Chapter 42 - Saving Stephen

774 29 6
                                    

PAPALUBOG na si Stephen nang may biglang isang taong bumulusong para sagipin siya. Mabuti na lamang at umalis kaagad ang dalawang tauhan ni Apollo, kung natagalan pa ang mga iyon ay maaring hindi na siya nito naabutang buhay. Handa na nga sana niyang isuko ang buhay niya sa kaniyang Taglalang.

Si Candice? Anong ginagawa nito dito? At paano kaya nito nalaman ang kinaroroonan niya? Natunugan kaya nito na may dumukot sa kaniya nang maiwan niya ito sa Baywalk? Kung sabagay, hindi pa siya gaanong nakalayo nang magkahiwalay sila. Katunayan, nang lingunin niyang muli ito bago siya sumakay sa kaniyang kotse ay nakita pa niya ang dalaga. Malamang nga ay sinundan siya nito dahil sinadiya nga niyang magpasuroy-suroy sa pagmamaneho paglabas niya ng parking lot upang mapansin. Nahalata pa nga siya nang dumukot na mama sa kaniyang pagmamaneho kaya sinaway siya nito.

Nang matapat si Candice sa kaniya ay hinaplos muna siya nito sa bandang mukha habang siya naman ay dahan-dahang lumulubog pailalim sa dagat. Awang-awang ito sa kalupitang sinapit kay Apollo. Napangiti naman siya dahil ang akala niyang nasa harapan ay ang pinakamamahal niyang si Beverly. Napapikit pa siya nang bigla siya nitong bugahan ng hangin sa kaniyang bibig. Paubos na rin kasi ang kaunting natitirang hangin sa kaniyang dibdib.

Mabilis na bumulusong si Candice pababa para tanggalin ang pagkakatali ng isang paa niya sa pabigat na bakal na humihila sa kaniya pababa. Kinapa nito ang tali saka dali-daling pinutol gamit ang dalang gunting. Mabuti at matalim ang gunting kaya naging madali ang paggupit nito ng lubid. Maaaring habang ginugulpi siya ay nakatago ito sa isang madilim na sulok ng bodega, at nang marinig ang utos ni Apollo ay kumuha ng gunting saka ito sumunod sa naghagis kay Stephen sa dagat.

Nang makalagan na siya nito ay hinila naman siya nitong paibabaw ng dagat. Kinabit na rin siya nito habang lumalangoy ito papuntang dalampasigan.

Bawat sandali ay mahalaga kaya nang makaahon sila ay agad siya nitong ipinahiga sa may baybay. "Stephen, are you okay?" alalang tanong nito. Hindi siya sumagot. Sumigaw din ito ng tulong, ngunit walang dumating.

Nanatili siyang nakapikit at hindi gumagalaw kaya inilapat nito ang tainga malapit sa may bibig upang malaman kung may hanging lumalabas. Inobserbahan din nito ang paggalaw ng kaniyang dibdib upang malaman kung siya ay humihinga.

Naalarma si Candice. "Oh no, Stephen!" sabi nito. Hindi kasi siya humihinga at wala itong naramdamang mainit na hangin mula sa kaniyang bibig. Pinulsuhan rin siya nito sa may leeg. Lalo pa itong nabalisa dahil wala rin siyang pulso. Sa makatuwid nang mga sandaling iyon ay wala na siyang buhay.

Nataranta na ito. "No, no, no! This can't be. Hang in there!" Hindi na tuloy nito malaman ang gagawin. "Snap out of it!" sabay sampal sa sarili.

Walo hanggang sampung minuto lang ang itniatagal ng utak na walang oxygen para muling gumana ito. Kung walang oxygen na maibigay sa loob ng mga sandaling iyon ay imposible ng maibalik pa sa dati ang kaniyang buhay. Wala pa namang walong minuto simula ng umahon sila at hinila siya nito papunta sa dalampasigan kaya may pag-asa pa sila.

Agad siya nitong binugahan ng hangin sa bibig ng dalawang beses saka pumuwesto sa pagitan ng kaniyang ulo at balikat upang simulan ang Cardio Pulmonary Resucitation o CPR.

Nanginginig ang mga kamay nito. "I can do this...Of course I can!"

Kinapa muna nito ang buto niya sa may dulo ng gitnang dibdib niya. "From xiphod process to two fingers above it." Saka inilagay ang magkapatong na mga kamay nito sa ibabaw ng kaniyang dibdib. "I got this!" Mula balikat papunta sa naka diretso nitong braso ang puwersang ipinandadagan ni Candice. Binigyan siya nito ng tatlumpong chest compression sa loob ng kinseng segundo. Pagkatapos ay pinisil nito ng isang kamay ang kaniyang ilong at ang isa naman ay inilagay sa kaniyang baba para maingat ng kaunti ang kaniyang ulo, saka binuhgahan ng hangin ng dalawang beses.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon