LUMIPAS pa ang ilang araw ay patuloy na natili si Stephen sa kanilang bahay. Walang magawa ang ina kundi hayaan na lang muna ang anak sa pagpapalipas ng sinapit na kasawian nito sa pag-ibig. Kaya nga hinahayaan na lang niyang magpakalasing ito sa kanila kaysa sa kung saan-saan pa maisipang nitong uminom, para iwas disgrasya.
Isang hapon, nagmamadali sa pagpunta si Stephen sa may kusina para tanungin ang mga kasambahay nila. Galit itong may hinahanap ng isang napakahalang bagay. Naabutan niyang naghahanda ng pang-gabihan si Manang Karing.
Lumapit ito. "Manang Karing, sino po ang naglaba ng mga damit ko?" tanong nito nang paaburido.
Si Manang Karing ay labing pitong taon na nilang tagapag-luto. Asawa ito ng kanilang driver na si Tata Reuben. Singkuwenta y sinko pa lang ito, ngunit kung siya ay titingnan animoy mahigit sisenta na dahil sa mga namumuting buhok at bilugang katawan.
"Ay naku Nonoy, baka si Cora o si Lumen. Bakit 'Noy?" Nonoy ang nakasanayang tawag ni Manang Karing kay Stephen, magsi-siyam na taon pa lang nang siya'y manilbihan sa kanila, at parang yaya na ito kung ituring ng binata. Tinigil muna nito ang paghihiwa ng sibuyas.
"Kasi po may nawawala akong damit. Ilang araw ko na pong hinahanap pero hindi ko makita." Medyo umusog nang kaunti si Stephen dahil sa singaw ng sibuyas. Nakita rin niya na napapaluha si Manang Karing. "Nasaan po sila?"
"Si Lumen, sinama ng Mama mo sa pawnshop para magbantay muna. Si Cora nandiyan lang yon." Tumingin ito sa bintana ng kusina. Tanaw dito ang kanilang labahan. May mga nakasampay pa nga sa sampayan nila. Nakita ni Manang Karing si Cora na kinukuha ang mga tuyong sinampay. "Ayon siya, Noy." Lumapit siya sa may bintana at tinawag niya pero naka-earphone ito at pakanta-kanta pa.
"Huwag niyo na pong tawagin. Ako na lang po ang pupunta." Lumabas si Stephen sa pintuan papunta sa laundry area nila.
Patuloy pa rin si Cora sa kaniyang ginagawa pagpupunpon, at may kalikutan ito dahil sa walang humpay nitong pasasayaw-sayaw. Nakatalikod ito kay Stephen habang nakakabit ang earphones ng cellphone sa mga tainga nito. Kumakantan-kanta ito ng Wrecking Ball ni Miley Cyrus ng wala sa tono at pa-tsamba-tsambang lyrics.
Naka dalawang beses na ng tawag si Stephen ngunit hindi ito narinig ni Cora kaya kinalabit na niya ito sa balikat.
"Ano ba? Huwag niyo nga akong isturbuhin. Can't you see I'm super, duper, busy here?!" Sabay lingon nito. "Ay, kayo po pala, Kuya Stephen!" Agad nitong ibinaba ang basket na nilalagyan niya ng mga tuyong nilabhan.
Nang makaharap na siya kay Stephen habang nakatingala ito dahil sa medyo may kababaan, tinanong kaagad ito ni Stephen. Hindi naman ito naintindihan ni Cora dahil sa malakas ang tunog nitong earphones. Sinenyasan ito ni Stephen na tanggalin ang earphones. Tinanggal naman kaagad ito ni Cora.
"Grabe ka naman Cora kung makapag-sound trip! Hindi ka ba nabibingi niyan?" tanong nito na nakakunot-noo.
"Sorry po, Sir." Dahil napansin niya na nakasimangot na si Stephen ay nagseryoso na ang mukha nito. "Ano po ang kailangan n'yo, Kuya?"
"May hinahanap akong polo. Dalawang linggo ko na 'yong hinahanap pero hindi ko makita?" Habang nagsasalita si Stephen ay panay ang kurap ng mga mata ni Cora na ikinaasiwa ni Stephen. Bahagyang natulala pa si Cora. "Ano Cora, nakita mo ba?"
Niyugyog ni Cora ang ulo niya para maalis sa pagkatulala. "Kuya 'yong ano po...Ano nga po uli 'yon?"
Tuluyan nang nagsalubong ang kilay ng binata. "Hindi ka naman kasi nakikinig. 'Yong polo kong dilaw. Nasaan?!" sigaw ni Stephen.
"Yo-yo-yong ye-yellow mong po-polo, Sir?" pag-uulit nitong nanginginig. Tumangong nakadilat ang mga mata ni Stephen. "Yong lagi mong sinsuot pag umaalis ka?" Di na nag-react si Stephen. "Ka-kasi po namantsahan ko-ko ng blue yong t-shirt. Kaya po ayun gre-green na po siya."

BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...