours." Muntik pa itong matawa.

"I know. Kung ako nga hindi ko rin ini-expect. Siguro, maiintindihan niyo lang ako kung kayo ang nasa kalagayan ko."

"Please, spare me," sabi ni Harold nang may pagka-asiwa. "I can't see myself with an older lady." Nang makita ni Harold na medyo naiirita na si Stephen ay ibinaling na lang niya sa iba ang usapan. "Anyway, naisipan namin yong girl iregalo, baka kasi makalimutan mo na yang si Manoy mo?" Malisyosong tumingin ito sa baba ni Stephen.

"What?" Napangisi si Stephen. "That will never happen!" Sinipa pa niya ang paa ni Harold. "Baka ikaw?"

"Ay type!" biro nito nang pinababae. "Ang tanong, nag-enjoy ka ba kagabi?"

"Sira ka talaga, 'no?"

Napatigil sila nang bigla na lang lumabas ang babaeng binayaran nila. Saka lang natingnan nang maigi ni Stephen ang hitsura ng babae. Bukod sa maganda ay maumbok ang katawan nito. Katamtaman lang din ang taas. Hindi rin mapagkakamalang isa itong bayarang babae.

"Mga sir, I gotta go na! If you need me next time, just text me. I will be here." Habang sinasabi ito ng babae ay walang kakurap-kurap ang dalawang lalaki dahil sa mapang-akit nitong boses. Hindi nga nila napansin na nasa may pintuan na ito papalabas na ng pinto. "See you again lover boys. Happy birthday ulit, Ste-phen. Muah!" Nagpakawala ito ng tig-iisang flying kiss kay Stephen at Harold bago nito isinara ang pinto.

"Wow!" Namimilog ang mga mata ni Harold. "Siguro nag-enjoy sa'yo, Bro? Kahapon kasi, habang wala ka pa, tahimik lang siya. Sino ba naman ang hindi tatamaan niyan sa'yo? Ano nga bang name no'n?"

"Malay ko? Pagkatapos niyo akong lasingin."

Naalala din ni Harold ang pangalan ng babae. "Brenda! 'Yon nga!"

"Baka naman may sabit tayo diyan?"

"Don't worry. Siniguro kaya namin na may health card siya. College student naman yon, ano? Nag-part time lang siya kagabi dahil kapos daw si Ate." Natawa pa ito. "Ikaw pa? Alam naming health conscious ka at takot sa germs!" sagot nito habang inuubo.

"Mahirap na magka-STD. Yuck!" bulyaw niya.

Binato ni Harold ng t-shirt niya si Stephen. "Yuck ka diyan! E, bigay na bigay ka nga kagabi habang sinasayawan ka niya sa harapan. Lalo na nang nag-lap dance yon." Umubo ulit ito habang tumatawa.

"Are you kidding me?" Ayaw niyang magpahalata na nag-init nga siya ng gabing iyon kaya iniba niya ang usapan. "Malala na ang TB mo, Bro! Buti pa magpa-check up ka na! Amoebiasis? Ulol!"

Naligaw naman si Harold, "It's their idea, not mine!" ngunit bumawi ito. "At least, 'yong sakit na TB may gamot, pero ang sakit mo sa puso, wala!" Tumawa din ito ngunit mas malakas.

Sandali pa ay kumalam na ang sikmura ni Stephen. "I'm hungry na, Bro. What do we have for breakfast?"

"Naubos yata ang energy mo kagabi, ha? Naka-ilang rounds ka ba?"

"Sira ulo! Wala! Hindi ko nga maalaala!" Namula na ito ng tuluyan.

"Ako, maloloko mo? Namumula ka na nga diyan." Tumayo na si Harold habang pinagtatawanan si Stephen. "Alam ko naman na di ka aamin kaya mabuti pa, let's prepare our breakfast. After that, you help me clean up the place."

"Shoot!" Tumayo na rin si Stephen.

Isang CPA si Harold at nagtatrabaho ito sa isang malaking construction company sa Makati. Ang tinutuluyan nitong condo ay pagmamay-ari ng kumpaniyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Kaklase niya ito noon sa Law pero hindi na nito ipinagpatuloy nang iwan din ito ng nobya niya dahil sa pambababae. Kahit na may pagka-pilyo ito, siya ang madalas kasama at kausap ni Stephen. May hitsura si Harold. Maitim at matangkad, yon nga lang may katabaan dahil sa palainom ito umiinom.

Habang papunta sila sa kusina, "Thanks Bro sa love mo sa akin," biro ni Stephen.

"Baliw! Drama King ka talaga, masyado ka kasing hopeless ronantic kakapanood niyo noon ni Sophie ng mga drama." Sabay palo niya nang malakas sa puwet ni Stephen at saka ito tumakbo papuntang kusina. Sumunod na rin si Stephen sa kaniya.

NAGPALIPAS pa si Stephen ng ilang oras kina Harold. Pagkatapos mananghalian ay umuwi na rin ito. Habang nagmamaneho siya pauwi, naalala na naman niya si Beverly. Naisip niya tuloy na sana hindi na lang niya pinatulan ang mga kalokohan ng kaniyang mga kaibiga. Sana hindi siya bumigay sa pag-uudyok ng mga ito, pero talagang mahina pa siya pagdating sa nga ganitong tentasyon. Hindi pa niya kayang pigilan ang kaniyang sarili.

Napailing siya habang nagmananeho dahil kung kailan naman sinisikap niyang ayusin ang buhay niya ay lalo siyang napapariwara. Hindi naman niya masisisi ang mga kaibigan dahil gusto lang naman siya nitong aliwin.

Nang huminto ito sa isang red stop light ay, "What's wrong with you Makoy?" Sa inis niya sa kaniyang sarili ay nahampas niya ang manibela ng kaniyang kanang palad. Mayamaya ay natawa din siya dahil ayaw na ayaw niyang tinatawag siya ni Beverly ng Makoy.

Nakaramdam siya muli nang pangungulila. "God, please bring her back to me! I can't continue living like this." Alam niya na sa mga sandaling iyon ay wala siyang magagawa kaya huminga na lamang siya nang malalim upang pigilan ang pagluha at muli pinaandar ang sasakyan, pauwi. Kahit anong pigil niya ay lumabas pa rin amg kaniyang luha.

Naalaala niya na sa susunod na araw ay kaarawan na niya at hanggat maaari gusto niya maging masaya siya sa araw na iyon. Nais na rin niyang makaahon sa kaniyang pagkalugmok at makabawi sa kaniyang ina.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon