WALA nang sinayang pang sandali si Stephen kaya agad niyang sinundan si Candice na humaharurot sakay ng motorsiklo. Malakas ang kutob niya na may masamang binabalak ito kay Apollo at may kinalaman din ito sa narinig na pagsigaw nito. Kaya bago mahuli ang lahat ay kailangan niyang pigilan si Candice na tinuturing din niyang malapit na kaibigan.
Ano kaya ang nangyari kay Apollo at anong ginawa ni Candice dito? May kinutsaba kaya itong ibang tao? Diyos ko, huwag mo po kaming pababayaan. Ilayo niyo po kami sa kapahamakan. Kayo na po ang bahala kay Candice at kay Apollo.
Suot pa rin niya ang bluetooth earpiece kaya sinubukan niya muli kausapin si Apollo. Siya naman ang tumawag dahil naputol na ang kanilang linya. "Hello, Apollo? Are you there?" Ngunit walang sagot si Apollo kahit nakailang ulit na niya itong tinawagan.
Paparating siya sa isang blind curve na kalsada at madilim ang lugar dahil sa mga mayayabong na punong kahoy, kahit na nga mag-aalas sais pa lang ng hapon. Maaaring doon si Apollo naaksidente. Nagdahan-dahan siya baka may kung anong nakaharang o patibong na naman doon. Nang makalampas siya ay saka niya nakita sa kaniyang unahan ang sasakyan ni Apollo na nakasampay sa bakod na gawa sa yero. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita. Alam niyang maaaring sa sobrang bigat ng sasakyan nito ay hindi makayanan ng bakod ang kotse at tuluyan na itong bumulusok. Wala rin siyang nakikitang mga tauhan na dapat ay umaayuda na dito. Nang mapadaan siya sa tapat ng kotse nito ay doon niya nakita si Candice na nakasampa sa motorsiklo at malapit sa sasakyan ni Apollo. Iginilid niya muna ang sasakyan saka siya bumaba. Kung magtatagal pa si Candice ay maaaring tuluyan nang mahulog sa bangin si Apollo.
Kahit suot ni Candice ang helmet ay naririnig niyang nanggagalaiti ito. "Hayup ka Apollo! Katapusan mo na! My pain will end here now with you!" Humalakhak pa ito ng kuntodo. "I'll see you in hell, but you have to go down first!" Bigla nitong pinaugong ang motor at pinatayo ang motorsiklo. Akmang ibabagsak na nito ang motorsiklo sa nakasabit na kotse upang mahulog na ito kasama si Apollo sa bangin.
Napasigaw si Stephen habang patakbo siya at nakaunat ang kaniyang braso para pigilan ang babae. "No Candice! Don't do it!"
Napalingon sa kaniya si Candice at ibinaba nito ang nakaangat na motor.
"Huwag kang makialam kung ayaw mong madamay! This is between me and him!" Ibinabang muli nito ang motorsiklo. "Just finish the race and win that goddamn race!"
"For what?" Napagtanto niya na halos nagkakapareho lang ito ni Apollo, ang importante lang sa dalawang ito ay ang manalo kahit na sa maling paraan. "Anong saysay ng pagkapanalo ko kung dinaya ko si Apollo at pinatay mo ito? I can't let you do that!"
"Nakita mo ba kung paano ka niya dayain? This is your chance, Stephen, bago ka pa niya maisahan ulit. Nobody will know what happens to him here. So go now!"
"Ca..." Napahinto siya. Naaawa na nag-aalala siya para dito. "You don't have to do this, Clarissa. Nagpapasalamat ako sa mga ginawa mo sa akin, but I will not let you do this. I know he wronged you, and he made your life miserable, but killing him will make it worst! Let it go Clarissa. Hayaan mo na lang ang batas ang magparusa sa kaniya," panghihikayat niya.
"Batas? There's no justice in this country! They already bought it! Sa akin siya nagkasala, kaya sa akin din siya mananagot! So stay away and let me end my misery! I've waited for this!" Bigla ulit nitong itinaas ang motor at nang ibabagsak na sa bakod ay bigla niya itong dinambahan kaya lumihis ang pagkakabagsak ng motorsiklo.
Yinakap niya si Candice sa likod upang pakalmahin. Idinikit niya ang kaniyang mukha sa ulo nitong may helmet. "Let it go, Clarissa. Let it go." Inuugoy-ugoy pa niya ito.
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...