"CLARA naman huwag mo nang ulitin 'yong ginawa mo kanina. Nandito naman kami sa tabi mo, ha? We will be with you all through out, manalo o matalo ka man sa kaso. Naniniwala kami sa'yo," mahinahong pang-uugoy ni Suzzie kay Candice, ang dating si Clara. Kasalukuyan silang nakaupo sa kama ni Sophie habang nag-uusap. Ito ang kaniyang naging pansamantalang sanktuaryo.
"I feel so hopeless, Sue, and I don't know what to do kaya ko 'yon nagawa. Saka diring-diri na ako sa sarili ko. Ang tanga ko kasi. Hindi ako nakinig sa'yo na makipag-break na sa hayop na 'yon!" Habang nagsasalita siya ay dinadagukan niya ang kaniyang dibdib. Walang tigil din ang pagpatak ng mga luha niya.
"Tama na yan Clara! And stop blaming yourself. Who could have thought that he was capable of doing that? You are just a victim here. Look at me!" Hinawakan nito ang ilalim ng baba ni Candice at itinaas. Tiningnan niya ito sa mga mata. "Huwag mo nang isipin ang mga nangyari. Huwag mo na ring pansinin ang mga naririnig mo sa iba, ha Clara?" mariin nitong sabi.
Nanggagalaiti pa rin si Candice. "Mga hayop kasi sila! Lalo na ang Apollo na 'yon!" sigaw ni Candice. Sandaling nanahimik si Candice at tumingin sa may bintana ng kuwarto. "Balang araw, makakaganti rin ako sa mga hayop na iyon at pagsisisihan nilang mga ginawa nila sa akin! Sinira nila ako, sisirain ko din sila!"
"Clara naman, tinatakot mo ako sa binabalak mo. Galit ka lang kaya mo yan nasasabi. Hayaan mo na lang yan sa batas natin. Pagbabayaran din naman nila 'yan."
"Thanks Sue!" Nagpunas ulit siya ng tissue. Sa kakaiyak niya ay nagkalat na sa ibabaw ng higaan ang ibang tissue na basa ng lkaniyang luha . "Ang tutuo niyan, hiyang-hiya na ako sa inyo, kaya gusto ko na rin sanang umalis na lang dito. Napipirwisyo ko na kasi kayo lalung-lalo na si Tita Luisa." Sabay hikbi ulit ni Candice.
"Bakit naman? Kung sakaling nangyari ba yan sa akin, God forbid, pababayaan mo na lang ba ako? Bakit ba tayo naging mag best friend kung iiwanan lang pala kita sa ere? About kay Mama, siya nga ang may gustong tulungan kita. Alam mo namang parang anak na rin ang turing no'n sa'yo. Kung sakali namang aalis ka dito, saan ka naman pupunta? Aber?" Tama nga si Suzzie dahil wala siyang ibang mapagkuhaan ng ibang suporta kahit na ang sarili niyang pamilya. "Hindi rin papayag si Mama na umalis ka dito dahil wala ka namang pupuntahan." Saka nito hinagod ang likod ni Candice. Ngumiti si Suzzie ng marahan. "Makakaraos ka din, Clara. Isipin mo na lang na isa itong masamang panaginip!"
"Natatakot nga ako kapag natutulog ako. Napapanaginipan ko pa rin ang mga nangyari!" takot na sabi ni Candice.
Nanahimik saglit si Suzzie. "Sige, huwag ka nang matakot dahil sasamahan na kita ditong matulog. Tatabihan na lang kita." Tumango si Candice.
Tumayo si Suzzie at kinuha ang mga nagkalat ng tissue sa ibabaw ng kama, at itinapon sa basurahan. Pagbalik niya sa kama ay pinahiga niya si Candice. Pumunta siya sa kabilang parte ng kama at nahiga na rin. Pagkahiga niya ay yinakap niya si Candice.
"Thanks friend for staying with me," bulong ni Candice habang tinatapitapi siya ni Suzzie sa may balakang. Unti-unti na rin siyang nakatulog.
HINDI niya akalain na iyon na pala ang huling gabi niya sa bahay nila Suzzie dahil kinabukasan ng mgapanahong iyon ay sinundo na siya ng kaniyang Papa. Ipapadala pala siya ng ama sa London matapos makipag-areglo ng mga magulang ni Apollo sa kaniyang ama. Nang matapos ang kaso at naipakulong na ang apat pang humalay sa kaniya ay umalis na siya papuntang London. Wala siyang magawa kahit na labag ito sa kaniyang loob.
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...