NAPUNO ng mga bisita ang restaurant ng hotel kaya nagpadagdag ang mag-pinsan ng ilan pang mesa na umabot pa sa pool area. Lumagpas kasi ang bilang ng kanilang mga imbitado. Ganumpaman, hindi na ito inalintala ni Kakay dahil naging matagumpay naman ang bentahan ng naganap na subastahan.
Kasama ng mag-ina sa isang mahabang banquet table na pabilog ang mga pinakamalalapit na kaibigan at kamag-anak nila. Naroon din sa mesa ang mag-inang Barranda sa kagustuhan na rin ni Kakay. Magiliw naman inasikaso ni Stephen kahit na nga naaalangan siya sa mga ito.
Pinangunahan muna sila ng isang panalangin mula sa isang ministro na kaibigan din ni Kakay. Pagkatapos ng panalangin ay tinawag ng dalawang emcee ang dalawang binatang apo sa pamangkin ni Kakay para haranahin siya ng isang awitin. Ang isa sa kanila ay taga-gitara. Sinabayan din ito ng isang video clip na photo montage na gawa ni Stephen habang inaawit ang She's Always a Woman to Me ni Billy Joel. Mga litrato ito nilang mag-ina at ang mga masasayang alaala nito simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. May ilang litrato ring isinabay si Stephen kasama ang dati nitong asawang si Fernan. Sa pagtatapos ng video ay hindi na nito naikubli ang kaniyang pagluha. Naghalo kasi ang saya at lungkot nito sa lahat ng mga nangyari sa kaniya sa loob ng animnapung taon. Agad naman itong yinakap ni Stephen.
Napansin ng dalawang emcee ang pagiging emosyonal ni Kakay kaya nagpa-awit muli ito ng birthday song. Napangiti naman nilang ito. Pagkatapos ng maigising programa ay dumako na sila sa kainan.
Tumayo si Philippe hawak ang isang wine glass. Si Philippe ang isa sa pinakamatandang pamangkin sa kanilang pamilya at ang paborito nito. Tinaas nito ang wine glass sa harapan ng mga nagsisikainan. "Here's to our greatest aunt whom we also consider our second mom. Thank you Tita Kaye!" Nginitian nito ang tiyahin at itinaas ang baso bilang pagsaludo. "Happy 60'th birthday! Here's to long life!" Sabay-sabay na nag-toast ang mga naroon pati ang mga nasa ibang mesa.
Sandali pa ay may isa siyang kumare na nagsalita rin. "This is one unforgettable birthdays I have ever attended, Kumare. Gusto ko na rin tuloy magpa-auction ng mga antique collections ko sa upcoming birthday ko," sabi nito ng may kayabangan. Napasandal pa ito sa balikat ng asawa. "What can you say, Darling?"
"By all means, Honey, nang mabawasan naman ang kalat sa bahay," patawang sagot ng asawa ng ale. Halos matawa si Stephen dahil sa hitsura ng dalawa. Palihim naman itong sinipa ni Kakay.
Napansin naman ng hipag ni Kakay si Luisa na tahimik na kumakain. "It's good to see you here, Luisa." Nagngitian ang dalawa dahil magkaharap ito. "Balita ko your daughter Sophie graduated cum laude, congratulations! She and my niece are having their internship on the same hospital." Nagpasalamat naman si Luisa. Napabaling ang tingin ng tiyahin kay Stephen. "If you don't mind, curious kasi ako, tutuo ba ang tsismis na hiwalay na kayo ni Sophie, Stephen?"
Nasamid sa pag-inom ng tubig si Stephen sa di inaasahang tanong nito. Sabay ding namula ang kaniyang magkabilaang pisngi. Hindi man niya nagustuhan ang pangingialam ng tiyahin sa kaniyang personal na buhay sa harapan ng maraming tao ay nanahimik na lang siya.
"Let me answer that Stephen," wika ni Luisa. Tumango naman si Stephen. "I think, we should leave it to them na lang whatever happened, Mare," mahinahong sagot nito. "One thing I'm glad about my daughter and Stephen is that they ended up as good friends, and Kaye and I are still in good terms."
Nakahinga naman ng maluwag si Stephen sa narinig. Hindi pa kasi siya dito nakakahingi ng tawad sa nangyari sa kanila ni Sophie bagamat gusto rin niya itong kausapin noon.
"Thank you so much, Luisa," ani Kakay. "Well, I hope you got your answer now, Sylvia," Napayuko na lang ang ale sa hiya.
"It's true. We cannot tell what lies ahead of our children. They are the one who make their decisions. I'm glad that your friendship was not affected," sabi ng isang matandang lalaki. "Masuwerte rin yong mga beneficiaries ng auction sales mo. Despite what's going on in our country, the jewelry industry here is still a very profitable business," dagdag pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/89724809-288-k891587.jpg)
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...