NANG sumunod na araw ay nagpasama si Stephen kay Sony para manood ng drifting show. Isa itong palabas ng samahan ng mga professional car drifters sa Pilipinas at magpapakita sila ng iba't ibang mga makapigil-hiningang stunts. Tuwang-tuwa namang sinamahan ito ni Sony. Pagdating nila ay kakasimula pa lang ng show.
"Bro, bakit hindi ka sumali?" tanong ni Sony.
"H'wag na! Baka maging famous pa ako!" biro niya. Hindi pa naman niya talaga nasubukan ang ganitong klase ng sports dahil sa delikado ito at tiyak na hindi siya papayagan ng ina. "Have you tried it?"
"I tried that once with my Dad's Mustang when I was on my vacation in Australia. He gone mad when I bumped it on the road block." Tumawa pa ito.
"Really?" Nainggit tuloy siya dito dahil malakas ang loob nito at walang kinakatakutan. Hindi katulad niya na halos sunud-sunuran sa mga magulang. Hindi kasi niya magawang pag-alalahanin ang ina ng matindi. "Buti hindi ka kinatay!"
"Yup. He almost did when he saw his car!" Nagtawanan ang dalawa.
Mayamaya ay pumasok na ang isang puting Nissan Sx na tadtad ng stickers. Mabilis ang takbo nito at sadiyang pinapadulas ang sasakyan nito. Lumilikha rin ito ng matinding usok mula sa mga gulong nito habang umaarangkada at nag-iiwan ng guhit sa kalsada. Nagpaikot-ikot pa ito sa isang lalaking nakatayo sa gitna ng daan. Halos pigil hininga ang mga nanonood dahil masiyadong delikado ang stunt na ito. Maari kasi nitong mabunggo ang nakatayong lalaki.
Matapos ay bumaba na ang nagmamaneho nito para maipakilala. Nang tanggalin nito ang helmet ay napatulala si Stephen dahil isa palang babae ang nagpapatakbo ng sasakyan. Inayos pa nito ang pagkakalugay ng mahabang buhok nito. Mas nabigla siya ng makilala niya ito. "Candice?" bulong niya.
"Look at that!" manghang sabi ni Sony. Nakita pa nito na nakatulala si Stephen kaya sininiko siya nito. "Kuya, ha, type mo 'no?"
"Of course not. I wasn't expecting..." Kailan lang ay nakita niya ito sa kaarawan ng ina at parang hindi makabasag ng pinggan ito kung gumalaw. "How could she do that?"
"Hate to admit it, but we guys are being overpowered now by women. Dati, mga lalaki lang ang gumagaw niyan, but now, girls can do that na!"
Napakibit-balikat na lang si Stephen. "Yeah!"
Marami pa ang mga nagpakitang gilas. Iba't ibang stunt ang mga ginawa ng mga ito. May nagpakita pa na dalawang magkasabayang kotse habang nagdi-drift. Mayroon din namang humaharurot sa bilis tapos agad na magpa-park ng ilang segundo lang. Mayroon namang nagpapaandar ng sasakyan na naka-tagilid .
Pagkatapos ng palabas ay nag-alisan na ang mga tao. Nang papunta na ang dalawa sa parking lot, nasalubong nila si Candice kasama ang mga ka-grupo nito mula sa show. "Hi Candice!" bati ni Stephen.
"I'm sorry, do I know you?" nagtatakang tanong nito.
Namula si Stephen sa di inaasahang reaksiyon nito. "I'm sorry, I thought you're someone else."
Pagkasagot ni Stephen ay dumiretso na ang mga ito. Nakita pa niyang inakbayan ng isang lalaki ang napagkamalan niyang si Candice. Malakas ang kutob niya na si Candice iyon, ngunit bakit kailangan nitong magkunwari?
KINAGABIHAN ay si Sony naman ang nagyaya sa club para magliwaliw. Tinanggihan ito noong una ni Stephen dahil sa hindi na siya nagpupunta sa mga ganoong klaseng lugar. Sa di kalaunan ay sinabi ni Sony na doon nagtatrabaho ang nagugustuhan nitong babae at nais lang nito na maipakilala sa kaniya. Hindi kaagad ito nasabi ni Sony dahil baka isipin niya na mumurahing babae lang pala ang nagugustuhan nito. Para hindi sumama ang loob ni Sony sa kaniya ay napilitan na lang siyang sumama.
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
AzioneSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...
