BANDANG alas singko ng hapon nang maisipan ni Stephen na mag-jogging sa palibot ng kanilang subdivision. Nakita siya ng ina sa kanilang driveway papalabas na ng gate. "O Stephen, saan ang punta?" tanong nito.
"Mag-jo-jogging lang po," aniya. "Magpapapawis lang. Lumalaki na kasi ang tiyan ko." Tinapik-tapik pa niya ang kaniyang tiyan.
Lumapit ito sa kaniya at tila inuusisa siya. "Lalabas kang ganiyan ang suot?" takang tanong nito. "Teka nga, akala ko ba hindi mo na yan susuotin."
Napakunot siya ng noo. "Why? What's wrong with this?" Suot kasi niya ang mantsadong dilaw na polo at black na jogging pants. "I just can't throw this, Ma!"
"Tingnan mo nga sa salamin kung ano ang hitsura mo." Pinaikutan siya ng mga mata nito sa pagka-dismaya. "Para ka namang timang niyan. Baka isipin ng mga kapitbahay natin na naghihirap na tayo dahil diyan sa suot mo." Sabay pisil nito sa braso niya. "Marami ka namang t-shirt. Why don't you change that?"
Tiningnan nga ni Stephen ang kaniyng suot. Ang tutuo niyan, nawala sa isip niya na mantsado na ang damit niyang iyon. Basta na lang niya iyon hinugot sa kaniyang aparador at isinuot. Gusto man niyang magpalit ay tinamad na siya.
"Ok lang magmukhang ganito minsan. Anyway, I love this shirt. Besides, mamahalin din naman ito." Kinindatan pa niya ang ina.
Napailing ito. "Kahit na, Stephen."
"Mag-jo-jogging lang naman ako. Don't worry, nobody will notice this. "
"Ay naku, kung ayaw mong makinig, fine!" Sabay bitaw ng ina sa kaniyang braso. Sa inis pa nito ay dumiretso na lang ito sa loob ng bahay.
Nagulat si Stephen at nagtaka sa naging reaksiyon ng ina. Bakit kaya ang init na naman ng ulo noon? Baka nagkaproblema iyon sa opisina at siya ang napagbalingan ng galit. "What's wrong with her? She's acting weird today." Napailing na lang siya, ngunit dumiretso pa rin siya sa labas
Mga ilang minuto ang nakalipas sa kaniyang pagtakbo ay may nakita siya sa kaniyang bandang unahan na tumatakbo ding isang batang lalaki na humigit-kumulang sampung taong gulang. Napansin niya na parang may hinahanap ang bata at umiiyak. Sinundan niya ito para tanungin kung naliligaw ba ito. Nang malapit na siya ay tinawag niya ito, ngunit hindi man lang siya nito nilingon.
Patuloy pa rin niya itong sinundan. Nang mapalingon siya sandali sa kaniyang likuran ay nawala na lang sa kaniyang paningin ito. "Asan na yon? Nandito lang 'yon kanina?" tanong niya sa sarili.
May nakita siyang isang dalaga sa tabi ng kalsada na naghihintay ng masasakyan. Nilapitan niya ito at tinanong. "Miss, nakita mo ba 'yong batang lalaki na tumatakbo."
Nakayuko ang babae dahil abala ito sa kaniyang pagti-text sa cellphone. "Nakita ko siyang kumanan sa bandang unahan," sagot ng babae na patuloy pa rin sa pagti-text.
Naka-short at t-shirt na labas ang pusod lang ito. Hindi man niya ito gusto ay nagandahan siya dahil sa makinis nitong kutis. Naenganyo rin siya sa boses ng dalaga kaya habang nagsasalita ang babae ay nakatuon ang isip niya sa dalaga. Sinubukan niyang tingnan ang mukha nito, ngunit hindi niya maaninag dahil tumatama sa mga mata niya ang sinag ng araw.
"Sige. Thank you, Miss." Pagkatango ng babae kay Stephen ay saka pa lang siya umalis.
Tumakbo ulit siya, at napalingon sa babae. Nakita niya na sumakay na iyon sa isang magarang sasakyan.
Ilang sandali pa ay narating din niya ang unahan ng kalsada na nagsanga sa dalawa. Sa gitna ng dalawang kalsada ay may isang napakalaking bato na animo ay gabundok sa laki. Kumanan siya ayon sa sinabi sa kaniya ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...