Chapter 21 - Sonyshine No More

742 24 3
                                    

PAPAUWI na si Stephen galing sa condo ni Candice. Nang malapit na siya sa kanila, nakita niya si Sony naglalakad ng pasuray-suray. Binuksan ni Stephen ang bintana habang dahan-dahan niyang pinaaandar ang sasakyan.

"Hey Sony!" Hindi siya pinansin nito, patuloy lang ito sa paglakad. "Bro, lasing ka ba?"

Napatigil si Sony. Nang matapat na ito sa may bintana ng sasakyan niya ay isinampa nito ang braso sa ibabaw ng kotse. "Whoa! Look who's here? Mr. Dark Knight and his dark secret!" mapang-nuya nitong sabi.

Amuy na amoy ni Stephen ang alak sa hininga ni Sony habang nagsasalita ito. Biglang tumalikod si Sony at dumuwal.

Napilitang bumaba si Stephen. Pagbaba niya ay hinimas ang likod nito. "What's the problem, Bro? Are you ok?" Tinabig ito ni Sony sabay harap sa kaniya at nagpakawala ng isang suntok.

Dahil sa kalasingan ay hindi ito nakatama sa halip ay nawalam ng si Sony at natumba ito sa harapan niya. Nasalo naman ito ni Stephen. Tinululngan niya na lang itong makatayo ng tuwid.

Nagpumiglas si Sony. "Let go of me!"

"Anong problema mo, Sony? Ano bang ginawa ko sa'yo?" nalilitong tanong niya.

"I know your secret already, so don't you play innocent with me! You two-timer, girlfriend stealer, paasang kuya!" panunudiya nito. Namumula ang mukha nito at nandidilat ang mga mata.

Sa tono nang pananalita ni Sony ay natumbok na lang niya  kung ano ang nais nitong iparating sa kaniya. Isa lang ang ibig sabihin nito at iyon ay maaaring nalaman na nito ang tungkol sa kanila ni Brenda. Sinabi ba ito ni Brenda para pag-awayin sila? Hindi siya makapaniwalang magagawa ito ng babaeng iyon.

"She told you about it?" tanong niya, ngunit hindi ito sumagot. Pinilit kalmahin ni Stephen ang sarili at nagsalita siya ng malumanay. "Bro, whatever happened to us with Brenda, means nothing. Matagal-tagal na rin 'yon."

"Really? Kaya pala gusto mong layuan ko na lang siya!" pasigaw nitong sagot.

"Kaya ko 'yon sinabi kasi magulo ang sitwasyon niyo ni Brenda. Mapapahamak ka lang!" madiin naman niyang sabi.

"No! You want me to stay away with her, so you can keep her, di ba?" Tinulak nito sa dibdib si Stephen at halos matumba siya.

Naiirita na si Stephen. "That's not true! Wala akong intensiyon sa kaniya! Hindi ko nga akalain na magkikita pa kami!" galit na sagot niya pero pigil pa rin.

"I know she needs money, and that's part of her job, pero bakit ikaw pa Kuya Stephen. I treated you like a brother!" Humagulhol na ito sa sama ng loob sa kaniya. "But I'm not like you, you coward! I will fight anyone who stands in my way for the woman I care a lot!"

Masakit man ang binitiwan nitong salita ay tiniis na lamang niya. "I'm sorry." Hinawakan niya ulit ang balikat ni Sony. "Hindi ko naman akalain na mangyayari ito sa atin. You're also like a brother to me."

"No Kuya! I don't want your sorry!" Bigla itong pumiglas at naglakad muli ng pasuray-suray. Sinundan ulit niya  ito.

"Sony, makinig ka. Pagkatapos noon, hindi na kami nagkita. Noon ko na lang siya nakita nang isinama mo ako sa club. Saka hindi naman madaling sabihin yon sa'yo dahil ayokong masaktan ka. Baka hindi ka rin maniwala sa akin. Kung mahal mo talaga si Brenda, kailangan tanggapin mo ito. What happened to us was unintentional. It just happened!"

Huminto si Sony sa paglalakad at hinarap si Stephen. "Easy for you to say that because you are not in my situation. I felt betrayed by you. Akala ko pa naman mabait ka, but you cheated me!"

"You have the right to be angry. I can't blame you for that. But let's forget about it." Napatigil si Stephen, "It was just..."

"Plain sex? Ha Kuya? One night stand?" Itutulak ulit sana siya nito sa may dibdib, pero nagpigil na ito.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon