Chapter 43 - Hudas Not Pay

767 22 5
                                    

NAKATANGGAP ng tawag si Kakay mula sa ospital na pinagdalhan kay Stephen kaya kaagad nitong tinawagan si Philippe. Hindi pala ito natuloy nang lakad ng gabing iyon dahil sumama ang pakiramdam nito. Ganoon naman ang mga ina, malakas ang pakiramdam lalo na kapag nalagay sa panganib ang kanilang mga anak. Isang bagay na hindi basta maipaliwanag ninuman.

Sinundo ito ni Philippe. Habang papunta ang dalawa ay hindi ito mapakali dahil sa labis na pag-aalala hanggang makarating sila sa Emergency Department. Nadatnan siya doon na mahimbing na natutulog at inaasikaso ng mga nars at duktor. Kinausap na rin ang mga ito ng duktor at sinabihan sila na wala na siya sa peligro. Kailangan na lang niyang magpalakas at magpagaling ng mga ilang araw. Isang himala nga raw na nakaligtas siya sa matitinding bugbog na sinapit niya.

Halos hindi makapaglakad papalapit ng higaan ni Stephen ang ina nang lapitan siya nito. Nanlalambot ang mga tuhod kaya napakapit ito ng mahigpit kay Philippe. Inalalayan na lang ito ni Philippe na awamg-awa rin.

Nang nailipat na siya ng kuwarto ay nanatiling nasa tabi niya ang ina. Binabantayan siya nito na para bang natatakot mawala ang anak. Ilang beses na rin kasi siyang nalagay sa peligro. Banaag sa mukha nito ang naghalong lungkot para sa kalagayan niya at galit naman para sa gumawa nito sa kaniya. Hindi tuloy mahupay ang mga luha nito habang nakaakap sa kaniya.

Sino nga ba naman ang hindi maaawa sa kaniya? Kahit na ang mga nars ay napag-uusapan siya dahil sa mga matitinding pasa niya sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Kulay talong na ang mukha niya, putok ang mga labi pati ang mata niya sa kaliwa. Hirap rin siya sa paghinga dala ng mga malalakas na suntok sa kaniyang dibdib kaya nilagyan siya ng oxygen mask. Malayung-malayo ito sa maamo at tisoy niyang hitsura. Sa tuwing uungol siya ay di mapakali ang ina at tila nararamdaman din ang paghihirap niya. Maging si Philippe ay hindi makapagsalita habang pinagmamasdan silang dalawa.

"This is all my fault, Stephen," bulong ni Kakay habang hawak ang kamay niya. "Kung hindi ko sana ipinagpilitan si Beverly sa iyo, sana masaya pa rin kayo ni Sophie. This would never happen. Ako ang nagtulak sa iyo kay Beverly. Hindi ko naman akalain na iiwan ka rin pala niya. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. Nagparaya rin naman siya para sa inyo."  Napabuntong hininga ito. "Your life became like this all because of me. I'm really sorry, my son, but you know how much I love you. You're all that I have. How am I suppose to live if you have left me?" Napadagok pa ito ng dibdib.

Lumapit si Philippe at hinaplos nito ang buhok ng senyora. "Tahan na po, Tita. Don't put the blame on your self," malumanay na sabi nito. "What happened to Stephen was not your fault. And things do happen for some reasons."

Napailing si Kakay. "That's the truth, Philippe. I'm a manipulative bitch! Ito ang parusa ng Diyos sa akin!" Puno ng galit para sa sarili ang tiyahin. "Sana pati kayo ni Beverly masaya na ngayon. I'm so sorry too, Philippe. Nasaktan ka rin dahil sa akin. You have a chance with her, but I took it away from you. Alam kong mahal na mahal mo rin siya." Halos hindi ito makatingin kay Philippe. "I messed it all up."

"No, Tita," mariin nitong sabi. "No one wants this to happen. Only God knows, so don't condemn yourself." Napangiti ito. "Tanggap ko na noon pa na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Beverly. It was my fault from the very start." Sabay punas ni Philippe sa mukha ng tiyahin na basa ng mga luha.

Umaliwalas ng kaunti ang mukha ni Kakay. "Napakabait mo talaga, Philippe. That's why you are my favorite." Nagkangitian ang dalawa. "Thank you so much for always being with me whenever I needed you. You never said no to me." Napayakap na ito kay Philippe.

"I'm just returning all the good things you've done for us. If not for you, we have lost our house to the bank. Kamuntik na kaming matulog sa kalsada noon, remember?" Bahagya pang natawa si Philippe. "Wala na rin sana si Mama. Kaya kulang pa po ang mga ginagawa ko sa inyo," sabi ni Philippe habang hinahagod ang likod nito. Kung sabagay, maliban sa paborito ay para na lang nitong anak si Philippe kung ituring. Nagkangitian muli ang dalawa.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon