Chapter 23 - Yes, Boss Candice!

907 23 1
                                    

PUNO ng sigla si Stephen sa unang araw niya sa pagpasok sa studio ni Candice. Sinamahan niya muna ito sa pamimili ng mga materyales at iba pang mga kagamitan para sa mga kakailanganin ng kliente nito. Iba't ibang malls at hardware stores ang kanilang pinuntahan at kung saan-saang kalye ang pinasukan nila. Napaka-metikulosa kasi nitong si Candice. Sinusuring maigi ang bawat bilhin nito. Ni halos hindi ito nakaramdam ng pagod. Samantalang kahit napagod siya ay hindi na niya ito ininda dahil sa detirminasyong matuto sa car drifting bilang kapalit ng kaniyang serbisyo.

Marami siyang natutunan sa kanilang pamimili lalo na kung paano tumawad sa mga negosyante. Kung hinanggan niya ito dahil sa galing nitong dumiskarte sa buhay ay mas hinangaan niya ito ngayon dahil sa dedikasyon at spag nito sa pagtatrabaho. Hindi katulad niya na ningas-kugon sa maraming bagay.

Kalimitan ng inaayusan ni Candice ay condo, townhouse, at opisina sa Metro Manila. Napagkakamalang nga silang magkasintahan ng iba, ngunit parehas naman nila itong itinatanggi. Pati ang mga empleyado nito ay nagdududa rin sa pagiging malapit nilang dalawa. Hindi na lang nila ito pinapansin.

Minsan ay sinama siya nito sa Tagaytay para sa isang klienteng nakapangasawa ng isang Hapones. "Today you will see a different style naman," sabi ni Candice habang minamaneho niya ang pick-up ng dalaga. "This time, oriental ang design natin. Have you been into a Japanese homes?"

"Hindi pa pero ang alam ko, plain and simple lang ang style nila. Hindi masyadong magarbo, pero high tech. They also incorporate nature inside their homes."

"Tama ka. Minimalist kasi sila at very organize, saka pag di na nila kailangan tinatapon na lang nila ito kahit na nga maayos pa."

Napalingon siya dito habang nagmamaneho. "Ay oo, napanood ko nga sa isang documentary na namumulot ng mga appliances sa kalsada 'yong mga Pinoy sa Japan."

"See? Basura ng iba, pinupulot pa? Kawawa naman tayong mga Pinoy. Ang iba niyan ay ibebenta dito. Say for example, yong mga lumang tv, computers. Pag nasira, ayan, tambak sa basurahan."

"Tayo namang mga Pinoy, hanggat mapapakinabangan pa ay pinagtitiyagaan. Ba't mo itatapon kung mapapakinabangan pa naman? And I think  we keep our old things because we cling to those memories and also for sentimental reasons." Kinindatan pa niya ito.

"Why cling to old memories when you can create new ones? Parang libro din yan, pagtapos ka na sa isang chapter, next chapter naman. Saka mas magandang gamitin ang bago, di ba?" Hindi man siya sang-ayon ay tumango na lang siya. Mukhang hindi mahalaga ang mga alaala ng nakaraan nito siguro dahil sa mga pinagdaanan na rin nito.

Nagpatuloy ito. "Kung sabagay tayo kasi, we can afford to buy new things. Ako naman kasi, hindi ko kayang kunin ang pinagsawaan na ng iba kahit ibigay pa ito sa akin. Mga desperado lang ang gumagawa niyan. Anong nginingisi-ngisi mo diyan?"

"Yong term mo kasi." Napakamot pa siya ng ulo.

"Alin doon? Pinagsawaan o desperado?" Napabuntong-hininga na lang siya sa mga sinasabi nito. Hindi naman siya nayayabangan dito, nasasaktan lang naman siya para sa ibang tao. "Tutuo naman, desperado naman talaga ang mga ganoong tao."

"Hindi ba puwedeng practical lang?" pagsasalungat niya.

"Stephen, 'yong practical, bumibili ng mura. 'Yong desperado, wala siyang pambili kaya namumulot na lang siya."

"Malay mo, may pambili siya kaya lang naisip niya na puwede niyang ipambili ng mas importanteng bagay." Sumulyap ulit siya kay Candice.

Tinaasan naman siya nito ng kilay. "Basta ang namumulot ng basura ay desperado. Kaya nga tambakan na lang tayo ng basura galing sa ibang bansa. Nakakaawa naman tayo."

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon