Chater 4 - Goin Banana

1.5K 38 0
                                    

NAPAGPLANUHAN ng mga kabarkada ni Stephen na bigyan siya ng surprise birthday party, tatlong araw bago ang kaniyang kaarawan. Gaganapin nila ang handaan sa condo ni Harold. Gagawin nila ito para aliwin ang sobrang nalulungkot nilang kaibigan.

Dahil hindi lumalabas ng bahay si Stephen, at panay ang pagmumukmok nito ay nag-isip sila ng paraan kung paano mapapalabas si Stephen.

"So, what can you suggest guys?" tanong ni Joel habang sila ay nasa condo ni Harold.

"Sabihin natin na nagka-problema si Tom sa fiancee niya," suhestiyon ni Ariel.

"Sira ka ba? Mamaya magkatutuo yan! No way!" sigaw ni Tom.

"He's right. It's bad luck guys. Try another one. Something that will convince him," sabi ni Joel.

"Alam ko na! May nagkaso kay Ariel ng rape o kaya harrassment sa office nila," pang-aasar ni Harold kay Ariel.

"Kung gusto mo, ikaw na lang kaya? Hindi 'yon maniniwala kasi alam noon na good husband ako," sabat ni Ariel.

"Joke lang! Di ka na mabiro!" sabi ni Harold.

Habang nag-iisip sila ay narinig nilang bumahing at naubo si Harold.

"Pasensiya na guys, I'm not feeling well." Umubo ulit ito.

"Grabe na yang ubo mo. Dalawang linggo na yan? Magpa-check up ka na kaya," ani Joel.

Nagkatinginan ang tatlo.

Napa-click ng daliri si Tom, ang prankster ng grupo. "Alam ko na kung paano natin mapapasugod dito si Stephen!" Nagkumpulan ang apat at saka pinagplanuhan nila ang kani-kanilang mga gagawin para kay Stephen.

SAMANTALA, habang nagba-browse si Stephen sa internet gamit ang kaniyang Ipad ay may tumawag sa kaniyang cellphone.

"O, Yel? What's the problem?" tanong ni Stephen kay Ariel.

"Si Harold, nagka-Amoebiasis. Suka pa nang suka at grabe ang diarrhea. Sa sobrang kapayatan niya, baka hindi mo na ito makilala."

Nag-alala tuloy si Stephen. "Kailan pa? Dalhin niyo na Bro sa hospital. ASAP na!"

"Dinala na namin sa hospital pero ayaw magpa-confine. May bumibisita namang duktor at nurse sa kaniya."

"Yong parents niya, tinawagan niyo na ba?"

"Tinawagan na namin pero baka sa makalawa pa ata pupunta dito. Nakakaawa nga bro."

Malungkot ang mukha ni Stephen. "Sige, papasyalan ko bukas pero sa gabi na."

"Bakit bukas pa? Ngayon na Bro. Pupunta rin ako mamaya."

"Ha? Sige na nga!" sapilitang sagot nito.

"Perfect!" sigaw ng tatlo na nasa tabi ni Ariel.

Narinig iyon ni Stephen. "Sino yon?"

"Yon? Sa tv yon. Nanonood kasi ako ng movie. O sige na. Daanan mo na lang siya sa condo niya. Matutuwa 'yon. Nami-miss ka na rin daw niya. Magkita na lang tayo."

"Ok. Bye!" Nang maibaba niya sa mesa ang cellphone niya ay napabuntong-hininga ito.

Dahil sa nalamang balita, bigla itong nag-alala sa kaibigan kaya tumigil na lang ito sa pagba-browse at nahiga na lang siya sa kama. Naalaala niya nang masuntok niya si Harold dahil sa pagiging tactless nito noong nag-iinuman silang magbabarkada sa bar. Nainsulto kasi siya dahil pinagtatawanan ni Harold si Beverly. Naalala din niya na kasama si Harold nang isugod siya sa hospital nila Beverly at ni Sophie matapos siyang atakihin ng matinding allergy.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon